CHAPTER 29
Boys and No Escape
REN
Lumapit sa amin ang babaeng pino ang kutis at saka kinarga ang batang babae. Ang bango nila. Nag-iwan ng amoy ng kaaya-ayang bulaklak ang pagkakayakap sa akin ng tinawag ng babaeng si Cosette.
"Mommy, Rome is hiding from us. Did he not miss me?"
The woman shook her head and smiled down at me. She looks so young with her military haircut and yet I was not intimidated. Her smile was one of a kind. It made my heart feel like it was wrapped in warm towel. She placed the girl down and kneeled to level her eyes on me.
I shouldn't be around here. Hindi ako dapat makita ng mga bisita rito ngunit hindi naman siguro makakasakit ang makipag-usap kahit na minsan lamang, hindi ba?
"Ang gwapo mo naman," puri niya sa akin at saka iniayos ang aking buhok. "Anong pangalan mo?"
Nautal ako at napilitang sumagot. "Jack po."
We looked at the boy who suddenly shouted, "Mom!"
He staring at me as his mother walked up to him. He gave her a kiss but stared back to me afterwards again. It was as if he hates me. It was as if I have done him something wrong.
"Is Jack your friend?"
Lumapit ang batang babae sa akin at saka ako ay pinagmasdan nang malapitan.
"I like you!" she then turned to her mother and said, "Mom, let's take him out of here."
The woman smiled, her eyes almost crinkling. "Dito ka ba nakatira, Jack?"
I nodded. I was still flabbergasted from what Cosette told me.
The woman held my hand and stroked my hair.
"Pangarap kong magkaroon ng malaki at masayang pamilya. Gusto mo rin ba iyon?"
I couldn't speak as I saw Hans turn round and run away. Bago pa ako makasagot, nasa likuran ko na si Lolo.
"Apo?"
SINUNDAN KO ANG pinanggagalingan ng ihip ng hanging maaaring magdala sa akin sa lawa. Hindi ko inalintana ang masukal na gubat na tinakbuhan ko.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako makaiyak pagkatapos ko siyang talikuran. Wala akong kamalayan kung hanggang kailan ako tatakbo pero gusto kong mapagod hanggang sa wala na lamang akong maramdaman. Kung anuman ang lamang ko sa aking mga kaibigang lalaki, iyon ay ang haba ng oras na kaya kong itagal bago mapagod. Hindi man ako ang pinakamabilis na tumakbo ay hindi naman ako basta-bastang mapagod.
"Ren!"
And kanyang tinig ay nanggagaling sa malayo.
Ilang sandali rin akong nagpaliku-liko sa kakahuyan bago ko naaninag ang maasul na langit sa unahan. May matarik na mga batong maaaring gamiting lakaran upang makababa sa mabatong lupain bago ang lawa. Kaagad akong pumanaog kahit na masakit sa talampakan. Hinubad ko na lamang din ang aking sandals upang hindi masira at saka ako nagpatuloy sa pagtakbo patungo sa bukana ng tubig.
Ilang sandali akong napahinto at minasdan ang lawa. Hindi ito nagbago. Napapikit ako sa bigat ng pakiramdam na dumagan sa aking dibdib.
Paano niya naitago sa akin ito?
I was broken from my trance when I heard his heavy heaving of air a few meters behind me. I whirled around and started running again.
"Ren, please. Hear me out."
BINABASA MO ANG
That Boystown Girl [COMPLETE]
Teen FictionAlam ni Ren na mahirap ang buhay na nag-aabang sa kanya simula pa lamang nang mamulat siya sa mundong hindi dapat niyang kalakihan. Gayunpaman, isa siya sa mga batang hindi nabigyan ng pagkakataong makasama ang kanyang magulang kaya naman siya ay na...