Hello~ i just want to dedicate this chapter to @alabmygirl. Thank you for the votes😘
***
"Isa! Dalawa! Tatlo!"
"Arghhh!"
"Tulak pa! Lakasin natin."
"Arghhh!"
Huminto muna ang Reyna at ang Lady sa pagtulak sa pinto ng kulungan. The queen already manage to remove the knot in the door kaya nagtulak nalang sila. Si Miyo naman ay nanghihinang nanonood sa reyna at sa mama nito.
"M-Ma. T-tutulong ak--"
"Huwag! Magpahinga ka lang diyan." pagputol ni Lady Mira sa sasabihin ni Miyo.
Pinanood lang naman ni Elena ang mag-ina. Saka naman naisipang itulak muli ang pinto.
"Mahal na Reyna." sabi ng Lady pero hindi siya nito pinakinggan ng reyna. Bagkus ay sinubukan parin nitong buksan ang bakal na pinto. Sinuntok ito't sinipa ng reyna nang walang tigil.
"Mahal na Reyna tama na po!" tutol ni Lady Mira kay Reyna Elena. Pero hindi parin ito nakikinig. Kaya si Ginoong Wei nalang ang nagsalita.
"Elena tama na! Dumudugo na ang kamay mo!" sigaw nito at bumuntong hininga nalang ang reyna tsaka umalis sa pinto at umupo.
"Gustuhin man nating makalaya pero hindi natin magawa. Gawa sa mahika ang kulungang ito." dagdag ng ginoo.
Bumuntong hininga nalang ang reyna. "Tapos? Ano nang gagawin natin dito? Mananatili sa loob hanggang mamatay?" tumayo ang reyna tsaka tumingin kay Wei na nasa kulungan din nito kasama si General Hyo.
"Wei hindi ko kaya." paiyak nitong sabing nakatingin sa ginoo. "Ayokong makulong dito at walang magagawa! Ang mga Incantaria'y ginawang alipin. Siyempre bilang reyna nila gagawin ko ang lahat mailigtas lang din sila." lumabas ang luha ng reyna pagkatapos.
Napayuko nalang ang ginoo at bumuntong hininga tsaka tumingin sa reyna. "Alam ko. At bilang pinuno din sa Khimo ay hindi ko rin ginusto ang balitang ginawang alipin ng mga darkers ang mga Incantaria ko. Pero Elena sana naman mag-isip ka muna."
"Anong plano mo? Let's say lalabas ka sa kulungan. And if you do ano nang susunod mong gawin? May plano ka ba?" nakatingin lang ang reyna sa ginoo habang nagsasalita ito.
"Plano mo bang sugurin ang mga darkers? Kakayanin mo ba eh sa dami nila alam mong pagtutulungan ka. I know by now hinang hina na ang mga Incantaria, hindi pa nila kayang umatake." sabi ng ginoo at lumambot naman ang reyna.
"Pasensya na." sabi lang nito.
"Huwag ka nang humingi ng tawad. Alam ko namang may saltik ka kapag nadala ka masyado sa emosyon mo eh." sambit ng ginoo at mahinang tumawa dahilan para tignan siya ng masama sa reyna.
"Gago ka ah?" sabi ng reyna at natawa nalang din ang mga kasama nito sa loob ng kulungan.
"Iba parin ang pagsamahan ninyo ni Ginoong Wei, Mahal na Reyna." tawa-tawang sabi ni Pinunong Amon.
"Tama. Ibang iba talaga." nahinto sa pagtawa ang lahat nang may nagsalita sa entrada ng kulungan.
Unti-unting lumaki ang mga mata ng lahat, maliban kay Miyo nang makita nila kung sino ang nagsalita.
"S-sino ka?" tanong ng Reyna habang nakatitig sa babaeng nakadamit itim.
Tumawa ito at naglakad papalapit sa mga nakakulong.
"Grabe Elena? Nakalimutan mo na ako?" aktong nasasaktan nitong sabi. Pero kalaunan ay tumawa ito. Nakakakilabot na tawa.
"Oh well. Hindi na ako magtaka. Alam ko namang hindi mo ako maalala kasi..." huminto muna ito tapos aktong nag-iisip. "Hmm...ay! Huwag ko nang sabihin. Maalala mo rin." sabi nito at tumawa pa tapos lumingon kay Wei na ngayon ay tahimik lang na nakikinig sa usapan nila pero nakatitig ito sa mata ng babae.
YOU ARE READING
Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]
FantasyDraco Incantare Land translated as Dragon Enchanted Land-- a world where mythical creatures like dragons are living in here. In this world, seven girls where chosen by the prophecy to protect the Land the people, and most important of all-- the prop...