CHAPTER 15
Boys and Towels
REN
KUNG MAAARI LAMANG na marinig ng ibang tao nang walang gamit na stethoscope ang tibok ng puso ko, posibleng mabingi ang makakarinig sa lakas ng isang beses lang na pagputok ng dibdib kong tila nagbuga ng sobrang daming dugo sa ulo ko sa mga oras na iyon. Nang dahil dito, nakaramdam ako ng hilo at hirap sa paghinga.
Sinubukan kong kumawala sa higpit ng kapit niya sa baywang ko ngunit hindi siya nagpapatinag at nakikita kong talagang hinihintay niya ang isasagot ko.
"Nababaliw ka ba? Anong pinagsasasabi mo?" pagtatapos ko sa kahibangan niya. Pilit kong pinipilipit ang katawan ko para makawala ako sa hawak niya pero lalo lamang nitong hinigpitan ang kanyang kapit kasabay ng pagpapaigting ng panga.
Balak pa yata ako nitong ubusan ng hininga.
"Answer me."
Doon ko napag-isip-isip na kailangan pala'y may mga nakahanda na akong isasagot sa mga ganitong bagay para hindi nangyayari ang mga ganito na tila ba wala akong maisagot na magiging dahilan pa ng pagkakaroon ng gusot sa buhay ko.
Just thinking about the consequences of my answers to his question makes me want to bite him to escape and hide somewhere until he gives up asking.
"Don't even think about biting me," he emphasized as he drove his forehead slightly too much against mine. "You wouldn't want to see what happens next."
"Fine! Bitiw, sasabihin ko na!"
In just about a matter of milliseconds, his face went blank again as he waited for me to speak, loosening his grip in the process.
"Hindi ko alam kung anong balak mo at kung bakit mo kailangang ungkatin ang pagkatao ko pero huwag mo naman na sanang sasabihin pa sa iba kung anumang nalalaman mo. Tahimik na ang buhay ko. Ayoko ng gulo."
"Answer me."
Napapigil ako sa paghikbi dahil hindi ko napansing gumigilid na pala ang luha ko. Natatakot ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari pagkatapos.
"Hindi ako si Renaissance Apostol."
His eyes seemed to glint for a little as he observed me. It's clear that he wants to know everything about it. Hindi ko alam kung bakit at para saan ang pagtatanong niya pero wala akong magawa. Sinasabi rin ng isip kong hindi ako magsisising sabihin sa kanya. Wala akong maintindihan na maging ang sarili ko ay hindi ko makasundo.
"Well, at least originally, hindi ako. Basta, ang sabi ni lolo, iyon ang ipinangalan sa akin dahil namatay ang buong pamilya ng totoong Ren nung araw na nakita niya ako. Hindi niya ako totoong apo. Ampon lang ako. Napulot lang niya ako noong sanggol pa lang ako. At dahil nangulila siya sa bagong kapapanganak lang niyang anak at dahil gusto na niyang magkaapo, nagdesisyon siyang hindi na mag-issue ng death certificate at parang walang nangyari na ako na si Ren."
Hindi ko siya matignan. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa kong pag-amin sa kanya pero hindi ko rin alam kung hanggang kailan ko sasarilin ang guilt na kinikimkim ko sa tuwing nakikita kong patuloy sa pagtanda si Lolo at ibinibigay niya lahat ng pangangailangan ko kahit pa hindi niya ako tunay na kaanu-ano.
"Hanggang diyan na lang. Ayoko na. Sapat naman na siguro iyon," pagpipigil kong sambit habang tinitimbang kung mababasag ba ang boses ko sa pagsasalita. Ayokong umiyak.
Hinintay ko siyang umimik dahil ayoko pang ipakita ang mukha kong naiiyak pero tila sa katahimikang naghahari sa paligid ay may nagsasabi sa aking hindi nakikinig ang lalaking katabi ko.
BINABASA MO ANG
That Boystown Girl [COMPLETE]
Teen FictionAlam ni Ren na mahirap ang buhay na nag-aabang sa kanya simula pa lamang nang mamulat siya sa mundong hindi dapat niyang kalakihan. Gayunpaman, isa siya sa mga batang hindi nabigyan ng pagkakataong makasama ang kanyang magulang kaya naman siya ay na...