Chapter 72: Victory Party & Memorial?

643 21 0
                                    

***

"Ano bang theme ng party niyo?" tanong ng mama nina Kian at Sean habang naglalakad sa mga nakahanger na clothes niya sa boutique.

Nakasunod naman nito ang mga guardians at si Gia. Sina Lyn at Lee kasi ay nasa Draco para tumulong sa gaganaping party. As for Eya and Nil, nasa Draco rin, sila ang inatasang maghanda sa party.

"Anything you need is in here!" aniya at humarap sa kanila.

"Uhm...thank you po Tita. Kami nalang ang maghahanap ng dress namin." sabi ni Shan.

"You sure you don't need my help?"

Nagsitanguan naman silang lahat.

"Okay. Help yourselves kay? May aasikasuhin pa akong mga customers." aniya at mabilis na umalis para salubungin ang customers nitong kakapasok palang sa boutique niya.

Nang mawala na ng tuluyan ang mama nina Kian at Sean ay napahinga sila ng malalim at tinignan ang mga dresses na nakadisplay.

"Kailangan ba talaga naming mag dress Ate?" walang ganang tanong ni Thea kay Gia.

"Yes." sagot naman ni Gia. "Hindi naman kailangang bongga ang suot niyong dress." ngiting sabi nito.

"Any dress that makes you feel comfortable." ngiti nitong sabi sabay akbay kay Yumi at Sue na malapit lang sa kanya. "And that's why I'm here to help you." sabi niya.

They just sighed bago tumalima para maghanap ng dresses nila.

Tinulungan naman sila ni Gia sa pamimili.

Hindi naman sila nagtagal at nakapili narin sila agad ng susuotin nila. After that ay pumunta na sila sa counter para bayarin ito.

Habang naghihintay sa counter ay sumulpot nanaman ang mama nina Kian.

"Eto na ba lahat ng susuotin niyo?" tanong nito.

Ngumiti naman sila at tumango.

"Ano palang klaseng party ang pupuntahan niyo? Birthday party?" tanong nito sa kanila out of curiosity.

Nagkatinginan naman silang lahat. Hanggang sa sumagot si Sue. "Uhm...opo Tita. Birthday party po."

Napa 'ahh' naman ang ginang. "You should take my sons with you. Especially Sean, you know he's really stressing me out lately. Bumalik ang pagiging matahimikin niya." sabi ng ginang saka napabuntong hininga.

"I don't know kung bakit naging biglaan ang desisyon ni Asha na mag-aral sa Australia."

Nagkatinginan ang mga girls. Mukhang si Sean or either si Kian ang nagsabi sa ginang na mag-aaral kuno si Asha sa Australia.

"Binubully ba siya sa school niyo?" sabi nito saka tumingin sa mga girls.

"Ay naku hindi po Tita. Marami ngang humanga kay Asha dun eh."

"Then why did she decide to study there? Decision ba ng mga magulang niya? She just left my son without proper communication. O baka naman si Sean ang may problema?"

"Wala naman pong problema kay Sean, Tita."

Napabuntong hininga nalang ito. "Well, I think I'll just respect her decision." aniya. "Pero hindi naman sila naghiwalay diba? Parang Long Distance Relationship lang ang peg nila ngayon?" dagdag ng ginang na ikinatawa nila.

"Opo Tita." para namang nabunutan ng tinik ang ginang saka napahinga ng maluwag. "Buti naman."

Nagkatinginan silang lahat sabay napakagat labi. Nagiguilty sila plus this is bad. They are lying tapos umaasa pa ang ginang.

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now