12

3K 60 4
                                    

CHAPTER 12
Boys and Locked Doors

REN

It was raining and we were already on lights out. The silence of the road near the compound was calming my ringing ears which were caused by the ruckus Hans just pulled on me before I could get to the dinner table along with the other kids.

Hindi ko na lang pinansin pa ngunit hindi ko rin lubusang maialis sa isip ko kung bakit niya natanong sa akin ang, "Anong gagawin mo kapag hinalikan kita?"

Katabi ko si lolo sa pagtulog kung saan hiwalay kami sa silid ng iba pang mga bata. Hindi ako makatulog kaya naman panandalian akong tumayo upang magpunta sa kusina para uminom ng maligamgam na tubig, nagbabakasakaling antukin na ako pagkatapos. Iniiwan naman nilang nakasindi ang ilaw rito kaya naman hindi ko na kailangan pang maghanap ng tutuntungan para lang maabot ang switch.

Dali-dali na rin naman akong uminom at handa nang bumalik nang may bata akong nakasalubong. Nakasuot ito ng asul na pantulog at singkit ang mga mata.Matagal na rin siya rito ngunit hindi kasi talaga ako palakausap sa mga bata rito kaya wala akong kakilala.

Aalis na sana ako kaso siya ay nagsalita, "Sa susunod, ako na ang maghahatid ng tubig sayo."

And just like that, he walked away.

Sino siya?

Nagising ako nang maaga dahil Linggo, bagamat hindi ako nagsisimba, ang lolo ay relihiyoso kaya naman hindi ko hahayaang umalis siya nang walang kasama at walang almusal. Dumiretso kaagad ako sa lababo para magmumog at maghilamos nang marinig ko na lang ang tinig ni lolo mula sa sala. "Apo, saluhan mo na kami rito."

Nakakapanibago namang may nakahanda nang almusal sa umaga. Kadalasan ay kung hindi lugaw at sopas na binili sa tindahan sa tapat, ako ang nagluluto. Not that I mind though.

"Saglit lang Lo," sagot ko habang papunta sa ref at sinilip ang laman. Nagtungo rin ako sa aparador kung saan kami nagsa-stock ng mga dry goods para minsanan na ang aking paglilista. Pagkatapos ng pagsusuri ko ay sumalo na ako sa mesa.

"Masarap magluto itong si Knight, apo. Biruin mo, nakapaghanap pa siya ng mga sangkap dito sa bahay para makagawa rin ng puto?" masayang bati ng aking lolo sa aking pag-upo.

Tahimik lang na kumakain si Knight. Napansin ko ring nakaligo at nakapagbihis na siya pero nanibago ako dahil sa suot niya. Parang hindi siya ganoon manamit. Parang nakita ko na ang damit na suot niya, actually.

Nagsimula na akong kumain nang biglang nagsalita ulit si lolo, "Ren, nga pala. Pinagbihis ko si Knight kasi baka nakawan o kursunadahin siya sa labas sa mga dala niyang damit. Kinuha ko mua yung mga damit mong di mo masyadong nagagamit at saka ipinasuot sa kanya."

The piece of fried egg fell from my mouth as I stared at Knight, ignoring my cheerful grandpa, just to find him concealing his laughter maybe because of the free falling of food from my mouth. And just as when I though it couldn't even get worse, Lolo added, "Isa pa nga pala, kahit huwag mo na akong ihatid ngayon apo. Sasabay ako sa tricycle ni Mois papunta sa simbahan. Maaga silang umuwi, may mga kanya-kanyang lakad eh," sagot nito.

"Sasabay na ako Lo, mamamalengke po ako eh."

"Ah ganun ba. Ikaw, Knight, anong balak mo ngayong araw?"

"Nothing in particular po. You can tell me what to do."

And another piece of egg fell from my mouth. Really, this boy is a changed man when lolo is around. I might need to stick to lolo all the time.

Nagpatuloy na lang ako muli sa pagkain, ignoring the fact na sinabi lang naman ng Lolo kong samahan na lang niya ako sa pamamalengke para maipasyal ko siya sa bayan. Yey.

That Boystown Girl [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon