14

2.7K 73 3
                                    

CHAPTER 14

Boys and a Commoner

REN

HINDI KO MAN gusto ang pag-uutos niya ay hindi naman ako ganoong ka-tanga para hindi matukoy ang hindi niya pakikipagbiruan ngayong oras ding ito kaya naman wala akong sinayang na oras at kaagad kong sinampal ang switch na nasa kaliwang banda ko lamang.

Malinaw kong naaaninag ang imahe ni Knight sa tulong ng liwanag na nagmumula sa screen ng laptop niya ngunit hindi iyon nagtagal dahil maging ito ay itiniklop niya.

Hindi ko mawari ang pakiramdam pero sa tingin ko ay mayroong nalalaman si Knight sa paligid ko na hindi ko nalalaman. Gusto ko mang alamin ngayon ay hindi rin ako lalong ganoong ka-tanga para malamang hindi ito ang tamang oras.

Naghintay lamang ako ng susunod na mangyayari ngunit wala akong nahintay bagkus ay muli siyang nag-utos.

"You can turn it back on now."

As if it was nothing.

Ginawa ko na lang din at saka ako nagtungo sa aking higaan. "Ano bang ginawa mo?"

"I'm testing you whether you are smart enough to trust me when I tell you to do something."

I whirled my head towards him and stared murderously. "Pinaglololoko mo ba ako?"

"No," he said without looking back at me as he typed away in his laptop. "I mean what I said. Now I expect that you know the drill. When I told you to do something out of nowhere, do not ask why or ask again. Just do it, immediately."

"Eh bakit nga?"

"You'll know soon."

I was about to drop in bed when his phone rang and he did not mind answering the call in the room at all. "What do you need?"

There was a full pause until I heard him call me. "Call's for you."

"Ha? Ako? Bakit?"

Sa halip na sagutin ako nito ay inihagis niya ang kanyang cellphone sa kutson ng kama. "Just answer it."

"Sungit," pabulong kong saad bago damputin ang cellphone at saka sumagot. "Hello?"

"You really are very complicated. I wonder how my brother keeps up with you," bati ng pamilyar na boses mula sa kabilang linya. Hindi ko mapigilang mapatingin kay Knight ngunit tila ito walang pakialam habang nagpapatuloy sa pagtitipa sa kanyang laptop.

"Bakit mo ako hinahanap?"

"I can't contact you. I tried calling your number just a few minutes ago and I can't reach you. You also have no social media accounts. Are you from Ice Age? Now you made me take a step to contact my brother for you that would drive my mom mad if she found out that I did and I will be fuuuuucked like him. What can you do now?"

Napasapo ako sa aking noo sa pagratatat ng bibig ng batang ito. Hindi ako makapaniwalang bata ang kausap ko. Kung tototohanin kong suriin ang magkakapatid na ito, mas nakakatakot pa siya kay Knight.

"Speak, you commoner."

At hindi ko na napigilan pa ang bibig ko. "Hoy ikaw na bata ka! Sasabihin mo sa akin ang kailangan mo o ipatutuli kita nang hindi nalalaman ng magulang mo!"

"What's tuli?"

"Ah—eh! Sabihin mo na lang ang kailangan mo nang makatulog na ako!"

"Give me your contact info, you witch."

At witch ako ngayon?

"Wala akong maibibigay sa'yo! Matulog ka na!"

"You poor girl! Give me your address!"

That Boystown Girl [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon