Chapter 7: Garden

1K 23 0
                                    


LUNA

"May walong magkakaibigan na nagtataglay ng kapangyarihan. Alam niyo naman siguro kung anong kapangyarihan ang meron sila diba?" ngising pahayag ni Lady Mira. Ahh-oo alam ko na. Water, Fire, Earth, Light, Wind, Ice at ang Mids. Eh teka? Pito lang yon ah?

Nandito na kasi kami sa silid aralan. Kaso, itong si Thea nagtanong kung sino-sino ang mga ninuno namin kaya napilitan namang magkwento ni Lady Mira sa mga ninuno namin, which is, etong walong magkakaibigang pinag-usapan namin.

Matagal na itong kinwento ni Mama ang magkakaibigang ito pero, bata pa ako nun at ngayon wala na akong maalala kaya gusto ko nanamang makilala ang ninuno namin.

Balik tayo...

Takang napatingin ako kay Lady Mira, ngunit napagtanto kong hindi lang ako, kundi maging sila din. Anong mahika ang meron sa pangwalo?-hala? Huwag mong sabihing---

"Tama ka Luna, ang pang-walong miyembro ay nagtataglay ng kapangyarihang Dark." putol ni Lady Mira sa pag-iisip ko kaya napanganga naman ako. Halaaaa... kung ganon? Eh magkakaibigan naman pala sila eh paanong...?

"Marahil ay nagtataka kayo kung anong nangyare ng pagkakaibigan nila?" napatango naman kaming pito. Habang patagal ng patagal ay unti-unting naging interesado itong pinag-aralang historia namin.

"Nang binuksan ang libro ay nabuo ang Draco Incantare Land at siya ring pagkakaroon ng kapangyarihan ang walo. Ang Propesiya ang nagbuo sa ating lahat at kung mawawala ito, mawawala din tayo. Kung nanakawin ito ay manghihina tayo at maaaring kontrolado tayo. Kaya ganun kahigpit ang sekyuridad natin sa Propesiya."

Nagtatango-tango nalang kami, alam naman na namin ang bagay na ito pero mabuti lang yung ipaalala samin ang tungkol sa sekyuridad ng Propesiya dahil importante ito samin.

"Ah...tungkol po sa kaibigan nilang may itim na mahika. Ano pong nangyare?" biglang nagsalita si Asha. Hahaayy...minsan lang iyan nagsasalita kaya masanay na ako. Mabuti nga't hindi iyan maingay dahil paniguradong susunugin ko rin siya pag nagkataon. Tsk!

"Ah! Muntik ko ng makalimutan iyan. Haha..." oo nga...tsk! Matanda narin kasi si Lady Mira kaya di na ako magtaka kung pati iyang latigo niya ay malimutan niya...tsk!

"Napansin kasi ng kaibigan nilang iyon na naiiba siya sa kanilang pito. Hindi niya nagustuhan ang binibigay na mahika sa kanya kaya naiinggit siya sa kanyang mga kaibigan at galit din siya sa Propesiya. Nung isang araw ay nawala siya, iyon pala ay pumunta siya sa South at doon nagbuo ng sarili niyang palasyo. At doon nabuo ang pagitan sa dalawang magkabilang lugar."

"Grabe naman po siya. Kung hindi lang sana niya inuna ang inggit at galit niya eh payapa parin ang lahat hanggang ngayon." nakakunot noong sabi ni Micca. Tch! Ampangit tuloy niya pffftt..

"Sinabi ng kaibigan niya na tanggap naman daw nila kung ano siya at kung anong kapangyarihan ang meron siya basta lang bumalik siya ulit sa Incantare at nang mabuo ulit sila. Pero hindi ito natinag dahil mas nangingibabaw ang inggit at galit niya. Kaya paalala ko sa inyong pito, huwag niyong hahayaang malamon kayo ng inggit at galit niyo, ito ang dahilan ng pagkakasira ng kung anong meron kayo, ang pagkakaisa't tiwala niyo sa isa't-isa" natigilan naman ako sa sinabi ni Lady Mira. Hindi naman ako bobo noh, tumatak kasi sa dibdib ko ang sinabi ni Lady Mira kaya napaisip ako...hindi naman siguro ako ganun kasama diba? Alam ko naman ang posibleng mangyare sa ginagawa ko.

"Opo Lady Mira." sagot nila maliban samin ni Asha. Tsk, manahimik ka lang kundi papanis iyang laway mo! Oo ako na ang maldita. Haha

"Tsaka ano napong nangyare Lady Mira? Nagkaroon din po ba ng digmaan laban sa mga Incantaria at mga Darkers?" haaaysss....kahit kailan talaga itong si Thea puro tanong!

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now