CHAPTER 37
Boys and Sneezes
REN
HAWAK NIYA SA isang kamay ang aking buhok habang pinapampag ang likod ko. Hindi ko na naiabot pa sa banyo ang aking sikmura kaya naman isinuko ko na ito sa basurahang may garbage bag.
"Pwede mo na akong iwan," pilit ko sa kanya dahil kanila lamang ay nakaharap siya sa kanyang laptop at marahil ay nagtatrabaho o nag-aaral. "Kaya ko na rito."
"Kaya mo samantalang hindi mo maiabot sa banyo," humila siya ng gamit ko nang kamiseta sa laundry basket at saka ako tinulungang makaupo sa kama. Pinunasan niya ang aking tuhod bago lumabas ng silid.
Nagtext naman sina Garnett upang kumustahin ang lagay ko at sinagot ka na lamang din sila. Bumalik si Knight nang may dalang baso ng tubig at isa pang pitsel nito.
Uminom na rin naman ako nung gamot na binili ko noong isang araw kaya maaaring kailangan ko lamang ng pahinga.
"Palagi ka bang ganito?" tanong niya habang itinatali ang aking buhok. Hindi ko naman akalaing marunong itong magtali ng buhok ngunit naalala ko ring baka nga ginagawa rin niya ito sa kanyang kapatid kung kaya ganoon na lamang. "At saka ano iyang ininom mo?"
"Sanay na ako. Pampakalma ng puson," tipid kong sagot habang iniaayos ang nagulo kong higaan.
"Is that prescribed?"
"It's commercialized."
"You're a doctor now?"
"Jeez, chill."
"Anong side effects ng gamot mo?"
"Ewan ko. Gagaling yung sakit ng puson ko syempre."
"Side effects," he pressed and I couldn't ignore the demand in his voice. "You didn't research about it? What if it makes you infertile or something?"
Nataranta naman ako dahil nakikitaan ko na naman siya ng sintomas ng pagpapalit ng katauhan (if it's a thing for him).
"Bumalik ka na roon."
"I'm done. Kakainin mo pa ba ito?" he asked as he went through my backpack and showed me the lunch box.
"Hindi ko alam. Ano ba iyan?"
"Just friend rice and egg," he mumbled.
"Kainin mo na lang."
He looked at me and slightly frowned. Well, that was new from him. "I just jogged."
"And?"
"I can't put back weight that fast after sweating it out," he defended and placed my other stuffs back to the bag.
"Wala nga akong gana."
"Then how would that medicine you took take effect? I swear if you get liver damage or infertility for what you're doing to your body—
"Luto ka lugaw," putol ko sa kanyang panenermon at mukhang gumana naman dahil tinakpan niya ang lunch box at ako ay kanyang minasdan.
"You should know that I am not happy when you tell me what to do."
"I'll eat if you cook though," I bargained as I grinned despite the war going on in my stomach.
He loosened for a bit and hesitantly asked, "You'll eat this too?"
I nodded.
He then drew a massive breath before leaving the room with his phone as he typed away.
HINALUAN NIYA NG instant noodles ang lugaw na dinala niya sa kwarto. Umuusok pa ito mula sa mangkok at hindi ako lalong makakain dahil binabantayan niya ako.
BINABASA MO ANG
That Boystown Girl [COMPLETE]
Teen FictionAlam ni Ren na mahirap ang buhay na nag-aabang sa kanya simula pa lamang nang mamulat siya sa mundong hindi dapat niyang kalakihan. Gayunpaman, isa siya sa mga batang hindi nabigyan ng pagkakataong makasama ang kanyang magulang kaya naman siya ay na...