PROLOGUE

18.3K 197 10
                                    

PROLOGUE

Before everything begun.

Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama at saka huminga nang napakalalim. Kararating ko lang ng bahay at sobrang pagod na pagod ako. Halos makalimutan ko ang lahat ng pangit sa paligid ko sa sobrang pagod. Inaantok na ako. Pagod na pagod ako. Araw-araw na ganito.

"Hoy Ren! Yung sapatos mo!" angil naman ng pinsan kong may-ari ng kamang nasa ibabang bahagi ng double deck. Palaging ganito. Halos kabisado ko na ang bawat pangyayari.

At gaya ng inaasahan, nagsimula na niya akong hampas-hampasin sa pwetan gamit ang hawak niyang paintbrush. "Ren naman eh, huwag ka namang ganyan. Bumangon ka nga muna."

Naaawa naman na ako sa kanya kaya naman gumulong na ako patihaya at saka siya tinatamad na nginitian. "Sorry, Jeya." Bumangon na ako at saka siya muling tinignan. Napataas naman ang kanyang kilay.

"Ano na naman?" tanong niya sabay pisil ng asul na oil paint tube sa mixing plate na hawak niya. Napa-irap ako. Paniguradong makulay na naman ang pwetan ko sa ngayon.

"Ang hirap pa namang tanggalin nito. Insan naman," pakunwari kong tampo sa kanya. Napatawa naman siya.

"Bakit? Mahirap din namang tanggalin yang dumi ng sapatos mo sa sheets ko ah?"

Napangisi ako at saka tumayo upang lapitan siya. Hinila ko ang balikat niya at saka siya niyakap nang sobrang higpit. Napatawa naman siya ngunit hindi nagsalita bagkus ay niyakap niya rin ako pabalik. Nagtagal kami sa ganoong katahimikan at posisyon. Araw-araw na ganito.

"I love you, insan."

"I love you too, Ren," saad niya at saka kumalas mula sa pagkakayakap at saka siya nagkunwaring nandidiri. "At sobra kitang mahal na ayokong nakikita kang gusgusin bago matulog."

"Grabe ka naman sa 'gusgusin'," depensa ko kaso ang totoo, totoo naman ang sinasabi niya. Puro grasa ang aking braso at kamay at may mga talsik pa ng putik ang aking damit. Nasira kasi ang kadena ng ginagamit kong de-sidecar na bisikleta. Nahirapan akong umayos.

"Maligo ka na at saka ka kumain. May tortang talong at adobong baboy pa sa mesa. Ipinagtabi na kita. Mayamaya pa raw ang dating ni lolo eh. Mukhang naaliw sa bagong apo," patawang saad nito at saka ako sinimulang palabasin nang sapilitan sa kwarto.

"Salamat talaga, Jeya."

"Salamat din, Ren. Totoo."

Nagtungo na ako sa banyo at nagsimulang magkukukuskos ng balat hanggang sa mamula na at humapdi na ang mga braso ko dahil ang hirap tanggalin ng grasa sa balat. Daig pa ang mantika sa sobrang water-resistant. Napilitan tuloy akong maligo ng napakainit na tubig sa napakainit na tyempo ng klima. Literal na umuusok ang katawan ko sa sobrang init nang lumabas na ako ng banyo. Nagsuot na lang muna ako ng roba at binalot ang basa kong buhok gamit ang tuwalya para diretso na akong kumain bago magbihis.

Mabilis akong natapos kumain dahil hindi gaya ng karamihan sa mga babae, mala-construction worker ang appetite ko. Ako na rin ang naghugas ng kinainan ko at ng mga pinaglutuan dahil malamang, nagrereview na yung pinsan ko para sa klase niya. Kailangan niya iyon dahil mataas ang expectations sa kanya ng mga magulang niyang parehong nasa abroad.

Nagpunas na ako ng kamay nang mailigpit ko ang mga nahugasan at handa nang pumasok ng silid nang biglang may kumatok sa pinto. Kaagad naman akong nagtungo roon dahil malaki ang tiwala kong si Lolo Gramps na iyon. Palagi pa namang may dalang pansit iyon kapag dumarating. Pareho naming paborito iyon ni Jeya kaya naman tuwang-tuwa siyang pinanonood kaming mag-agawan sa pasalubong niya.

That Boystown Girl [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon