LUNA
Kakatapos lang naming mag-Mall. Sumakay na kami sa van para umuwi sa mansion. Magkatabi sina Asha at Ate Eya kasi itong si Ate Eya ay hindi makapakali tungkol sa model model nayun.
Eto namang katabi ko si Yumi ay tumitingin sa mga larawan sa magazine ba yun? Oo magazine.
"Ayy! Ang gwapo."
"Oh eto paaaa~"
"Ay gusto ko toh! May pandesal!"
"Ay gwapo nanaman."
"PWEDE BA YUMI TUMAHIMIK KA?!" bulyaw ni Sue kay Yumi. Eh kasi naman, puri ng puri sa mga lalaki diyan sa larawan. Mukhang ganyan ang model.
"Eh ang gagwapo eh!"
"Itigil mo nga yang kahalayan mo! Hayyy naku!" ani Sue.
"Ano ba! Minsan nga lang ako makakita ng ganito kagwapo eh maliban kay Prinsipe Nil."
Napataas naman ang kilay namin sa kanya pero hindi nalang namin siya pinakinggang muli.
"Ano Asha? Sasali ka sa modeling?" dinig namin ang tanong ni Ate Eya kaya hinintay namin ang isasagot ni Asha.
"Hindi."
"Huh? Bakit Hindi?" tanong ni Thea.
"Ayoko."
"Bakit ayaw mo?" tanong naman ni Shan.
"Ayoko ng sagabal."
"Sayang naman." ani ko.
"Kung gusto mo, ikaw nalang Luna." sabi nito sakin at binigay sakin yung maliit na papel na binigay daw nung Feurdi sa kanya. Pero hindi ko iyon kinuha yung papel.
"Ayoko noh. Yung bakla nga ang mismong lumapit sayo eh." sabi ko. Tsaka, ayokong magmodel. Tignan mo nga yung mga babae sa magazine oh! Nakita kong halos wala ng saplot. Hayyy jusko.
"Siguro i-keep mo nalang iyang card Asha." singit ni Ate Eya. Nasa gate na pala kami ng mansion.
Pagpasok namin sa mansion ay naabutan namin si Prinsipe Nil at sina Ate Lyn, Gia at Kuya Lee na nagtatawanan sa sala.
"Woow! Close na kayo?" manghang tanong ni Ate Eya habang nilapag ang mga pinamili niya sa sofa.
"Medyo hahaha." tawang sagot ni Kuya Lee.
"Ah! Eto nga pala, binilhan ko narin kayo. Eto sayo Lyn, sayo Gia at sayo Lee. Tsaka binilhan ko narin si Prinsipe Nil."
Napangisi naman ako.
Bagay naman talaga si Prinsipe Nil at Ate Eya eh. Hahaha!
"Naku Eya! Nag-abala ka pa." ani Prinisipe Nil pero tinanggap naman ang mga biniling damit at bag sa kanya.
"Wala lang sakin yan Mahal na Prinsipe. Pinangako ko nga rin sa Mama mo na alagaan ka namin dito." ngiting saad nito. Nginitian naman ito ng prinsipe. "Salamat."
"Walang anuman."
"May nararamdaman akong kakaiba." bulong sakin ni Micca. Napangiwi naman akong nakatingin sa kanya.
At bakit siya dikit ng dikit sakin?!
"Umalis ka sa tabi ko kung ayaw mong maging lechon." bulong ko rin sa kanya.
"Sungit mo nanaman apoy."
"Paki mo." sabi ko sabay flip hair sa kanya. Rinig ko namang parang sinampal ng buhok ko ang pisngi niya kaya ngiting tagumpay ako!
"Grabe apat na oras kayong nagmo-Mall?" hiyaw bigla ni Kuya Lee. Saka naman ako napaisip at tinignan ang orasan sa sala.
Hala? Alas kwatro na pala ng hapon? Ala una kasi kami pumunta sa Mall eh.
YOU ARE READING
Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]
FantasyDraco Incantare Land translated as Dragon Enchanted Land-- a world where mythical creatures like dragons are living in here. In this world, seven girls where chosen by the prophecy to protect the Land the people, and most important of all-- the prop...