CHAPTER 3
Boys and a Party
HINDI KO MAPAGSUNOD-SUNOD ang hininga at pitik ng puso ko dahil sa tingin ko ay maging ang pulso ni Mois ay nararamdaman ko na rin. Sadyang nakakatakot nga ang lugar na ito at ang dilim-dilim pa ng kalsada. Para itong ghost town.
Gusto niyo pang makarinig ng mas nakakamanghang balita?
NAUBUSAN KAMI NG GASOLINA.
At alam niyo pa ang mas nakamamanghang balita?
DEAD BATT RIN SI MOIS.
At alam niyo pa ang pinakanakamamanghang balita?
KAMI AY TILA NAWAWALA NA.
"Sigurado ako, nadaanan na natin ito kanina," pagpupumilit ko.
"Hindi naman ako lumiko ah?"
"Eh baka nga kasi umiikot lang ang kalsada dito?"
"Eh kung ganon, bakit hindi natin nadaanan ang kalsadang pinanggalingan natin bago tayo pumunta rito?"
"Aba ewan ko. Ikaw kaya tung nagmamaneho," depensa ko naman. Sa dinami-rami pa naman kasi ng naisama ko, yun pang mas matatakutin sa akin. Baka ito pa ang unang tumili kapag nagulat kami.
Mayamaya pa ay nakarinig ako ng mga kaluskos.
"Ano yun?" tanong ko sabay lingon sa paligid.
Nanigas naman sa kinauupuan ang hibang. "Saan? Kamahalan naman eh."
"SHH," hinigit ko ang laylayan ng suot niyang jacket at saka bumulong. "Seryoso ako, Mois. Talaga bang hindi mo mapapaandar?"
"Depende," bulong niya pabalik. "May konti pang gas. Konting-konti. Kailangan kong palitan yung baterya."
"Matatagalan ba?"
"Depende, wala tayong ilaw eh," nakabuburaot na bulong niya pabalik.
"Sige, bilisan mo. Gawin mo na. Iba na ang pakiramdam ko rito, eh."
"O sige." Bumaba na siya mula sa pagkakasakay sa motor ng traysikel at nagdahan-dahang binuksan ang compartment ng sasakyan. Nakagawa pa siya ng ilang palpak na ingay ng metal na nasagi bago nito matagumpay na mailabas ang Motolite na sa tingin ko ay bago pa.
"Tignan mo kung may parating."
Tumango na lang ako pero umirap. As if namang may ginagawa kaming masama kaso tama na naman siya. Baka may masama ang loob sa tabi-tabi at pagdiskitahan kami. Hindi talaga ako natutuwa sa nangyayari.
Mayamaya pa, may napansin akong kung anong gumalaw sa bandang malayo sa harapan. Mabilis ito at tila anino na lamang ang nahuli ko. Mas lalo akong kinabahan at ako ay nagsimula nang gumapang papasok sa loob ng traysikel habang iniiwasan ang mga kahon ng ube halaya at saka binuksan nang dahan-dahan ang compartment. Kinuha ko ang unang bagay na naabot ko. Liyabe.
Bumalik ako sa pagkakaangkas sa motor at bumulong. "Tapos na?"
"Last. Hinahanap ko yung negative."
May mga yabag na akong naririnig.
"Bilisan mo. May paparating."
May tinig na biglang pumalahaw sa hindi kalayuan at isang anino ng lalaking naka-cap ang nakikita sa dulo ng isang likuan. Nakapaninindig balahibo ito.
"Tago!" bulong ko at agad namang huminto si Mois at kaagad na umislayd patago sa kinaroroonan ko.
Kapwa kaming nagpipigil ng hininga dahil sobrang tahimik ng lugar na sa kaunting galaw lamang ay talagang malalaman mong may ibang tao rito. Mabuti na lamang pala at wala kaming gamit na ilaw.
BINABASA MO ANG
That Boystown Girl [COMPLETE]
Teen FictionAlam ni Ren na mahirap ang buhay na nag-aabang sa kanya simula pa lamang nang mamulat siya sa mundong hindi dapat niyang kalakihan. Gayunpaman, isa siya sa mga batang hindi nabigyan ng pagkakataong makasama ang kanyang magulang kaya naman siya ay na...