Chapter 6
Boys and Network Services
REN
Ang sakit ng katawan ko. Kumikislot ang aking sintido at tumitibok ang aking noong tila ba may sarili itong puso. Iminulat ko ang mata ko at nakitang nasa kwarto namin ako ni Jeya. Ang kaibahan lang ay nasa ibabang kama ako.
Anong nangyari?
Sinubukan kong gumalaw ngunit ang batok ko ay sadyang tila namamanhid at ang lalamunan ko ay parang tuyung-tuyo at sobrang gasgas na halos nahapdi ang aking bawat paghinga. Mas pinaigting ko ang pagbalot ng aking katawan sa asul na kumot ni Jeya.
Napabalingkwas tuloy ako ng upo na siyang dahilan ng paglagutok ng likuran at pag-twitch ng hamstrings ko. Ang sakit! Ang hapdi rin ng balat ko lalo na sa talampakan. Mistula akong nasunog sa sobrang pamumula ng aking mga braso at binti. Nakakagulat ring nakasuot na ako ng pambahay.
"Jeya?"
Hindi ko sigurado kung nasa itaas na kama siya dahil may acrophobia ang pinsan ko pero nagbakasakali pa rin akong tawagin siya. Natigilan ako nang ibang boses ang sumagot.
"Good to hear you're awake now."
Garagal ang boses nito at halatang kagigising lang din. Ang malaking tanong sa aking isipan ay kung...
"Anong ginagawa mo rito?" pilit kong nilakasang tanong sa kabila ng sakit ng lalamunan ko. Ilang sandali pa ay hindi ko na kinaya kaya naman ibinagsak ko muli ang aking katawan sa higaan. Saktong humiga ako nang sumilip sa itaas ang pamilyar na nakangiting Tisoy.
"Hi," bati nito sa akin at saka muling ngumisi sa paraang may natural na biloy na kahit hindi niya pilitin ay lumalabas.
"Bakit ka nandito?" pabulong na nakapikit kong tanong. Nakuha niya sigurong hindi ako interisado sa pakikipag-usap kaya naman nagsalita na siya.
"Wag ka mag-alala," mabagal at slang na pagsisimula nito. Natawa naman ako sa aking isip. "Nagpaalam ako kay Lolo Gramps mo na dito muna ako pansamantala habang hindi ka pa okay. Si Miss Jeya ay katabi mong natulog kagabi para hindi ka na lamigin. Ang cute niyo while I was watching you two cuddle."
"Lamigin? Bak—Weh?" hindi ko mapaniwalaang tanong. Para kasing unti-unti nang nagkakakulay ang malabong alaala sa isip ko na kanina ko pa binabalikan.
Anong nangyari?
"Didn't you remember? You fell in the sculpture's tub. Hypothermia, I suppose. Buti na lang at naahon ka kaagad."
"Salamat kung ganoon," saad ko na siyang ikinakunot ng noo niya.
"Thanks for what?"
"Sa pag-aahon sa akin," I replied a matter-of-factly.
Nanahimik siya bago tumango na tila ayaw pa niyang gawin sa panahong iyon.
"Pero, Yel? Bakit naman ganoon kasakit yung yelong iyon sa balat? Ano bang meron doon eh asin lang naman?" tanong ko sa kanya lalo pa at talagang mahapdi ang balat ko. Hindi naman ako nabigo nang sumagot siya.
"Colloid-formed hydrofluoric acid in frozen crystals. Bukod sa mahirap matunaw, ang mixture na iyan ay madaling i-carve dahil gel ang substance at hindi clear water. Madaling i-finish ng artist at mabilis magdikit if ever na may mapuputol na parte ng carving. I'm sorry for what happened."
Napabuntung-hininga ako nang marinig ko ang acid. "Mamamatay na ba ako? Masusunog ang balat?"
Tumawa siya at saka umiling. "It's good to know na conscious ka pa rin sa sarili mo kahit na papaano but thankfully, kaunti lang ang nasa yelo. Mas marami ang asin kaya siguro feeling mo ay mahapdi. Mawawala rin iyan. Hindi ka mamamatay."
BINABASA MO ANG
That Boystown Girl [COMPLETE]
Teen FictionAlam ni Ren na mahirap ang buhay na nag-aabang sa kanya simula pa lamang nang mamulat siya sa mundong hindi dapat niyang kalakihan. Gayunpaman, isa siya sa mga batang hindi nabigyan ng pagkakataong makasama ang kanyang magulang kaya naman siya ay na...