Chapter 25: Hunter

831 29 0
                                    

SHAN

Tahimik lang ako sa buong diskusyon. Ni isang salita hindi ko magawa.

Ikaw kaya yung katabi ang lalaking nakasalubong mo sa Mall kahapon? Medyo masungit pa naman ito, pero siguro mabait naman siya. Naging masungit lang siguro nung nag-agawan kami sa bag kahapon.

"See you tomorrow class." paalam ng unang guro namin ngayong hapon.

Naging maingay nanaman kasi wala pa ang guro.

Lumingon ako sa mga kasama ko at mukhang ayos lang naman sila. Pwera lang kay Luna na mukhang hindi komportable sa katabi niya. Si Asha naman ay katabi ang isang lalaking tahimik din. Nasa pinakaunahan kasi kami nitong katabi ko at nasa pinakadulo sila at mukhang napakaitim ng atmosphere sa likod. Ikaw kaya lumapit sa dalawang iyon, mga matatahimiking nilalang!

"Talagang binili mo ang bag ah?" agad akong napalingon sa katabi kong nagsalita.

"H-huh?" nagulat ako dahil kinausap niya ako. Eh kasi tahimik kami kanina eh.

"Ang sabi ko, talagang binili mo ang bag." ulit niya. Ngumiti nalang ako.

"Oo eh."

"Hmm..." sabi nito at tumango-tango. "Pasensya pala sa nangyare kahapon. Sadyang gusto ko lang talagang makuha ang bag na'yan eh. Pero sa'yo nalang talaga." ngiting saad nito. Kaya napangiti naman ako.

"Hmm...mabait naman pala siya Shan eh." salita bigla ni Laxus sa isipan ko. Oo nga pala, kasama namin ang bonds namin at isang ballpen si Laxus. Hahaha.

Sabi ko na nga ba't mabait siya eh.

"Ah...ako nga pala si Shan. Shan Acosta." sabi ko sabay lahad ng kamay ko. Sabi kasi ni Ate Eya eh na ito ang kadalasang gawin ng mga tao kapag magpapakilala sila sa kapwa tao nila, sa amin kasi sa Incantare ay yakap.

"Mmm...Shan Acosta alam ko. Nagpakilala kayo sa harap kanina." namula naman ako sa hiya. Bakit kasi di ko yun naisip?

"But either way, ako si Kian Lopez. The class president of this section." sabi niya at napanganga naman ako. Seryoso?

"At iyong lalaking tinitignan mo kanina sa likod..." sabi niya sabay turo sa lalaking katabi ni Asha.

"That's Sean Lopez. My twin brother." aniya at mas napanganga naman ako.

Tinitigan ko si Sean tapos si Kian. Magkamukha nga! Though makikilala mo na agad sila kasi si Kian ay mukhang active and approachable pwera kay Sean na tingin mo pa lang sa kanya ay mapapaiwas ka na talaga. Sean has this well-shaped body and Kian has this...uhhh...yung tipong normal lang na body. Hindi siya isang nerdy o kaya baduy. Sean's hair is kinda messy which suits him a lot though, while Kian is neat, yung maayos ang buhok pero gwapo parin?

"You should really stop staring at the both of us. Nakakacreepy." tawang sambit nito.

"Eh? Sinisigurado ko naman kasing kambal ba talaga kayo."

Tumawa naman siya. "Oo nga. Kaso he's more famous than me."

"Paano mo nasabi?"

"Sean's  famous here. Pero mas famous ang grupo namin." aniya.

"Anong grupo?"

"Tinatawag kaming ACES. A group with seven members--"

"Good afternoon class!"

Naputol ang kwento ni Kian sa akin nang biglang pumasok ang pangalawang guro namin ngayong hapon.

"Maybe next time." bulong ni Kian sa'kin kaya tumango naman ako.

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now