EPILOGUE

3.2K 53 2
                                    

EPILOGUE

P.S. Boys Again

REN

Knight dropped me to the Liaison Office before leaving with his Mustang, not missing to warn me that he won't forget about how I pulled Duke for a kiss. He wouldn't take it as a thank you kiss and he wouldn't even take it as a random kiss on the cheeks. Instead, he told me to keep learning self-defence so I could beat him to all his future plans.

I met lots of future lady generals by the first minute I set foot on the place.

"Gwapo ng boyfriend mo. Hindi ba siya nag-apply?" asked my bunkmate, Andrea who came all the way from Cagayan de Oro to take the exams. It's been the second day and I am still not used to the feeling of moving around the barracks with this bunch of pretty, smart and strong girls who treat each other like long-lost sisters.

"Hindi ko siya boyfriend. Pero Lieutenant Colonel ang mama niya," sagot ko naman habang naghuhubad. Dito ko natutunang maligo nang ilang segundo habang may kasabay.

Andeng whistled as if she doesn't believe me but said nothing.

Wala na yata kaming inisip na hiya dahil kung tutuusin, kapag nakapasa kami ay hindi rin namin ito maiiwasan.

"Hindi mo ba ipatatanggal iyang tattoo mo?" tanong ni Ate Rosemar nang humarap na ako sa kanila.

"Bawal po ba?"

"Abangan na lamang natin ang matatanggap mong compliances," saad niya. "I think I have seen that pattern somewhere though. Saan mo pinatattoo iyan?"

"Ah, since birth po, may ganito na ako kaya hindi ko alam."

She did a double take on my dragon claw tattoo before dropping the subject.

Malaking tulong ang naging kasama ko sila dahil si Ate Rosemar ay second timer na sa pag-aapply at binibigyan niya kami ng mga kaalaman sa mga aasahan naming mangyayari sa limang araw naming pananatili sa Liaison.

Pangatlong araw nang maramdaman ko ang pagod sa sunod-sunod na araw na maagang paggising upang makaligo sa limitadong bilang ng magagamit na palikuran. Maging ang pagkain sa mesa ay may mga nakalaang command. Natuto akong tumayo nang napakatuwid maging umupo nang parang poste sa dulo ng upuan.

Hindi biro ang morning exercises.

There were series of medical exams that we underwent at hindi ko inasahan ang aking mararanasan sa Ob-Gyne. Hindi naman sa sinasabi kong nakakatakot pero nakakabigla. Inisip ko na lamang na nararanasan din ito nina Andrea at Ate Rosemar kaya hindi ako nag-iisa. Paglabas ng pintong iyon ay nagtatawanan kami habang pinipigilan ang mapatakbo sa banyo. Pagkatapos niyon, nagkaroon kami ng HIV counselling.

However so far, the experience was one of a kind. I met a lot of girls who really are passionate to be future lady generals and I am so inspired by their stories.

Marami kaming mga papel na sinulatan at sa hulng dalawang araw ay magkakaroon ng Neuro-Psychological at Physical Exam. Kinabahan naman ako ngayon, sa ikatlong araw dahil ngayon ako maissalang sa Aptitude for the Service Interview.

Hindi naging madali.

Inakala kong matindi na ang pagpapahirap sa akin ni Knight ngunit ngayon ko napagtantong wala pa sa kalingkingan ng aking mga kasama ang naging mga paghahanda nila upang makapasa.

"Fourth time ko na rito," kwento ni ate Nicole na naka-barber's cut. She's an accountant now and she still wants to enter the Academy despite of her good salary. She says that it's an ultimate dream.

Naging kasanayan na ng lahat ang maghiraman ng hair gel at kung anu-anong mga gamit kapag may mga sasalang sa ASI dahil halos lahat ay kinakabahan para sa mga sasalang. Parang kami pa ang hindi makahinga habang naririnig namin ang kanilang mga malalakas na boses na nagrereport for interview sa ibaba ng barracks.

That Boystown Girl [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon