Chapter 38: Basketball

725 26 1
                                    

THEA

"Let's go." ani Shan nang makatingin ito sa orasan at agad naman kaming nagsilabasan sa bahay.

"Careful guys. Umuwi kayo'ng buo." sabi ng prinsipe bago pa kami tuluyang makaalis. Katabi naman niya si Ate Eya at ang mga kasama nito.

Kakatapos lang ng first day sa intrams at nanalo naman si Shan sa laro niyang badminton, walang wala lang din naman kasi ang player sa Poseidon. Pagkatapos non ay nagsiuwian na kami at hinihintayng mag 12 midnight para naman paliparin ang aming mga dragon nang sa ganun ay babalik ang lakas nila.

"Opo kamahalan." sagot ni Luna at sumakay kay Faro na ngayo'y bumalik na sa tunay nitong anyo, kasali narin ang aming mga dragon.

Nagsisakayan kami at nagsiliparan sa himpapawid. Hindi ko mapigilang mamangha sa mga city lights. Ibang iba sa mundo namin.

Tumaas pa ang lipad ng mga dragon hanggang sa ang mga ulap nalang ang nakikita namin. Napakaganda talaga tignan ng mga ulap. Mapaumaga man o gabi. Hindi ko narin mapigilang hawakan ito kahit lalagpas lang ang kamay ko sa mga ulap. Saka ako yumuko para tignan ang mukha ni Hera.

"Ayos ka na ba?"

"Ayos na Guardian." sagot nito.

"Good." ngiti kong sabi at hinayaan nalang namin ang mga dragons namin kung saan sila lilipad. Mahigit tatlong oras kaming lumilipad hanggang sa umuwi kaming ligtas. At bago pa sila babalik sa anyo nila at ipinagdikit muna namin ang aming mga noo. Sabay ang pag-ilaw ng mga tattoo namin.

•••••

Nakabusangot akong nanood sa larong volleyball. Sina Patty ang naglalaro at kalaban namin ngayon ang Ares Team. Si Luna naman ay nakabusangot din sa kabila.

Langya. Hindi talaga kami pinapapasok ng mga walangya. Ano kami dito? Mga standby lang?

"Hey! Tubig!" ito talagang Patty'ng to. Napupuno na ako sa kanya. Kunot noo ko nalang na kinuha ang isang bottled water at hinagis ko sa kanya. Nasalo naman niya. Pssh! Pasikat!

Matalim na tinignan ko si Patty habang naglalaro. Gusto kong umirap pero baka isipin ng mga tao na ang maldita ko. Hehe wag nalang.

Sana magkakramps iyan.

Natapos nalang din ang laro nang hindi ako nakapagsubstitute. Si Luna ay nakapasok siya pero hindi gaano nakahawak sa bola. Pero ang mas ikinatuwa ko ay talo kami. Hahaha ewan. Natuwa ako, siguro dahil si Patty ang naglalaro.

Umalis nalang ako sa kinauupuan ko at nagtungo kay Luna na nagsalubong ang kilay.

"Oh? Anyare sayo?" tanong ko nang makalapit na ako sa kanya ng tuluyan. Tinignan naman niya ako tsaka bumuntong hininga.

"Naiinis lang ako. Ni hindi pa nga ako nakapagserve." tinawanan ko nalang siya. Oo pinapasok nga siya sa laro yun nga lang, 5 scores nalang ang kelangan at mananalo na sila. Nakafive scores nga sila pero hindi pa siya nakapagserve, hindi rin siya nakahawak sa bola. Hahaha. Parang poste lang din siya sa loob.

"Mga mukhang bola yung mga yun." pag-aalburuto niya nang maglakad kami papunta sa isa pang volleyball court sa women's. "Kitang kita ko na ngang sakin papunta yung bola. Kinuha pa nung isa!" dagdag pa niya at tango lang ako ng tango. Totoo naman kasi. Haha.

"Hindi nga ako pinapasok eh! Ikaw pa kaya?"

"Oo hindi ka pinapasok. Eh ako pinapasok. Pero wala man lang ako ginawa, para akong poste dun! Inagawan pa ako ng bola!" naiinis parin siya hahaha.

"Tignan nalang natin ang sitwasyon sa kabila." sabi ko nalang at nang tuluyan na kaming makalapit sa court ay gusto ko ring matawa.

Si Yumi, Micca at Shan ay nakabusangot sa gilid. Poseidon Team at Zeus Team kasi ang naglalaban. Hindi rin sila pinapapasok. Naglakad kami patungo sa pwesto ng dalawa. Magkasama kasi silang nagsiupuan sa damo. Nakiupo nalang din kami.

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now