Chapter 8: Training

903 26 1
                                    


SUE

Isang linggo’t tatlong araw na ang nakalipas simula nung naglilibot-libot kami sa Palasyo. Balik leksyon nanaman kami. As usual, nakikinig ulit kami kay Lady Mira. At sa isang linggo’t tatlong araw na’yun ay marami narin kaming natutunan.

Two weeks and four days to go nalang pala ay magseseremonya na para sa mga bagong Guardians.” wika ni Lady Mira sabay upo sa mesang nasa harap namin.

Oo, malapit na ang seremonya namin. At hindi parin namin sinabi sa mga magulang namin ang pagiging Guardians namin. Dapat daw kasi na walang nakakaalam. At hindi ako sanay na hindi ko sinasabi kay Mama ang totoo.

“At masaya ako dahil marami na kayong natutunan sa akin” dagdag nito nang nakangiti kaya napangiti nalang din kami.

“Kaya sulitin na natin ang apat na araw na natira dahil ang natitirang dalawang linggo ay sisimulan na ang pag-ensayo ninyo kay Ginoong Wei sa Training Hall.”

Natahimik naman kaming pito. Mag-eensayo na pala kami? Nakuu, malabong walang takbuhan ang magaganap nito, ayoko pa namang tumakbo!

“O? huwag na muna kayong magmumuni-muni diyan. Alam kong hindi na tayo magkikita ulit kaya sulitin na natin ang pagkakataong ito. Since tapos ko nang i-leksyon sa inyo ang tungkol Guardians. Magke-kwentuhan nalang tayo o baka may gusto pa kayong itanong sakin. Basta hindi lang personalan.” napahagikhik naman kami dun.

Simula kasi nung nalaman naming magkasintahan pala sina Lady Mira at General Hyo ay mas madalas na naming siyang tuksuin at tinatanong ang mga pangyayare sa kanilang dalawa gaya ng paano sila nagkita?, kailan sila nagkita?, paano sila nagkahulugan sa isa’t-isa?, may mga anak na ba sila?…sa totoo nga lang ay isa lang ang anak nila at matalik na kaibigan ito ng Prinsipe. Kasali na daw ang anak nila sa myembro ng mga kawal ng palasyo kaya hindi masyadong nag-alala si Lady Mira sa kalagayan ng anak nila kasi kasama naman nito ang ama na si General Hyo. Miyo daw pangalan ng anak nila, at siguro alam niyo na kung saan galing ang pangalan ni Miyo? Hehe…

“So? Simulan na ba natin?”

“Uh Lady Mira, ano po palang sunod na gagawin namin matapos ang seremonya namin?” rinig kong tanong ni Yumi.

“Ah, muntik ko nang makalimutan. Hindi madali ang seremonya ng mga Guardians lalo na’t may mga ibang Incantariang hindi sasang-ayon sa magiging Guardians. Hindi ko lang alam kung ano ang maaaring mangyari sa seremoya ninyo lalo narin na ang babata pa ninyo.” napalunok naman ako ng laway dun. Pero teka nga? Bata pa ba ang may edad na dese nwebe? Hindi naman siguro ah?...hindi naman talaga!

Napabuntong hininga nalang ako. Naisip ko lang na sa seremonya namin ay baka hindi nila kami tanggap.

“Pero huwag kayong mag-alala dahil makakaraos din kayo sapagkat wala naman silang magagawa dahil ang Propesiya na mismo ang pumili sa inyo. Yun nga lang ay tiisin niyo ang mga masasamang salita nila.” napahinga naman kami ng maluwag dun.

“But you know what girls? Sa lahat ng mga Guardians na nakilala ko, kayo ang mas paborito kong Guardians…” seryosong sabi ni Lady Mira tapos ngumiti. Pansin ko mas naging madalas na ang pag-ngiti ni Lady Mira sa amin.

“Wahhh! Lady Mira naman eh!” sabi ni Micca kaya napatawa narin yung iba though hindi pa namin ganun kasundo ang isa’t-isa.

“Totoo. Yung mga unang Guardians kasi ay mga hambog, walang pake, at ewan. Siguro nang ina-assign ako ng Reyna na turuan kayo ay ginusto ko ang trabahong ito kasama kayo.” ngiti ulit nitong sabi kaya napangiti nalang din kami. Nakakahawa kasi yung senserong ngiti niya.

Tinuring narin naming parang Nanay itong si Lady Mira. Ngayon ko lang nalaman na ang ganda rin palang mag-aral. Marami kang natutunan tapos kasama mo ang mga kaibigan mo though hindi ko pa naman talaga kaibigan sila. But all in all, masaya ako sa nangyari ngayon sa buhay ko.

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now