CHAPTER 33
Boys and Big Cats
REN
NAGTITIGAN KAMI AT walang nangangahas na putulin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa habang ako ay kanyang hinahawakan pa rin nang mahigpit sa mga braso. Parang mainit na tubig na kumalat sa aking mukha ang pagtanim niya ng halik sa aking balat. Natauhan lamang kami nang katukin ni Misis Melon ang pinto.
Kaagad kaming naglayo at inunahan na niya akong tumayo upang pagbuksan siya.
"Naistorbo ko ba kayo?"
"We're just about to sleep, no. Bakit po?" kalmadong tanong ni Knight sa kanya. Ngumiti ako kay Misis Melon nang magtama kami ng tingin.
"Hahatiran ko kayo ng milktea. Ako ang gumawa niyan. Inumin ninyo bago matulog ha? Lalo na at maginaw ngayon. Ilang linggo na lang pala Disyembre na naman," aniya at saka iniabot kay Knight ang isang tray na may dalawang tasang may umaasong inumin. "Maiwan ko na kayo, Sir. Good night."
I heard a click from the knob when he closed the door. Iniabot niya sa akin ang isang tasa at saka tumabi upang higupin din ang kanya.
I kept stealing glances at him while he quietly sips down his milktea.
My phone over the small table blipped and I quickly got up to pick the message. It was from an unknown number but when I read the text, I couldn't stop verbalizing my surprise.
I don't know what happened this morning but I am sure you have no control over that. I'm on my way back to the city. How does a friendly dinner tomorrow with our cousins sound? They want to apologize to you too, by the way. Save my digits, kitten. Hans.
Nataranta ako sa biglang pagpatong ni Knight ng kanyang baba sa aking balikat dahilan upang matapon sa aking leeg ang iinumin ko na sanang natitirang laman ng tasa. Ipinihit ko ang aking ulo upang matignan siya mula sa aking likuran ngunit hindi man lamang ito natinag bagkus ay inagaw nito ang aking cell phone at saka dali-daling humiga at nagtalukbong ng kumot.
Wala na akong nagawa kundi ang lumabas ng silid upang magpunta ng banyo at maglinis ng katawan. Bumalik kaagad ako pagkatapos upang bawiin ang aking cell phone nang maabutan ko siyang nakahiga na at nakapikit. Nagmasid ako upang hanapin kung saan niya ito nilagay ngunit wala akong mahagilap.
Dahan-dahan akong tumabi sa kanya at saka pasimpleng nangapa sa kanyang paligid nang bigla niya akong hilahin sa braso dahilan upang sumubsob ako sa kanyang dibdib. Hindi pa man din ako nakakarecover ay hinawakan na niya ang aking baywang at saka ako iniusod upang ang buo kong katawan ay nakadapa sa kanya.
"Magtigil ka nga," suway ko sa kanya habang pilit na kumakalag at umuusod paalis sa hawak niya ngunit mas lalo lamang niya akong pinerwisyo dahil ikinabit niya ang isa sa kanyang mga binti sa likod ng aking mga tuhod.
"Don't go out with them."
Nagpumiglas muli ako ngunit malakas siya at hindi siya nag-abalang magpakahina dahil mas lalo niyang hinigpitan ang kanyang hawak sa aking baywang. "Bakit ka ba nagbabasa ng hindi sa iyo? Last time I checked, ayaw mo ring sinisilip ko ang screen ng laptop mo."
"Well at least I am not talking to girls and planning to say yes over some dinner with more girls," he said with bitterness in his voice.
"Who said I was going to say yes?"
His eyes loosened a little from frowning. "You won't?"
Since he pissed me off, I rolled my eyes and said, "Well now that you told me not to go, I will definitely go!"
It was a matter only between physicists could explain how fast he turned us around as I felt his weight settling down on me as I felt his muscles tense. He was breathing hard and I felt my body sink down the sheet when I met his piercing gaze. There was something going on with those eyes that I couldn't fathom.
BINABASA MO ANG
That Boystown Girl [COMPLETE]
Teen FictionAlam ni Ren na mahirap ang buhay na nag-aabang sa kanya simula pa lamang nang mamulat siya sa mundong hindi dapat niyang kalakihan. Gayunpaman, isa siya sa mga batang hindi nabigyan ng pagkakataong makasama ang kanyang magulang kaya naman siya ay na...