Chapter 47: Avoid

657 23 1
                                    

YUMI

"I know biglaan ang pagtawag ko sa inyo dito. But I think you already know why I called you here." sabi ni Ate Eya nang makarating na kami sa office niya. Mukhang kakatapos lang ng meeting nila sa faculty and staffs.

Tinanguan lang naman namin si Ate Eya. "May nakita kaming itim na ibon Ate Eya." sabi ko naman.

"Siguro mga Darkers ang mga iyon." singit naman ni Luna.

"It is possible." sabad naman ni Shan. "I mean, they radiate power. Dark power." dagdag naman nito.

"Mabuti at hindi kayo sinugod." maluwag na sabi ng prinsipe. Umiling naman si Sue. "Luckily we're not. Kalma lang kami at pinagmasdan lang ang mga ibon."

"Paano sila nakapunta dito sa mundo ng mga tao? I mean, ligtas naman kaming nakapunta dito at wala kaming bakas na iniwan." kunot noong sabi ng prinsipe. Pinakalma naman ito ni Ate Eya. "Now now Nil. I'm sure it's gonna be alright." tahan ni Ate Eya kay Prinsipe Nil at kumalma naman ito.

Ang katabi ko namang si Thea ay inilapit ang mukha niya sa akin. Ramdam kong may ibubulong siya sakin kaya inilapit ko narin ang mukha ko sa kanya. Nang malapit na ang bibig niya sa tenga ko ay bumulong naman siya.

"Sana all."

Agad kong inalis ang pagmumukha ko sa kanya sabay hampas kay Thea. "Gaga ka! Tigilan mo na iyang kaka facebook mo." tinawanan lang naman ako nito.

Yep. May facebook narin itong si Thea. Well, kami naman talagang lahat hahaha. Matapos makagawa ni Luna ng account sa facebook ay hindi tuloy kami mapakali kasi tawa siya ng tawa kaharap ang cellphone nito. Nakakatawa daw ang mga meme. Hindi naman kami makarelate kaya ayun.
Napapa sana all narin tung si Thea. Gaga talaga!

"Ano nang gagawin natin?" tanong ni Kuya Lee.

Huminga muna ng malalim si Ate Eya. "H-Hindi ko pa alam. Biglaan kasi eh." si Ate Eya naman ngayon ay parang nasistress kaya pinakalma narin ito ni Prinsipe Nil.

Inilapit nanaman ni Thea ang mukha niya sa mukha ko. "Sana all talaga." bulong nanaman nito sakin. Natawa nalang din ako sa kanya.

Kalma lang kaming mga guardians na nakatingin kina Ate Eya. We already knew that this would happen. Thanks to Thea and Hera who are able to see a glimpse from the future, we are able to prepare from this situation.

"How are you calm in all of this?" tanong bigla ng prinsipe sa aming mga guardians. Napataas kilay naman kami tsaka nagkatinginang pito.

"Hindi rin naman kasi tayo makakapag-isip ng tama kung mas nangingibabaw ang galit at kaba." sabi ni Asha. Whew...she's really good at reasons.

"Yeah...you're right." kalma naring sabi ng prinsipe tsaka umupo nalang sa swivel chair.

"Nang dahil sa pangyayareng ito. Hindi naman natin basta basta nalang isasara ang paaralang ito dahil nanganganib ang buhay natin." sabi ni Ate Lyn. Sumang-ayon naman si Ate Gia sa kanya. "Maapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante."

"K-Kung mag leave kaya tayo? Then let our other staffs handle the school temporarily." suhestisyon ni Kuya Lee.

Umiling naman si Ate Eya. "No. I don't trust others easily."

Pabalik balik lang ang tingin namin sa kanila habang nagpapasahan ng suhestisyon.

"I think it is really a good way na tayo tayo muna ang may alam sa mangyayare. I mean look at them. They are more stressed than the seven of you." sabi ni Ace sa isip ko. I mentally agreed at Ace.

Actually we concluded na ganito ang mangyare kapag maramdaman nilang may Darkers na nandito sa mundo ng mga tao. We just planned na pakinggan lang namin ang magiging desisyon nila. But our plan still remains.

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now