CHAPTER 31
Boys and Period Talks
REN
NAGISING AKO NANG madaling araw sa text na natanggap ko galing kay Lolo.
Apo, kasya pa ba ang perang iniwan ko? Pasensya na at hindi ako makakauwi ngayon dahil tinatrangkaso si Jeya. Tatawag ako kapag may pagkakataon. Ingat kayo ni Knight, apo.
Sinigurado ko namang maayos ang lahat dito nang ako ay magpadala ng mensahe sa kanya. Alas dos pa lamang nang tinignan ko sa orasan kaya naman pinagalitan ko si lolo sa text na baka nagpapabaya siya roon at hindi na nagpapahinga.
Sinamaan ko ng tingin ang pinto ng kwarto ko. Hindi ako pinapasok ng siraulong iyon kahit na gaano ko siya gulihin at rindihin.
I ended up sleeping on the couch.
Gusto ko pang matulog kaya naman isinantabi ko na ang lahat ng maaari kong makita kung sakali mang makapasok ako ngayon. Alam kong madalas siyang umihi kapag dis oras ng gabi dahil ilang beses na rin kaming nagpapang-abot na gising—ako sa kusina, kumakain at siya naman ay sa banyo.
Hindi ako nabigo dahil pumihit ang knob kaya naman wala na akong sinayang pang pagkakataon at itinulak ko nang marahan ang pinto. Nagulat ako nang nakasindi ang ilaw at naabutan ko siyang nakasalampak sa sahig, nakahilig ang kanyang ulong halos naatingala na sa sahig habang nakasandal sa poste ng kama. Nakakalong ang laptop niya sa hita.
He was wearing a pair of glasses.
The frame slightly fell down to his small but pointed nose.
Ang linis niyang tignan dahil sa paninibago ko na rin sa gupit niyang pinagmukha siyang mas bata at mas nakakaintimidate. The look of clean-shaven sides of his head made the impression that he was so tall.
Matagal na kaya siyang nakahimbing?
Natukso akong sumilip sa ginagawa niya sa screen ng kanyang laptop ngunit maaaring maging ito ay matagal nang hindi nagalaw kaya naman nakascreensaver na ito. Nagtalo ang aking isip dahil ayaw ko siyang magising ngunit may parte sa aking nagsasabing mukha siyang pagod kaya dapat lang na lumipat sa mas komportableng hihigaan.
Nataranta ako nang bigla niyang iminulat ang kanyang mata at kaagad akong nahuling nakatingin sa kanya. Mukha itong nagulat at nataranta ring ginalaw ang laptop and as I can see, to check the time and I saw surprise written on his face.
"Shit, sorry. I was about to just finish something so I could call you up here. Shit, I slept. Shit, where did you sleep? Did you even get sleep? Shit, I'm sorry."
He started rambling words as he fixed his belongings and scrambles off to the door but then I couldn't stop my mouth so I called him.
"Maglalatag na lang ako ng banig dito sa sahig. Dito ka na sa higaan ko matulog."
He looked at me through the glasses. "Stop acting like you're the man here, Ren."
"I'm not," I said, slightly offended. "Nag-aalala lang ako kasi baka sumakit katawan mo. Mukhang matagal ka nang nakatulog nang ganoon."
"You should sleep comfortably too. Sorry for causing you trouble."
Tinupad ni Lolo ang kahilingan ni Duke sa araw ring iyon. Sumama ako at nadatnan namin ang lugar na tahimik. Maaga ang hapunan sa ampunan. Malamang ay naghahanda na ang lahat sa hapag.
"Maaari ko bang makausap si Ma'am Gina?" pakiusap ng lolo ko sa isang babae.
Ilang sandali pa ay dumating na ang babaeng nagngangalang Gina at saka niyakap si Lolo. Nagkamustahan ang mga ito hanggang sa mapadpad na ang usapan sa dahilan ng pagbisita.
BINABASA MO ANG
That Boystown Girl [COMPLETE]
Teen FictionAlam ni Ren na mahirap ang buhay na nag-aabang sa kanya simula pa lamang nang mamulat siya sa mundong hindi dapat niyang kalakihan. Gayunpaman, isa siya sa mga batang hindi nabigyan ng pagkakataong makasama ang kanyang magulang kaya naman siya ay na...