44

1.9K 44 0
                                    

CHAPTER 44

Boys and Rental Cars

REN

IT'S BEEN A week after the email and Knight helped me complete my requirements.

He's also surprisingly interested in physically training me. Maaga niya akong sinusundo mula sa school para makapag-jog kami sa palibot park na malapit sa building. Gayon din ang ginagawa namin kapag ginigising niya ako nang maaga.

Pinapakain niya ako nang sobrang dami at istrikto siya sa dami ng tubig na dapat kong maubos araw-araw. Sa loob ng isang linggo, para akong boksingerong naghahanda sa isang laban at hindi naging mabait si Knight.

Practically, I saw what he's trying to do.

He's trying to show me what I would expect in the new world I would possibly enter.

"Don't get me wrong. I'm helping you but it doesn't mean that I like the idea of you being in the military," masungit na suway niya sa akin nang minsang tanungin ko siya kung ano ang nagpabago ng isip niya upang tulungan ako sa application ko.

"Ang sabi ni Duke, mag-eenjoy raw ako doon sa CPE sa AFP Med," sagot ko naman sa kanya dahil kauuwi lamang ni Duke mula sa exam na iyon.

Tinignan niya ako nang marahan bago muling tumakbo. "Reasoning ka. Isa pang ikot."

Ganoon umikot ang linggo ko.

Palagi ko ring kinukumusta si lolo at Jeya ngunit tila kailangan na nilang humanap ng bagong kasama sa bahay ni Jeya dahil hindi na nila makontak pa ang dati nilang pinagkatiwalaan. Binalak kong dalawin sila ngayon at dahil wala ang guro at mga dalawang oras pa bago ako masundo ni Knight, napagpasyahan kong pumunta kina Jeya.

Kumatok ako sa bahay na may light green at white na pintura at hindi na ako nabigla nang si Lolo Gramps ang nagbukas para sa akin.

I didn't waste my time. I yelled his name and jumped at him to hold him close to me. I missed his baby powder scent.

Malinis sa katawan si Lolo at hindi niya hinahayaang mapabayaan niya ang kanyang sarili kahit na matanda na siya. Niyakap iya ako pabalik at nakuha pang humalakhak.

"Sinabi ko naman sa iyo Apo, maayos ako. Ang lakas ko. Mamaya pa ang dating ni Jeya. Mahihintay mo ba siya?"

"Oo naman, Lo."

"Bakit hindi mo kasama ni Knight?"

"Ah dinalaw po niya nang palihim yung mga kapatid niya."

Nagkwentuhan kami ng lolo at nasabi ko rin ang tungkol sa pagkahuli sa mga lalaki sa ospital. Nasabi naman niyang nakapagtataka namang madampot sila kaagad dahil ano ba raw ang pinanghahawakan namin laban sa kanila.

Now that I realize it, I actually think Lolo is right. Sapat ba ang ginawa nila upang madakit sila? O may hindi ako nalalamang hindi sinasabi ni Knight?

"Kumusta naman po si Jeya?"

"Ayon, Apo. Hindi ko ba alam. Madalas siyang matamlay at hindi masyadong nakakakain. Minsan naman ay ayos siya."

"Naipacheck up na po ba siya?"

Umiling ang aking lolo. "Kilala mo ang pinsan mo. Hindi iyon lalapit sa kahit na anong nagtatrabaho sa ospital."

Malaki ang takot ni Jeya sa mga medical practitioner mula pa noong unang magkakilala kami. Hindi ko tuloy siya masisi ngunit hindi ko rin maiwasang mainis dahil ayaw kong nagpapabaya siya sa kanyang sarili. Kailangan niyang magamot.

Dumating naman 'di kalaunan si Jeya ngunit tila ba ako ay nanlumo nang makita niya ako dahil ni hindi niya ako pinansin bagkus ay nagpatuloy lamang siya sa kanyang paglalakad papasok sa isang silid.

That Boystown Girl [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon