CHAPTER 32
Boys and Balloons
REN
KINUMUSTA KO ANG lagay ni Jeya maging si Lolo sa text bago ako makasakay ng traysikel pauwi. Noong isang araw lamang kasi ay pumutok ang interior ng nasa harap na gulong ng aking bisikleta kaya naman hindi ko tuloy ito magamit sa pagpasok. Kailangan ko munang buuin ang ipon kong nakalaan talaga sa mga parte ng aking bisikleta bago ko ito maayos.
Hindi pa raw bumababa ang trangkaso ni Jeya ngunit umamin ang pinsan kong nagkaganoon siya dahil nalasing siya at hindi raw pala ito umuwi noong nakaraang gabi. Kailangan kong bumisita kapag nagkataon. Baka kung ano na ang nangyari sa kanyang hindi niya sinasabi.
Pinagbihis kaagad ako ni Knight pagkarating ko.
"Magjogging pants ka, kunin mo sa sampayan. Nilabhan ko na iyon kaninang umaga."
Nang makuntento na ako sa aking itsura ay kaagad akong lumapit sa kanya habang nagtitipa sa kaniyang cell phone. "Dalhin mo phone mo," aniya.
"Ayoko nga, baka mawala."
He placed his hand over my head and took a fistful before saying, "Baka tumawag si Lolo G. Paubos na battery charge nitong sa akin."
Ibinulsa ko na lamang upang wala nang away. "Saan tayo pupunta?"
"May fiesta malapit dito. We have a house helper who lives there and she invited me. Let's go and give her a visit."
Hindi na ako nakatanggi dahil gusto kong makadayo ng pista.
HINDI KO INASAHANG si Misis Melon ang aming dadalawin.
"Hindi ba siya tumitira sa inyo?"
"She goes home two days a week to check her plants," he shrugged as we sat down the couch. Isang sundalong Aleman ang asawa ni Misis Melon na namatay sa nagbagsakang mga gusali sa Cologne. Simula noon ay itinuon na lamang daw niya ang kanyang pansin sa pag-aalaga.
"Natutuwa akong makita kayo uli, Sir CK," nagagalak nitong sambit habang inilalapag ang mga mangkok at lalagyan ng mga pagkaing iniluto niya para sa pista.
Tumayo kaagad ako at saka siya sinundan sa kusina upag tumulong.
"Tulungan ko na po kayo," saad ko.
Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Misis Melon.
"Ren, natutuwa akong nahanap ka na ni Sir."
"Ano po?"
"Matagal ko nang inalagaan ang magkakapatid na iyan at bago siya ipadala sa Amerika, naghabilin siya sa akin. Babalik siya at hahanapin niya ang naiwan niya rito."
"Hindi naman po niya ako iniwan."
She hugged me tighter. "I know him better than anyone in his family, Ren. Huwag kang magsasawa sa ugali niya ha? Mabait iyan."
Hindi ako nakasagot dahil iniabot niya ang cake sa akin at saka dinampot ang pitcher ng iced tea bago umalis.
We ate while Knight and Misis Melon were catching up.
"Kung gusto ninyo, dito na kayo magpalipas ng gabi. May isa akong silid na hindi nagagamit pero lagi kong nililinis. May perya malapit dito, gusto niyong puntahan?"
Nagliwanag ang aking pakiramdam sa pagkakarinig ko ng perya. Hindi naman ako ang tipong enthusiastic sa activities ng perya. Natutuwa lang ako kapag may mga ganoong lugar na hindi palagiang mapupuntahan doon.
"Do you want to go?" Knight asked and I watched his eyes gleam in hope for me to agree. I didn't expect that coming.
I hummed and nodded like a kid.
BINABASA MO ANG
That Boystown Girl [COMPLETE]
Teen FictionAlam ni Ren na mahirap ang buhay na nag-aabang sa kanya simula pa lamang nang mamulat siya sa mundong hindi dapat niyang kalakihan. Gayunpaman, isa siya sa mga batang hindi nabigyan ng pagkakataong makasama ang kanyang magulang kaya naman siya ay na...