1

7.9K 115 17
                                    


CHAPTER 1

Boys, boys

REN

Maaga akong nakapasok ng eskwela kahit na hindi ako maagang nagising dahil na rin sa ginising ako ni Jeya para mag-almusal. Tamang-tama lang ang pasok ko maliban na lang sa lasang namumutawi sa aking bibig. Kailangan na talaga niyang matutong magluto. Nakita kong pinaghirapan ni Jeya ang pagluluto dahil hindi talaga siya marunong kaya hindi ko hinayaang makita niya ang maasim na mukha ko habang kinakain ang itlog na tila sunog at may mga shell pang tila nasama. Ang crunchy eh.

Pumasok tuloy ako nang tila hindi na napagsusunud-sunod ang anumang dadalhin. Naiwan ko pa yung cellphone kong nakalimutan ko pang i-charge kagabi. Paniguradong dead batt na iyon ngayon.

Napailing na lang ako at saka muling nakinig sa teacher. Grade Twelve na ako at ilang buwan na lamang ay gagraduate na ako. Hindi ko alam kung tutuloy pa ako ng kolehiyo dahil kapos ako sa pera pero kapag sinwerte akong makapasa sa exam ng PMA (Philippine Military Academy), ituturing ko iyong malaking bagay. Pero kung hindi naman palarin, ayos lang. Magtatayo at magtatayo ako ng business ko. Ano pa at naging ABM (Accountancy, Business and Management) student ako kung hindi ko gagamitin ang mga napag-aralan at mapag-aaralan ko?

Mabilis na lumipad ang oras. Ganoon din ang utak ko kaya naman hindi ko namamalayang uwian na pala. Mabilis akong sumakay ng jeep at bumaba sa tapat ng paupahan upang kunin sa likod ng gusali ang nakaparke kong sidecar na bisikleta. Wirdo ito sa kahit na sinong titingin. May dalawang pares ng manibela ng bisikleta dahil dinagdagan ko sa itaas ng isang pares sapagkat mababa para maabot ko. Ngunit hindi pa sapat ang taas nito dahil masydong mataas ang upuan kaya naman nang may masalpok na kotse sa tapat namin at itinambak na lang ang mga wasak na parte nito sa may bakanteng lote sa malapit, kinuha ko yung steering wheel kasama ang pole nito at saka ko idinugtong sa bisikleta para iyon na ang main na manibela ko.

Kaagad kong hinubad ang palda ko at blouse at inilagay ang mga ito sa aking bag. Instant namang nakapadoble na ako ng jersey at maluwang na puting shirt kaya kaagad na akong lumarga papunta kina Mang Ador. Gaya ng dati, napapatingin ang mga ngayon lamang makikita ang aking bisikleta pero nang dumaan na ako sa bilyaran, pumreno ako gamit ang ginawa kong retaso ng malaking gulong ng truck sa likuran ng pangharap na gulong ng bike para apakan na lamang ito kung pepreno ako. Improvised ulit.

Sumipol ako at kaagad na tumunghay sa bintana ang mukha ni Mois. Isa sa mga shokoy. "Hoy, Ren! Saan ang lakad natin?"

Bigla naman siyang kinutusan ng kung sinong may-ari ng kamay na nanggaling sa hinaharangan ng bintana. "Tanga! Tinitingnan mong nakabisikleta? Tapos tatanungin mo kung anong lakad? Baliw ka ba?"

Napailing na lang ako at saka iniwan ang akin bilin. "Nga pala. Kapag nagpunta si Lolo sa inyo mamaya, sumunod na lang kayo sa sasabihin niya. Baka ma-altapresyon iyon eh," patanwang sabi ko at saka na umalis. Bahala sila. Basta nasabi ko na. Kasalanan na nila kung hindi sila tumupad.

Nakarating na ako kina Mang Ador at saka huminto sa garahe niya. May kalakihan ang bahay. Dalawa ang sasakyan, may isang motorsiklo, may taniman ng saging sa probinsya, mabait at masipag na asawa, isang matinong anak. Wala nang mahihiling pa. Kumatok naman ako nang marahan sa pinto sa may bandang kusina at hinintay na pagbuksan ako. Dito kasi silang dalawa madalas dahil sa paggawa ng mga kung anu-anong dessert na binebenta nila for extra income. Si Aling Teresa ang nagbukas. Nginitian niya ako agad at saka ako pinapasok.

"Bago ka maghatid, syempre tikman mo muna yung ihahatid mo para makampante naman akong magugustuhan ng oorder ang pagkain."

"Oorder pa lang po? Hindi pa ito yung talagang idedeliver ko?"

That Boystown Girl [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon