Here you gooo!
Three chapters for you! Enjoy!😘😘😘***
Time strikes to one ay nagsipuntahan na ang mga estudyante sa kani kanilang assigned rooms para sa meeting per teams.
Pagpasok palang nina Micca at Yumi sa Sophomore-section 1 classroom ay agad na nagsitilian ang mga babae. Nagtaka naman sila kung bakit. Pero kaya pala ganun ang nangyare dahil nandito din sina Mike at Jac.
Hinayaan nalang nila ang mga estudyante at umupo sa mga upuan.
"Psh...pasikat." rinig ni Yumi na bumulong si Micca sa sarili niya.
"Sino?" nagulat naman siya nang magtanong si Yumi sa kanya. Pero sumimangot nalang siya.
"Yang Mike na yan." nagtaka naman si Yumi at tumingin sa direksyon ni Mike. Mukhang inosente naman ito eh.
"Bakit? Anong kasalanan niya sayo?"
"Ganito kasi. Nung nasa mall tayo ay nagkautang ako ng piso sa kanya." sabi nito.
"Oh? May utang ka pala eh, tapos ikaw pa may ganang mainis sa kanya?" sabi ni Yumi.
"Hindi pa ako tapos!"
"Ay...okay ituloy mo."
"Nung nakaraang araw, uhh...hindi ko matandaan kung kailan basta nung nakaraang araw, kinausap ko siya."
"Oh tapos?"
"Binigyan ko siya ng piso. Pambayad ko sa utang ko sa kanya."
Gusto na ni Yumi matawa. Eh isang piso lang yun eh.
"Kaya lang ang suplado ng mokong! Sinabi niya saking huwag nalang daw dahil mukhang mas nangangailangan pa ako ng pera. At baka daw mangutang nanaman ako...lalo na sa kanya pag nagkataon." galit na sabi ni Micca habang masamang nakatitig kay Mike na abala sa pakikipag-usap kay Jac.
"That's...rude." ang nasabi ni Yumi at lumingon naman sa kinaroroonan ni Mike.
Nag-usap usap nalang silang dalawa dahil wala pang mga guro na nag accompany sa kanilang team.
----------
Sa Hades team naman tayo. Pumasok si Sue sa assigned classroom ng Hades Team. At dahil wala siyang masyadong kakilala ay mag-isa lang siyang umupo sa gilig ng classroom.
Hinihintay pa nila ang team adviser nila kaya maingay ang mga estudyante sa loob ng silid.
Pero mas lalong umingay nang nagsigawan ang mga babae at bakla. Pumasok kasi ang isang estudyanteng nagngangalang si Ron. Nasa Hades team siya.
"Aba himala, kateam ko si Ron." sabi nito sa isip niya at naririnig naman ito ng kanyang bond.
"Mabuti nga iyon Sue at may kakilala ka." singit ni Agua.
"Oo nga naman. Sikat nga lang. Baka kung anong gagawin ng mga babae sakin eh."
"Eh ano naman? Kung lalapitan ka niyan hindi mo nayun kasalanan dahil siya na mismo ang lumapit sayo. At tsaka! Mas lamang ka pa kesa sa mga babae diyan noh!"
Di mapigilang ngumiti ni Sue.
"Uy Sue!" nawala ang ngiti ni Sue at napalingon sa lalaking tumawag sa pangalan niya.
"Ooohh...ayan na nga ba ang sinasabi ko!" hiyaw ni Agua sa isipan ni Sue. Hindi nalang niya ito pinansin at ngumiti sa paparating na Ron.
---------
"GO GO APHRODITE! APHRODITE! APHRODITE TEAM!!!"
"AHOO! AHOO! AHOO!"
"WE RULE!!!"
YOU ARE READING
Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]
FantasyDraco Incantare Land translated as Dragon Enchanted Land-- a world where mythical creatures like dragons are living in here. In this world, seven girls where chosen by the prophecy to protect the Land the people, and most important of all-- the prop...