41

1.9K 51 0
                                    

CHAPTER 41

Boys and Self-Control

REN

HINDI AKO PINABAUNAN ng tanghalian ni Knight dahil kabisado na niya ang schedule ko. Half day lamang kasi ako ngayon at pinabulaanan na niya akong sasamain ako sa kanya kapag lumabas ako ng campus nang hindi siya hinihintay na dumating.

"Ren!" hinarap ko si Frelan na may nakasukbit na gitara sa likuran at saka siya hiningan ng high five. "Congratulations. Hindi ko alam na may balak ka palang pumasok ng military ah."

"Ha? Paano mo nalaman?"

He fished his red phone and showed the screen to me. There ran a list of PMAEE passers released by the official website of the academy and I couldn't contain myself. Excitement filled me in even though I already knew because of Ma'am Charlotte.

Iba pa rin kapag napatunayan ko mismo sa aking mga mata.

"Papasok ka na ba kaagad doon?"

"Hindi naman. May ibang exams pang dapat na ipasa."

"Desidido ka na niyan? Paano kapag nakuha ka? Eh 'di hindi ka na makakapagtapos ng Senior High?"

"Hindi naman natin alam ang mangyayari."

"Kunsabagay. Kumusta pala? Okay ka na?"

Pagkatapos ng aming maikling usapan ay naghiwalay na rin naman kami dahil magpapractice ito samantalang ako ay may tatapusing technical writing output. Ilang linggo na lang din kasi ay ikatlong pagsusulit na ng pang-akademikong taon.

Nakasabayan ko sa breaktime sina Jomari, Garnett at Duke kaya naman hindi ako nabagot habang kumakain. Walang habas ang tuwa ng mga ito lalo pa at nakapasa rin si Caloy at Duke sa entrance exam na wari'y pinaplano ring maging kadete. Matangkad sila at sanay sa pisikal na gawain.

"Hindi ko inasahang makakapasa ang gagong iyon," komento ni Jomari tungkol kay Caloy dahil maging kami ay hindi inakalang seseryosohin niya ang exam lalo pa at gusto niyang maging engineer.

"Hindi mo pa ba narereceive ang letter sa email mo?" tanong ni Duke sa akin.

Saka ko lamang naalalang hindi ko man lang nilog-out ang aking gmail account nang makigamit ako sa laptop ni Knight noon. Dahil wala akong load pangsurf ng net, ipagpapaliban ko na lamang.

"Basahin mo na lang muna itong sa akin para magkaideya ka na," saad nito.

Binasa ko ang nasa kanyang cell phone at saka inintindi nang mabuti.

"Kakayanin mo ba iyang physical requirements?" tanong nito sa akin.

I assessed the text which enlisted 3.2 kilometre-run, push-ups, sit-ups, and pull-up (for males) and flexed arm hand (for females).

"Mapaghahandaan naman iyan."

"Next week na ang reporting ko sa AFP Medical Center. Huwag mong kakalimutang i-check ang email mo dahil nandoon ang details kung anong batch ka at kung kailan ka magrereport."

Maging mga guro ay binabati kami kapag sila ay nakakasalubong namin. Nang maipasa ko na ang aking output ay nagpasya na rin akong maghintay sa shed upang ako ay makauwi na. May mga dalawampung minuto rin akong naghintay bago ko maaninag ang pulang Mustang ni Knight. Nagmamadali itong lumabas ng pinto at saka ako hinila papasok ng kotse.

"Bakit ka nagmamadali?"

Pinaandar niya ito kaagad at hindi niya ako kinausap buong biyahe pauwi. Hinawakan lamang niya ako sa kamay nang makababa na kami at saka diretsong pumasok ng bahay. Nadatnan namin si Ma'am Charlotte na may kausap sa telepono. Binati ko siya at kumaway siya sa akin ngunit maging siya ay napabitaw sa kanyang hawak na corded telephone nang makita niya ang pagmamadali ng kanyang anak na iakyat ako sa ikalawang palapag ng bahay.

That Boystown Girl [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon