CHAPTER 4
Boys and Roses
Naglakad na ako nang walang kasama. Sobrang tahimik ng hallway na ito at kahit pa sabihin mong maliwanag ay nakakatakot sa kawalan ng tao. Lumiko na ako at doon ko na nakita ang isang pintuang may signage na 'restroom'.
Kaagad kong isinabit ang isusuot kong uniform ng food server at saka binuksan ang pinto. Tumambad sa akin ang masikip na silid na may isang salamin sa isang pader, isang sink, at isang cubicle.
"May tao po ba?" tanong ko sa pagbabakasakaling baka may tao pa sa cubicle. Nang wala namang sumagot, kaagad ko nang isinara ang pinto at pumasok sa cubicle.
Kaagad akong nagsimulang maghubad at magbihis nang marinig kong may mga paparating. Maingay sila. SILA. Marami at nagtatawanan. Mga lalaki. Bigla akong napahinto para makiramdam pa nang kahit saglit. Sa tingin ko ay nasa labas sila ng pinto kaya naman bago pa may makapasok, mas pinaspasan ko pa ang magbihis. Kaso ang damit, tangina lang pare! Ngayon ko lang napansin!
Pencil skirt!
Napatulala ako at tinignan nang maluha-luha ang palda. Ang iksi... Nanlulumo akong tignan ito. Paano pa kaya kapag suot ko na?
Paniguradong papunta na rito si Mois dahil dito sa likong ito ang may CR. Baka matulungan niya ako. But then again...
Ano naman ang maitutulong niya? Makikipagpalit ka sa kanya para sa iyo ang slacks at siya ang magpapalda?
Napangawa nga ako nang hindi ko namamalayan at ang pagtatawanan sa labas... biglang huminto. Napatakip tuloy ako ng bibig.
May kumatok sa banyo.
"Who's there?" tanong ng isang lalaki.
Halos hindi ako makahinga nang maayos. Pinagpapawisan na rin ako.
"Dude, sure ako may nag-moan!" saad pa ng isa.
I immediately whipped my head upon hearing that. Pero nang marinig kong bumukas ang pinto, kaagad kong pinindot ang lock ng cubicle at binilisang isuot ang paldang sing-iksi lang yata ng pinakamahabang palda ni Jeya. Jusko, yung hita ko, naka-expose!
Narinig ko ang pagpasok ng isang lalaki sa banyo at hindi ko sinasadyang madiinan ang flush. Napasapo tuloy ako sa noo at saka sinermonan ang sarili sa aking utak.
Bigla na lamang ibinalibag ng lalaki ang pinto at saka ito ini-lock.
Tumunog tuloy ang alarm sa utak ko dahilan para mas lalong tumaas ang tension sa paligid.
Tanga! Kahit hindi ka pa magsalita, alam na niyang may tao dahil sa katangahan mo! I-flush mo na lang din kaya yang sarili mo, Ren?
Mayamaya pa, naglakad ito ulit. Mabagal pero alam kong dito ang tungo niya. Nakita ko ang paghinto ng mga sapatos niya sa maliit na awang ng pinto ng cubicle. Napahigpit ang hawak ko sa mga hinubad kong damit.
"Open this door," saad niya at tila ako ay naalarma. Bakit ko naman bubuksan ang pinto?! Ano ako? Bobo?
"Ano, dude? May babae ba diyan!?" sigaw ng kung sino sa labas ng pinto.
"Listen, Miss. Alam kong nandiyan ka dahil natatanaw ko ang buhok mo mula rito. At kapag hindi mo binuksan ang pinto ngayon din, baka pumasok ang anim na lalaki dito ngayon at hindi ka na makakalabas nang hindi nabubuntis dahil siguradong hindi ko sila mapipigilang lahat." Natayuan ang balahibo ko sa sinabi niya.
"Papasok na ba kami? May susi rito!" saad ng nasa labas at ako ay naalarma. Inilapat ko ang isa kong kamay sa knob. Narinig ko naman ang pagclick ng knob sa kabilang pinto hudyat na na-unlock nga nila kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na buksan ang pinto pero nagulat na lang ako nang itulak ako ng lalaking hindi ko man lang nagawang tignan sa mukha bago siya sumunod na pumasok din sa cubicle at muling ini-lock ito.
BINABASA MO ANG
That Boystown Girl [COMPLETE]
Teen FictionAlam ni Ren na mahirap ang buhay na nag-aabang sa kanya simula pa lamang nang mamulat siya sa mundong hindi dapat niyang kalakihan. Gayunpaman, isa siya sa mga batang hindi nabigyan ng pagkakataong makasama ang kanyang magulang kaya naman siya ay na...