11

2.9K 54 0
                                    

CHAPTER 11
Boys and a Sleepover

HINDI AKO MAKAKAIN kahit pa miswang may sahog na sardinas at patola ang ulam namin. Nakuntento na lang ako sa paminsan-minsang higop ng sabaw nito at kaunting subo ng kanin habang pinanonood na kumain at magkwentuhan sina lolo at Knight tungkol sa kung ano-ano lang na hindi ko maintindihan tungkol sa chess. Tinignan ko si Knight at magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nagulat sa kilos niya. Walang bakas ng pagtitiis o pagiging napilitan lang upang kumain sa kanyang mukha. Kung anupaman, tila normal lang siyang kumakain. At hindi ko lubos maintindihan kung bakit dahil sa unang araw naming nagkakilala, nag-uumapaw ang kaartehan at kaisnaberohan ng lalaking ito.

"Ren, may problema ba apo?"

Hindi na rin naman ako nagulat sa pagtatanong ni lolo dahil inasahan ko nang mapapansin niya ito. Oh, why am I not surprised? I have this house's biggest stomach.

"May singaw po kasi ako eh."

Hindi na rin naman sumagot pa si Lolo pero doon nagsimulang maramdaman kong pinakikiramdaman ako ni Knight. Tingin ko ay alam nito ang laman ng isip ko ngayon at iyon ang ayokong pakialaman niya.

Dumating na rin si Jeya pagkatapos kong makapagligpit ng mesa at makapaghugas ng mga plato ngunit ni hindi na kami nakapag-usap pa dahil nagmadali siyang umalis dala-dala ang lahat ng naahanda na niyang gamit. Wala naman akong magawa dahil nagmamadali ito. Baka may hinahabol na siyang gagawin at ayoko siyang abalahin dahil baka gabihin pa siya sa pupuntahan niya.

Napagpasyahan ko nang maglinis ng katawan nang marinig kong umaagos ang tubig mula sa gripo sa loob ng banyo. Napahinto ako at saka ito kinatok. "Knight, kasisimula mo lang?"

The running water drowned his voice but it's enough for me to catch his messages. "Yeah, sorry."

Sinamantala ko na lang din ang oras ng pagligo niya para kumuha ng mga damit sa kwarto at maglinis nang kaunti para sguraduhing walang kahihiyang nakakalat sa kung saan bago ako tumayo sa pader malapit sa banyo para hintayin siyang matapos. Si lolo naman ay nasa kanyang kwarto na, malamang nagpapahinga na rin.

Mayamaya pa ay bumukas na rin ang pinto at saka lumabas si Knight bitbit ang tuwalya niya. Mabuti naman at nakapagbihis na rin pala ito bago lumabas. Sumunod na akong pumasok at saka naligo nang mabilisan dahil gusto ko na ring magpahinga. Siguro naman ay maaari ko ring bigyan ng konting katahimikan ang isip ko mula sa tumawag kanina sa cellphone ko. Ngunit hindi ko lang din talaga mapigilang isipin at tanungin sa hangin kung ano ang kailangan nila kay lolo at bakit ayaw nilang ipaalam na hinahanap nila siya sa akin. At sino sila? At paano nila nakuha ang contact number ko?

Napakarami naman atang strange numbers na nakakaalam sa numero ko. Napag-iisipan ko na tuloy na magpalit ng number kaso hindi ko na naman alam kung papaano ko ipagkakalat sa mga negosyanteng pinagraraketan ko ang digits kapag nagpalit ako.

Nagbihis na lang din ako kaagad sa banyo at saka iginulong pabalot ang pinagbihisan ko bago lumabas.

To my surprise, naabutan ko sa sala ang mga kaibigan ko habang nakasuot lahat ng pantulog at abala sa pagbabangayan habang di-magkamayaw sa paglalatag ng mga comforter na hindi sa amin (kaya malamang ay dala nila papunta rito) at nagpapaluan ng unan. Bakit nandito yang mga iyan?

Hindi pa man nila ako napapansin kaya ako ay dumeretso na muna sa kwarto at saka ibinuslo sa laundry basket ang pinagbihisan ko at isinukbit sa wall hook ang tuwalya. Naririnig ko pa mula rito ang bangayan nila at iniisip ko kung alam ni lolo ang pagdagsa ng mga lokong ito ngayon. Wala na akong hinintay na pagkakataon at ako ay bumalik sa sala at saka umeksena. Nagtaka naman ako dahil wala si Knight sa kwarto at wala rin ito sa couch kung saan siya matutulog.

That Boystown Girl [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon