2

5.3K 94 3
                                    


CHAPTER 2

Boys and a Viral Video

*REN*

Iyak ako nang iyak. Hindi ko maintindihan ang magkamayaw na tao sa paligid ko. Nakatingala ako at pinipinda ang kanilang mga mukha. Ang lakas at ang pangit kong umiyak.

Bakit? Bakit ayaw niya sa akin? Bati naman kami ah?

Hindi ko na mapigilang mapabunganga sa iyak dahil nagawa kong maglayas nang dahil sa kanya. Bakit ko siya sinunod? Bakit ako lumayo?

Hindi ko maiwasang magbakasakaling bumalik ako sa lugar na iyon pero hindi ko na kilala ang daan. Pista pa ng Poong Nazareno at nandito lang naman ako sa banda kung saan malapit nang daanan ng andas. Hindi ako makagalaw kahit na alam kong masasaktan ako kung hindi pa ako tatabi. Sa dami ng tao, pwede akong mapisak nang walang kalaban-laban.

Mayamaya pa'y may bumuhat sa akin at kilala ko kung sino iyon. Napatingin ako ngunit wala akong kakayanang magsalita. Hinawi niya palayo sa aking pisngi ang princely cut kong buhok na siyang uso noon sa mga batang lalaki sunod sa Star Circle Kids Quest na contender na si Quintin.

"O, Jack. Nandito ka lang pala. Kung saan-saan kita ipinagtatanong," saad nito at ako ay pinatahan sa pag-iyak. Dinala niya ako sa karinderyang nasa tabi ng kalsada at saka ako pinakain nang pinakain ng pansit na may maraming suka.

"Lolo, totoo po ba yung sinabi ni Hans?" maluha-luha kong tanong habang nakasupalpal pa sa bibig ko ang repolyo at carrots.

"Ang alin, Apo?"

"Makasarili raw ako. Hindi raw niya ako gustong maging kapatid," nanginginig ang aking bibig habang nakatingin ako sa kanya.

Naghintay ako ng sagot. Eksaktong dumaan ang andas ng Poon. May sinabi si Lolo pero sa ingay ng mga tao, wala akong narinig.

Nagising ako nang alas-kwatro ng madaling araw pero ako ay nagulat nang nakatayo na tila isang istriktong sundalo sa harap ng pinto si Jeya at ako ay pinamaywangan pa. "Ren! Hindi mo sinasagot ang selpon mo kahapon."

"Naiwan ko—

"Nakalimutan mo ang promise mo!"

"Anong—

"Di bale! Maligo ka na at ngayon mo iyon tuparin!"

"Ang alin?!"

Imbes na sumagot ang babae sa aking tanong, dali-dali niya akong sinampayan sa ulo ng tuwalya at saka kinaladkad patungo sa banyo. Siya pa ang nagsara nito. "Pagkatapos ng sampung minuto, dapat tapos ka na. Kapag hindi pa, wala akong pakialam. Basta papasok ako diyan at kakaladkarin na kita paalis dito."

"Ano na naman iyan mga apo?" rinig kong saad ni Lolo Gramps sa labas. Napailing na lang ako at sumunod. Alam ko rin naman kasing gagawin niya talaga gaya ng sinabi niya noon sa akin noong Grade 8 kami na dapat ang first kiss ko ay yung siguradong nagmamahal sa akin. Alam niyo ang ginawa? Hinila ako sa cafeteria at doon ako hinalikan! Sa lips, mga pare! Kaya nagkaroon dati ng mas malakas na bulungan na tomboy ako. Excuse me lang. Boyish ako, oo pero tomboy? Hindi naman siguro. O, ewan ko rin?

Noong kabataan ko kasi lalo na noong nagsimula akong papasukin ni Lolo Gramps sa eskwelahan, pinanatili ko ang mala-lalaking gupit at pananamit ko. Marami ang nakapagsasabing bagay ko raw ito at ako ay pinagkakaguluhan pa ng mga kaklase kong babae noong hindi pa nila alam na babae ako. Crush ng bayan ako noong elementary ng mga babae dahil ang sabi nila, ang gwapo ko raw. Hindi ko rin naman maitatangging may katotohanan ang mga sinabi nila dahil kung tutuusin, marami na ring nagsabi sa amin noon na mas gwapo pa raw ako sa ginugwapo nilang si Hans—ang kababata ko... noon.

That Boystown Girl [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon