13

3K 68 3
                                    

CHAPTER 13

Turn off the lights

REN

MASAMA TALAGA ANG tinging ipinupukol ko sa kanya habang namimili ako ng isda, haba kong pilit na kinakausap ang bading na tinderang mas marami pang kuda kay Knight samantalang ako ang namimili. Hindi ako naiirita dahil doon. Sinasamaan ko siya ng tingin para malaman niyang may kailangan siyang ipaliwanag sa akin. Lalo na sa itim na card na ibinalik ko sa kanya kanina.

We might say that the good thing is that he actually thought it's his job to carry all those stuff that it was he, himself who had bought after all.

Nang matapos na kami, hindi ko na pinatagal pa ang hirap ko sa gitna ng init at usok kaya naman sumakay na kami sa dyip upang makauwi. Tahimik kaming pareho sa biyahe bagamat gusto ko talagang sungatin ang matandang babaeng nakasakayan na naman namin ngayon na siya ring mahilig magparinig kanina nang pinukulan niya ako ng tinging nanunubok.

Ibinaba na rin naman namin kaagad ang mga dala namin nang kami ay makarating na at saka ipinasok lahat. Kaagad kong inilapag lahat ng bitbit ko at hinintay siyang makapag-ayos bago ko tinawag ang pansin niya.

"Baka pwede ka nang magpaliwanag?"

Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumalikod na tila walang narinig at naglakad patungo sa kwarto. Sinundan ko nga.

"Hindi ka ba nakikinig? Bakit ka may card na functional kung wala ka namang pera? Niloloko mo ba kami ng lolo ko?"

"That's just my own small savings. Hindi yun sakop ni mama. It won't help me out for a month."

Napairap ako sa sinabi niya. "Paanong hindi tatagal ng isang buwan iyon kung ganoon mo gastusin ang pera mo?"

"I explained. Can you please leave for a minute?"

I recognized the politeness pero mas nangibabaw ang pakiramdam kong iniiwasan lang niyang masermonan kaya naman nagpumilit ako. "Kwarto ko 'to!"

He heaved a deep sigh as he murmured, "Don't say I didn't plea on you."

And he pulled his shirt off while turning his back on me.

It just happened that I was too fast to realize what he meant by now and I was out in a second yelling, "You could have just told me straight!"

And slammed the door.

No, I didn't see anything.

DUMATING NA RIN naman si Lolo pagkalipas ng ilang sandali habang iniaayos ko ang mga pinamili sa mga dapat nilang kalalagyan. Hindi ko naman alam kung saan nagpunta si Knight pagkatapos niyang magbihis pero lumabas siya at nagpaalam na babalik rin kaagad.

"Ang dami naman ng mga pinamili ninyo Apo? Hindi naman kita binigyan ng pamalengke niyo ah?"

"Ah, nakuha ko na po yung sahod ko nung isang araw, naalala niyo yung nandito sa bahay si Yel?"

"Ah, yung gwapong mestizo, oo."

Hindi ko na lang siya muling inimikan habang nagsasalin siya ng inuming tubig sa baso hanggang sa bumukas ang pinto at tumambad si Kris na mukhang masayang masaya. At kung sa inaakala kong wala na siyang kasama, kasama pa niya si Duke. Sa kabilang palad, wala rin namang masama. Si Duke ang pinakamatino nila. Kawawa si Kris sa kanya.

"Hello, Lo. Pwede po ba naming makausap sandali si Ren?"

Nagthumbs up lang ang lolo habang lumalagok at ako naman ay wala sa tamang pag-iisip kung seseryosohin ko ba sila sa biglaan nilang kagustuhang makausap ako o tatanungin ko muna kung bakit bigla na uli nila akong bati nang wala pa naman akong ginagawa.

That Boystown Girl [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon