10

3.4K 63 7
                                    

CHAPTER 10

Boys and an Angry Mom

REN

Mistulang lunchbox ng ulam na hindi natatakpan nang maayos ang pagkakaawang ng bibig ko haba kong ipinoproseso sa aking isip ang sinabi ng mokong na ito.

Napatingin ako sa paligid, hoping na anytime magpakita na si Lolo Gramps kung joke man ito o kaya dumating na talaga siya by coincidence at iligtas ako sa pandurugas ng lalaking ito.

"What do you say?"

Hinintay kong sabihin niyang isang malaking biro lang ang sinabi niya o mga sinabi niya ngunit sa pagkakakilala ko sa kanya sa konting panahon lang, hindi ko alam kung dapat ko bang hintaying magbiro pa ang taong ito dahil wala lang akong mahihintay.

However, I was too good enough to give him the chance to realize that he is high. "Nababaliw ka na ba?"

He looked offended and it looked strange yet not "not genuinely" to me. "I'm not joking."

"At paano mo naman naisip na may mahihita kang sagot sa akin lalo na at paano mo nasabing papayag ako sa sinasabi mo?"

"I have no choice," he said in defeat. He then sank down the seat again and pressed his cheek down his palm. "Nag-away kami ni Mom."

"And what does it have to do with me?"

He did not look at me yet he looked as if he needs to really talk like this. I have never seen him like this before but oh, who am I to judge eh ilang araw pa lang naman kaming magkakilala o nagkakasalubong.

"Nothing really." He stopped for a while before letting out a huge sigh before getting up straight. "You know what never mind. I'll just go find some other ways to live away from that house."

And he walked away.

DUMATING SI LOLO Gramps ilang minuto lamang pagkatapos umalis ni Knight. Ako naman ay nagpatuloy na sa pagbababad ng mga puti sa batya bago magsaing. Bumili pala ng pang-ulam ang lolo at gusto niyang magpakbet.

"Ayaw niyo po ba akong turuang magluto niyan?"

"Asikasuhin mo na lang iyang kanin mo, Apo at hayaan mo na rin akong gawin ito. Namiss ko lang yung palagi kong iniluluto sa Boystown noon eh."

Hindi na rin naman ako umangal. Namiss ko na rin ang luto ni lolo at alam kong masaya siya sa ginagawa niya noon.

"Dito ba manananghalian si Knight?"

Natigilan ako sa pagtatanggal ng mga damit sa hanger upang muling gamitin sa pagsasampay dahil sa tanong ni lolo. "Umalis na po siya eh."

"Hindi na siya babalik?"

Tila ba nalungkot si Lolo sa pagtatanong niyang iyon. Gusto kong tanungin kung bakit parang lagi niyang iniisip si Knight kaso syempre baka nga dahil sa nasasabik lang siyang may bago akong "kaibigan" para sa kanya.

Hindi ko masisisi ang lolo.

"Hindi na po siguro."

"Hindi ka pumayag na makitira siya rito?"

Kasabay ng pagkulo ng kanin sa kalan ang aking biglang pagbaling ng tingin sa kanya.

He looked awkwardly grinning, waiting for my reply and he is trying to be the nicest asker he could be.

"Nagpaalam na po siya sa inyo?"

Napakamot ang lolo sa batok bago tumango. "Ang sabi ko naman eh kailangan muna niyang magpaalam sa iyo."

"Teka bakit po sa akin? At saka bakit sa akin lang? Si Jeya? At saka po mayaman yun. Malaki bahay nila. Di niya kailangang makipagsiksikan dito. Hindi niya kaya yung buhay natin."

That Boystown Girl [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon