CHAPTER 52
Boys to Men
REN
THEY WERE WEARING their own version of annoying grins as if they were silently telling me, "You thought we forgot about this day, huh? Silly."
Hindi ko na talaga pinigilan ang maiyak sa aking nakita.
Knight pushed my back so I could move forward and finally find some energy to walk and then later on, run towards them. I look like a kid who was excited to get lifted off my feet and spun around the air. And maybe if I were actually just a kid, these guys would have been perfectly okay with that.
"Lolo!" I jumped at him and hugged his body as tight and careful as I could.
Natawa ito sa aking biglaang pagyakap bago niya ako tapikin nang ilangbeses sa aking likuran. "Ang cute naman ng birthday costume mo, Apo," puri pa nito sa aking pantulog na may prints ng ulo ni Hello Kitty. Naalala ko tuloy na ito ang binili niya para sa akin nang minsang mapunta siya sa Divisoria. Alam na alam ng lolo ang aking sukat.
Hugging the person who stood up to be my mother and father—who loved me like I'm his real child was the most fulfilling thing I could ever have. I melted under his arms and realized, "Ang swerte ko sa inyo, Lo."
He pulled me away from him with a huge and proud smile and said, "Hindi moa lam kung gaano mo pinasaya ang dati ay walang pag-asa at madilim kong mundo, Apo."
Kris then interrupted and said, "Lo, bumalik na kayo sa cottage. Maginaw po rito sa labas. Susunod na po kami."
Hindi ko maintindihan ngunit tumawa ang aking lolo at nahuli ko pa itong kumindat sa mga kaibigan ko. Bago pa ako makapagtanong ng nangyayari ay nagpaalam na siya palayo.
"Now, you're all alone with us."
Hindi ko masiguro kung sino sa kanila ang nagsalita ngunit maaaring huli na para makatakbo ako kung may masama na naman ba silang prank sa akin dahil nakapalibot sila at tila walang balak na paalisin ako. May isang metro ang layo nila sa akin ngunit nararamdaman kong hindi talaga nila ako balak patakasin.
"Ano naman ang balak niyo ngayon?"
Napakunot lalo ang aking noo nang makita kong maglakad din palayo si Knight papunta sa mga bangka. Hindi ako makapaniwalang kasabwat pa yata siya ngayon ng mga kumag na ito!
"Ren," tawag sa akin ni Caloy na ngayon ay nakadamit nang maluwang kagaya ng lahat. Mukhang handa silang makipaghabulan kahit na anong oras at hindi nga ako nagkamali. "Do you want our gifts?"
Nagliwanag ang mata ko at saka kaagad na sumagot. "Oo naman syempre!"
Nagtawanan sila at saka nagsimulang lumayo sa akin. "Then come chase us!"
Hindi ko na namalayan kung kailan ko sinipa pahubad ang mga tsinelas kong may tainga ng kunehong bigay ni Knight ngunit hindi ko maramdaman ang pagod sa tuwang iginagawad ng mga kaibigan ko dahil nakikita kong nag-eenjoy sila sa ginagawa nila.
Napansin ko ang tila ba paisa-isa nilang distansya at hindi naglaon ay nahuli ko si Xyve nang dahil siya na mismo ang huminto. Hawak nito ang kanyang tagiliran at hirap na hirap na habulin ang kanyang hininga.
"Damn it. Knight must have trained you so well. Ang sakit sa bagang tumakbo habang maginaw," he said as he gasped for air. He was having the red neck and cheeks as if he had been playing basketball.
Hinawakan niya ako sa braso at saka niyakap nang mahigpit.
"Madam First Lady," he whispered in between his breaths and that triggered my memory of him back when we were in junior high school. "Naalala mo pa nung ipagtanggol mo ako sa kahihiyan sa school?"
BINABASA MO ANG
That Boystown Girl [COMPLETE]
Teen FictionAlam ni Ren na mahirap ang buhay na nag-aabang sa kanya simula pa lamang nang mamulat siya sa mundong hindi dapat niyang kalakihan. Gayunpaman, isa siya sa mga batang hindi nabigyan ng pagkakataong makasama ang kanyang magulang kaya naman siya ay na...