36

2K 50 0
                                    

CHAPTER 36

Boys and Ren Files

REN

NAGCOMMUTE KAMI PAUWI at hindi ko na inabala pang mag-almusal doon. Natulog ako sa biyahe at ginising na lamang ako ni Knight nang pababa na kami.

"Sigurado ka bang nakauwi na si Hans?"

"Pangatlong tanong mo na niyan, hindi ka ba nagsasawa?" iritado niyang tanong habang nagbubukas ng ref. "Maligo ka muna habang nagluluto ako."

Hindi na ako nakipagtalo sa kanya dahil simula nang tumira siya rito, pakiramdam niya ay siya na ang hari ng kusina.

Ngayon ang title defense ko kaya naman kinailangan kong kopyahin ang mga pinaggagagawa ko sa laptop ni Knight na hindi ko nagawa kahapon dahil nga wala ako. Pagkalabas ko ng banyo ay iyon kaagad ang sasabihin ko nang maabutan ko siya sa loob ng kwarto.

"I put your lunch in your backpack. Nasa bulsa yung hard drive ko. Inilipat ko na doon lahat ng kailangan mo. Huwag kang magbubukas ng ibang files, okay?"

Kaagad din naman siyang umalis upang makapagbihis na ako. Hindi nab ago sa aking binubuksan niya ang bag ko upang malagyan ng mga kung anu-anong pinababaon niya sa akin. Sa totoo lamang ay hindi ako ginugutom sa kanya.

Chineck ko na lang din kung saan niya nilagay bago ako lumabas para saluhan siyang mag-almusal.

"Wala bang text si Lolo G sa'yo kung kailan siya babalik?"

"Wala naman. Tinatrangkaso raw si Jeya."

"Do you want to visit them?"

"Hindi ko alam kung nasaan ngayon ang tinitirhan ni Jeya."

"You can ask her or Lolo."

The truth is that I have tried reaching for my cousin over the phone but it always gets missed. She never replies to text messages too. I am getting worried but there's a part of me saying I should give her space to adjust to living alone with just a house help. The reason for her and her parents to decide to move out, I have no idea but I have no say in it either.

"I'll try."

"You sure you won't wear any corporate attire for your defense?"

I pushed my lips and gave it a thought before shaking my head.

"Too late for that. Wala ako niyon at saka maayos naman itong uniform ko," saad ko bago iligpit ang aming kinainan.

Umalis na rin naman ako kaagad at dahil nga individual ang aming Practical Research output, ako ang boss ng oras ko ngunit syempre mas gugustuhin kong maaga kahit na may isang oras pa ako bago ang defense.

Lumapit ang aking kaklaseng si Frelan sa akin sa library at nagtanong ng mga references ko dahil nahihirapan siyang maghanap ng related literature niya. Maaga kasi itong nakapagdefense dahil sasabak siya sa National Songwriting Competition on the day na magdedefend na kami ng paper kaya nagrequest siyang mauna na siyang magdefend ng paper niya bago siya lumipad.

Doon ko inubos ang natitirang oras ko habang hindi ko pa oras sa pagdepensa ng aking pamagat. May iba pang mga lumapit at nagbigay rin sa akin ng kanilang mga nahanap baka sakaling makadagdag.

Nakasalubong ko sa aking paglalakad patungo ng audiovisual room si Mois.

"Kamahalan! Bakit wala ka kahapon sa bahay niyo? Bakit wala kayo ng ampon mo? Saan ka dinala n'on?"

Hindi ako nagdalawang-isip sa aking sagot dahil hindi naman talaga ako naglilihim sa mga ito.

"Kumain ako kasama ang mga pinsan ni Knight. Hindi ko naman alam na doon din sa Secret Garden pupunta si Knight. Tapos ginabi kami kaya doon na kami natulog."

That Boystown Girl [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon