22

2.7K 62 4
                                    

CHAPTER 22

Hans

REN

MALAPIT NA AKONG mainip sa tahimik na harapan nagaganap.

Nagsisiksikan ang mga kaibigan ko sa mahabang sofa—sina Ison at Mois ay nakasalampak na lamang sa sahig habang nakatindig na nakatingin kay Knight na prente ring nakaupo sa kabilang sofa. Nasa gilid ako ng pinto at naghihintay ng magsusuntukan.

Pabalik-balik ang tingin ko sa dalawang panig ngunit tila nagpapakiramdaman sila.

Knight's gaze was rock steady though, so confident as to hold all eight stares without trying so hard. Bigla namang sumagi sa isip ko ang nasabi ni Ma'am Charlotte tungkol sa sekswalidad ng anak niya. Tinignan ko nang maigi ang lalaki.

He doesn't exude the vibe.

If he is gay, I could have noticed. I could have seen any slight glitch in his body language whenever possible, especially right now when he is facing eight good-looking boys his age.

However, the fact that his mom who knew him all his life did say so that he might be gay, I do not know if I should trust my observations anymore. All I can do is let things play before my eyes.

"Boss Master!"

Nagulantang ako sa biglaang pagtawag sa akin ni Caloy at hindi ko kaagad napansing naglalakad na pala ako papunta sa tabi nila. Lalo pa akong napasinghap nang bigla akong akbayan ni Kris at saka niya sinabing, "Bakit ka umiyak kanina?"

Napatingin naman ako sa kanila nang naguguluhan ngunit tinanguan lamang nila ako. Ano bang balak ng mga kumag na ito? May palislis-lislis pa sila ng mga manggas kanina pepro hindi naman pala makikipagsuntukan. Natatakot ba sila sa kanya?

We were never prepared for what happened next.

Knight stood on his feet, his back pushed meticulously straight and perfect and walked up to us. He pivoted his foot and faced me as he dropped on one knee.

I heard the silenced gasps of my friends as the scene unrolled. I watched him push his hand forward with his head lying low, avoiding any stray gaze that could see his face.

"Please give my necklace back. I will do anything. Just give it back."

Nagtinginan kami nina Duke. I caught him giving me an encouraging nod and I got the cue. Nakakagulat ang nangyari. Hindi ko mistulang inasahan ngunit kung anupaman, nagkaroon ako ng magandang ideya.

I pushed my chin up and looked around to make sure that my witnesses were listening. In a bragging tone, I emphasized, "Explain 'I will do anything'."

I watched his shoulders heave up and down slowly before saying, "When I mean anything, I mean anything."

Napatikhim ako at saka ko muling inilibot ang tingin ko sa kanila. Nakayuko pa rin si Knight ngunit hindi natitinag ang kamay niyang nag-aabang na ibalik ko ang kwintas. I saw their amused faces.

Mios whispered to me. "Sabihin mo, sayaw."

Kinutusan ko nga siya bago ako nagpunta ng kwarto. Mabuti naman at hinihingi niya ito pabalik mula sa akin. Ang ibig sabihin ay hindi siya naghalungkat sa mga gamit ko. Na siyang ayokong mangyari dahil kahiya-hiya talaga kapag nagkataong nahanap niya ito.

"Heto," I tapped his shoulder as I dropped the necklace on his hands. He quickly clasped his hand and placed it inside his jeans pocket. I turned to my friends and said, "Salamat sa tulong ninyo. Ako na ang bahala rito."

Ngumuso si Kris at saka hinila-hila ang laylayan ng aking damit. Napansin ko namang nakatingin na si Knight at hindi ko maiaalis ang matigas na dating ng kanyang mga mata. "Hindi kami aalis hangga't hindi napapatunayan ng ampon mong tutupad siya sa pangako niya."

That Boystown Girl [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon