19

2.6K 69 1
                                    

CHAPTER 19

Do you like him?

REN

GARNETT WAS TOO NAÏVE.

Once he recognized that it was 'that boy who lived in my house,' he immediately shot up his seat and greeted him, innocently asking him for a high five and ushered him into the house as if he was not bruised in the face at all. I hissed beside him as he pushed him inside but it seemed like he was too overwhelmed with the idea of mischief that was written on his face.

"Anong balak mo?" bulong ko sa kanya.

"Gagantihan ko si Xyve sa pagsapak sa akin. Alam kong maaasar itong mga ito dito," nguso niya kay Knight na tila walang naririnig at nagpapatulak lang din.

I'm not buying this guy's act of zero resistance. He was up to something.

"Guess who's heeeere," pakantang entrada ni Garnett at natigilan sa kwentuhan ang mga kaibigan namin nang lumingon saila sa pintuan. Humabol ako sa tabi ni Garnett at saka sumenyas sa kanila na wala akong kinalaman sa nangyayari ngunit tila sabay-sabay lamang nila akong pinukulan sandaling pagtingin bago muling tumingin kay Knight na kalmado lamang at may maliit na ngiti sa kanyang labi.

Is something amusing him here?

Nagpamulsa siya ng kanang kamay at saka biglang sinabing, "I didn't mean to interrupt but I'm here to pick—," he was pointing his thumb at me when they stood up and crowded around him.

Hindi ko na napagtagpi-tagpi ang mga pangyayari.

I just realized that they were leading him gladly to the table, introducing him to Xyve's father and brother and poured beer into a new glass.

"Susunduin ka pala ah? Tignan natin kung maiuuwi ka pa niyan kapag bagsak na," mapang-asar na sambit sa akin ni Garnett haba niyang ginugusot ang kanyang ilong bago ako hilahin din papunta sa mesa.

Umupo ako sa tabi ni Duke at nasa tapat namin si Knight na pinagigitnaan ni Jomari at Caloy. Tila nagtatanguan ang mga loko na tila ay alam na hindi ko alam, at hindi rin alam ng bagong dating. Magmamatapang sana akong tanungin ang pinaggagagawa nila pero baka hindi lang ako pansinin ng mga ito dahil tila abala sila sa pagkuha ng atensyon ni Knight na kanina pa nananahimik pero hindi naman bakas sa kanyang mukha ang inis sa ingay nila o sa kung paano nila siya hawakan o tapikin sa balikat.

"Inom ka, 'pre," alok nila rito na tila na hindi ko lubos mapaniwalaan. Kailan pa nila tinanggapp na pare si Knight?

"No, I'm here to pick he—,"

"Hindi pa tapos kumain si Ren. Kumain muna kayo bago kayo umuwi."

"Hindi naman ako uuwi eh?" sabat ko sa kanila pero sinamaan pa ako ng tingin ng mga loko. Bakit parang ako pa itong nagmumukhang masama? Nasalo ko rin ang mata ni Knight pero agad akong umiwas. Natakot akong bigla. Sa tingin niya sa akin ay parang may kasalanan ako. Umiwas ako dahil meron nga naman. Lalo tuloy akong hindi uuwi dahil kapag iyan nakakuha ng tiyempong kami lang dalawa, gigisahin niya ako sa pagsisinungaling ko kanina.

"Food's waiting back home," pagpapatuloy niyang sambit na hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang kanyang tingin. Napaabot tuloy ako sa baso nang hindi na nag-iisip at saka sumipsip. Huli na nang malasahan ko ang alak pero hindi rin naman ako nag-atubiling idura ito. Hindi ako lasinggera pero alam ko ang lasa ng alak.

"Kumain muna kayo, 'pre," saad ni Xyve na kasalukuyan nang sumasandok ng pagkain sa dalawang plato.

He sounded sincere.

Bumulong naman ako kay Duke, "Kumain na ako kanina."

He chuckled and pinched my nose while everyone else is forcing Knight to drink and eat. "Hayaan mo na lang sila," pangiti nitong sabi at hinayaan pang nakapisil ang kamay nito sa ilong ko ng mga ilang segundo. Maganda ang ngiti ni Duke kaya naman tinatangi ko ang bawat pagkakataon dahil bihira siyang ngumiti.

That Boystown Girl [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon