Chapter 12: Bond Mission

886 24 1
                                    


***

Matapos ang seremonya at pag-usap ng mga magulang nila ay ngayon na ang araw ng misyon ng mga Guardians. Ang hahanapin ang mga bonds nila.

Gaya nga ng sinabi ng Reyna kahapon ay nagkikita sila sa palasyo. Konting payo lang galing sa Reyna, kay Lady Mira at Ginoong Wei pagkatapos ay sabay sabay na silang umalis ng palasyo.

Naglalakad na sila sa publiko. Kinailangan pa daw nilang pumunta sa bayan ng mga Habilists para bigyan ng mga armas na siyang pinagsabihan na agad ng Reyna. Habang naglalakad ay panay bulong naman ang mga Incantaria.

Hindi nalang nila ito pinansin at taas noong naglalakad patungo sa bayan ng Habilists. Ipapakita nila sa mga Incantaria na matatapang sila.

Ilang minutong paglalakbay ay napunta na sila sa lugar ng mga Habilists. Pero kinailangan pang pasukin ang mga matataas na halaman para makarating na ng tuluyan sa mga Habilists. Masyadong mahigpit din ang sekyuridad nito. Kaya tinatawag na ligtas na lugar ang bayan ng Habilists. Hindi naman siya gaanong kalayo. Yung parang sa mundo ng mga tao ay isang barangay lang ang layo.

"Alam niyo kanina pa ako hindi mapakali eh." salita bigla ni Sue.

"Bakit?"

"Hindi pa ako nakapasok sa lugar ng mga Habilists. Pakiramdam ko parang pagkakaisahan tayo dun. Kasi nga mga baguhan pa tayo diba?"

"Tumahimik ka nga diyan Sue! Masyado kang nega! Hindi mo ba alam na ang bayan ng Habilists ang pinakaligtas na lugar dito sa Draco Incantare Land dahil sa mga armas nila?" singit bigla ni Luna.

"Oo alam ko. Pero...ay ewan!"

"Ang gulo mong palaka ka!"

"Tawagin mo pa akong palaka kundi ilulunod kita."

"Sige subukan mo kundi susunugin kita."

"Subukan niyong mag-away kundi gagawin ko kayong yelo." Singit ni Yumi.

"Ano ba! Natapos na ang leksyon, ensayo, seremonya't lahat at mag-aaway parin ba kayo?!" hiyaw ni Shan.

"Natapos na ang leksyon, ensayo, seremonya't lahat lahat at mainit parin ang ulo mo?!" ngising saad ni Luna.

"Natapos na rin ang leksyon, ensayo, seremonya't lahat lahat Luna, suplada't maldita ka parin?" singit ni Micca.

"Natapos na ang lahat lahat Micca at mahilig ka paring makipag-away?" ani Luna.

"Natapos na ang leksyon, ensayo, seremonya't lahat lahat. Wala parin kayong pinagbago eh." singit naman ni Thea.

"Anong sabi mo Thea?"

"May sinabi PO ba ako?"

"Di kaya't manahimik nalang tayo noh?" sabi ni Sue. Tinignan lang siya ng lima, siyempre lima kasi hindi naman kasali si Asha.

"Sige manahimik tayo. Pero si Asha naman ang mag-iingay. HAHAHA!" tawa ni Luna na nakapagpatahimik sa lima. Hindi nila alam kung anong kayang gawin ni Asha kapag mawalan ng pasensya kaya mas mabuti pang manahimik nalang sila at hayaang magmukhang tanga si Luna.

Maya-maya lang ay may narinig silang ingay na paparating sa kinaroroonan nila. Napahinto ang lima habang si Luna ay tawa parin ng tawa at si Asha na nagpatuloy sa paglalakad.

Lumingon sila sa kaliwa at nakita ang grupo ng mga bubuyog na papalapit sa kanila...or more like papalapit kay.... Luna.

"AHHH!!!" hiyaw ng lima at tumakbo papunta kay Asha at si Luna naman ay nahinto sa kakatawa at di mapigilang dumepensa sa mga bubuyog.

"WAAAHH!!! ASHA PAALISIN MO NA SILA! AHHH! PATAWARIN MO NA AKO! WAAA!!!" hiyaw ni Luna habang kumawala ng mga apoy at pilit sunugin ang mga bubuyog.

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now