Chapter 23: New Acquaints

840 25 2
                                    


***

Mabilis lumipas ang oras at hapon na. Naghanda na ang lahat sa kanilang mga sarili.

"Oh? Hindi ka sasama Prinsipe Nil?" takhang tanong ni Yumi sa prinsipe na prenteng nakaupo sa sofa at may binabasang libro.

"Hindi na. Hindi naman ako ang mag-aaral eh. Babantayan ko nalang ang bahay." ngiting sabi nito at ibinalik ang paningin sa binabasa nitong libro.

"Meron naman sina Ate Lyn, Ate Gia at Kuya Lee eh. Sila nalang ang babantay sa bahay." pang-iinsist ni Thea.

"Nah...huwag na. Kayo nalang, ako lang ang lalaki hahaha." tawa nitong sabi. Yung tawang nakakatunaw. Napakagat labi nalang yung iba.

"Huwag niyo ng pilitin ang Prinsipe. Dadalhan nalang natin siya ng pasalubong." sabi nalang ni Eya. Wala ng nagawa ang iba at sumang-ayon naman.

Sumakay ulit sila sa van at nagbyahe papuntang pinakamalapit na Mall sa lugar nila.

Limang minuto lang ang byahe at narating nila ang Mall.

Manghang napatingin ang mga guardians sa building pagkababa nila sa van.

"Oh? Huwag masyadong pahalata. Just act normal. Baka isipin ng mga tao na baliw kayo." sabi ni Eya matapos matawa sa reaksyon ng mga guardians.

"Pasok na tayo?"

"Sige po."

Sabay-sabay silang pumasok sa Mall. Mangha man ay nanatiling chill lang sila para naman hindi sila isipin ng mga tao na baliw sila.

Habang naglalakad ay hindi maiwasan ang mapatingin ang mga tao sa kanilang walo.

"Uhh...bakit sila nakatingin sa atin?" takhang tanong ni Shan.

"Mga dyosa kasi tayo." confident na sagot ni Luna.

"Weh? Ikaw dyosa?" suway naman ni Micca pero tinapunan lang siya ni Luna ng masamang tingin.

"Siguro sa mga itsura natin?" ani Sue.

"Bakit? May problema ba sa itsura natin?"

"Hala? Baka naman alam nilang hindi tayo mga tao?"

"Eh??"

Natawa nalang si Eya. Kaya napunta sa kanya ang mga atensyon ng mga guardians.

"Alam niyo ganyan din kami dati. Kami nina Lee, Lyn at Gia. Kung makatitig ang mga tao ay wagas."

"Bakit po ganun Ate Eya?"

"Siguro may kakaiba silang nararamdamang aura sa atin."

"Hindi ba pwedeng malakas lang talaga tayong makakuha ng atensyon sa mga tao?" singit ni Sue.

"Maaaring ganun."

"Ayy naku. Tanggapin nalang natin ang katotohanan na maganda talaga tayo." ani Luna at natawa nalang ang mga kasama nito.

"Oh siya, sa National Bookstore tayo bibili ng school supplies niyo. Tapos pupunta tayo sa home and fashion para bibili ng bags niyo, tsaka bibili narin tayo ng mga damit niyo pagkatapos. Sa ngayon ay bag muna, magkikita kita nalang tayo sa entrada ng home and fashion at sabay sabay tayong mamili ng mga damit niyo." tinanguan lang siya ng mga Guardians.

Ilang sandali pa ay narating na nila ang National Bookstore. Sabay silang bumili ng school supplies. Pagkatapos bumili ay pumunta sila sa home and fashion.

"Siguro maghihiwalay nalang muna tayo." suhestisyon ni Eya at sumang-ayon naman sila. Since magkaiba ang taste nila sa mga bags kaya ayon, naghiwa-hiwalay sila.


Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now