CHAPTER 8
Boys and Bullets
REN
It was just a matter of millisecond to realize I am being dragged away from the street down to a narrow passageway. The light along the post lines were barely even helping my condition.
Sinubukan kong sumipa, umikot, magtatatalon-talon at sumigaw—ngumanganga para makagat ang may-ari ng kamay na nakasupalpal sa bibig ko pero masyado itong malakas at hindi man lang natitinag. Kunsabagay, nararamdaman ko ang tayo ng kanyang pisikal na katawan at mula sa likuran ko'y mapaghahalataang malaki ang katawan nito at matangkad. Paniguradong kapag ginusto niya ay mapipihit niya ang leeg ko nang walang kahirap-hirap kung nanlaban pa ako.
Nang makalayo na kami sa mga ilaw, iniharap ako ng lalaki sa kanya at ako ay nagulat nang makita ko ang Papa ni Kris. Hindi nga lang niya tinanggal mula sa pagkakahawak ang kanyang kamay sa aking bibig ngunit sapat na ang mababakas na kaseryosohan sa mukha niya para malamang may hindi magandang nangyayari sa paligid.
Bumulong ito na parang nagagalit, "Ano ang ginagawa mo rito?!"
Napakurap ako nang marahan sa sinabi niya. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para sulyapan ang suot niyang abuhing kamiseta, gusot na pantalon at putting bandana sa noo. Narinig ko ang pagkaluskos ng kung sino sa hindi kalayuan.
"Ren, anong ginagawa mo rito?" pakiulit niyang sabi sabay alog sa aking balikat. Tumaas ang kamay niya at tila may sinenyasan siya sa kung saan. Nang pakawalan niya ang bibig ko, sinamantala ko nang huminga nang malalim.
"Hinahanap ko po ang tropa," pakamot kong bulong sabay tanong ng, "Kayo po? Anong assignment niyo?"
Siya naman ngayon itong napahinga nang malalim at saka ako binulungan, "Wag kang maingay at baka mabisto kami. Umuwi ka na. Uuwi rin yung mga iyon." Mababakas ang pag-atubili niyang paalisin ako at hindi ko naman siya masisisi ngunit ang tanging bumabagabag sa isip ko ay...
"Sino nga po ang huhulihin niyo?"
Bago pa niya ako masagot ay biglang may sunud-sunod na mga motorsiklong humarurot sa kalsadang dinadaanan ko lang kanina. Napalawak ako ng tingin dahil sa aaminin ko, ang astig lang. Nag-iwan sila ng makapal na usok sa daan.
"Umuwi ka na, Ren. Trabaho namin ito," saad nito at saka ako iginiya papunta sa dulong bahagi ng eskinita kung saan may palikong daan patungo sa kalsada. Wala naman akong magawa kung hindi ang sumunod dahil alam kong wala din akong maitutulong at magiging sagabal lang ako kaya naman tumalikod na ako.
Ngunit bago pa man din ako makatapak sa kalsada—
BANG!
Biglang nagtalsikan ang sementadong kalye sa harap ko kasabay ng paglukso ko paatras at doon ko nalamang may nagtangkang magpaputok sa paa ko! O mas malala, sa akin mismo!
Hinila ako ni Tito Gil mula sa laylayan ng aking damit at dali-dali akong itinulak sa likuran ng mga nagkukumpulang mga drum, galon at lata. Hindi ko na napansin pang may kulang-kulang sampung undercover police na ang nasa eskinita at nagkakasa ng baril. Sinamaan ako ng tingin ng isa ngunit mababakas mong dahil ito sa pag-aalalang may sibilyang masasangkot sa engkwentro.
Bigla namang bumalik ang isip ko sa pagtalsik ng mga fragments ng natapyasang sementadong kalsada sa harap ko at doon ko na lang din naramdamang halos hindi na ako makahinga sa bilis ng tibok ng puso ko. Ang lakas ng putok ng baril na iyon at hindi ko maalis sa isipan kong MUNTIK NA AKO!
Kusang hinawakan ng kamay ko ang aking mukha nang mag-init ang mahahapding balat ng aking pisngi. Tatayo sana ako mula sa pinagtaguan sa akin ni Tito Gil pero nahiwagaan ako sa sobrang katahimikan. Tila nagpapakiramdaman ang magkabilang panig. Lalo tuloy akong kinabahan.
BINABASA MO ANG
That Boystown Girl [COMPLETE]
Teen FictionAlam ni Ren na mahirap ang buhay na nag-aabang sa kanya simula pa lamang nang mamulat siya sa mundong hindi dapat niyang kalakihan. Gayunpaman, isa siya sa mga batang hindi nabigyan ng pagkakataong makasama ang kanyang magulang kaya naman siya ay na...