49

2K 46 0
                                    

CHAPTER 49

Boys and Boxes

REN

AS HE REMINDED, we drove to the station first thing in the morning.

The officers provided us with cups of coffee as LT Damaso filed us in with the latest updates of the case.

"So far, magtatatlong buwan nang hiwalay si Lim at Velez at hindi na sila nagkakausap pa. Wala kaming mahanap na koneksyon ng dalawa sa kaso mo Miss Apostol. Nakumpirma rin namin sa ka-dorm ni Lim na siya nga ang tumawag sa car renting agency pero hindi nga raw talaga nila nakitang dumating sa party si Lim na gamit ang sasakyang inabangan niya. Umamin na rin ang nakatakas na suspect na kinuha nila ang pagkakataong kunin ang kotse dahil sila naman daw dapat talaga ang rerenta niyon para pa rin magaya si Sir Romualdez. Sa sinabi niyang iyon, napag-alaman naming ilang linggo nang pinaplano ang pagdukot sa iyo. Ang mahirap alamin mula sa kanilang tatlo ay kung bakit ka nila dinukot at kung sino pa ang mga nasa likod ng nangyari sa iyo."

"Itutuloy namin ang kaso laban sa kanila," saad ni Knight. "Kung dito man matutuldukan at hindi na madadagdagan pa ang mahahanap ninyong detalye, mabuting mabulok sila sa bilangguan nang hindi na maulit ito."

"Hindi kami titigil sa pagresolba sa kaso, Sir. Hindi man kilala ng magkapatid at ni Lim ang mga suspect, hindi rin naman namin isinasantabi ang iba pang mga posibilidad. Ipagpapatuloy namin ang imbestigasyon. Hindi namin hahayaang ang mga ganitong criminal ang sumira sa dangal ng serbisyo namin," saad ni Lt Damaso bago ito magpaalam upang mag-asikaso.

Kaagad kaming umuwi at nag-almusal ni Knight matapos naming mabawi ang phone.

We talked about possibilities over the table and I certainly am not comfortable about what just happened.

"Naguguluhan ako. Ibig bang sabihin nito, dead end si Garen?"

"That's what happens when coincidences mingle with serious crimes. Hindi ka na magwowork out hanggang bukas para makapag-ipon ka ng pahinga. Huwag mo nang iisipin ang kaso. Kahit na anong mangyari—mapaamin man natin sila kung sino ang nasa likod nito o sila lamang talaga ang may balak na gawan ka ng masama, sisiguruhin kong hindi sila makakalabas ng kulungan."

"Wala ka bang gagawin ngayon?"

He was chewing on a large piece of meat when he looked up and said, "I'll just have two online courses today. I saw some movie posters on our way home. Wanna watch some kids' film?"

I thought about it and shook my head. "Let's just have some movie reruns so we won't have to spend money."

"You worry a lot about money."

"I don't worry about money. I worry about spending money. They were two different things," I replied as I sipped from my Milo.

"I worry about you," he mumbled before picking the pieces of carrots that I didn't like from my plate. He always eats my carrots.

"Why would you worry about me?"

"First, you're always close to danger. Second, you're attractive. Third, you applied for military yet you are not the type to actually obey."

"What in the world in danger and me being defiant made you worry?"

"Oh those are practically given. I'm actually more seriously worried about that reason you ignored."

"Reason?"

"I also said that you're attractive," he smugly said before finishing up his breakfast.

He had that smirk on his face even as he rose to his feet and slowly marched his way to the rom, looking at me like I'm about to say something really embarrassing on my side.

That Boystown Girl [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon