21

2.4K 63 4
                                    

CHAPTER 21

Boys and Boss Master

REN

"I'm serious here," she pouted, looking as to nearly having to cry.

Hinilot ko ang sintido ko at saka muling inalala kung bakit ako nagpapaipit sa mag-iina.

"Please? You're his only friend. He may even confide in you in the future about it," pamimilit nito.

"Hindi po kami magkaibigan," mahinahong pagtatama ko sa kanya ngunit hindi niya ito pinakikinggan bagkus ay patuloy siya sa pangongonsensya sa akin sa pamamagitan ng pagngunguso at pagbabantang iiyak anumang oras. Ngayon ay hindi ko tuloy masisi kung ganoon ang kilos ni Knight kapag lasing. Baka saka lang niya naeexpress ang ganoon trait na nakuha niya sa mama niya kapag nasa state siya ng mababa ang consciousness.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit ko iniisip na bading ang anak ko?"

Nagtaka ako sa biglaan niyang tanong ngunit kaagad din naman akong umiling. "Wala naman pong kaso kapag ganoon nga hindi po ba?"

Napakamot ito nang marahan sa kanyang ulo bago ngumisi nang mahinhin sa akin. "Actually, wala naman talaga. Kaso may mga punto akong pinanghahawakan kaya ko dapat malaman ang totoo para alam ko ang gagawin para maprotektahan siya."

Napadiretso ako ng upo sa sinabi niya. "Nasa panganib po ba siya?"

She waved her hands toward me and denied my assumption. "Hindi sa ganoon. Pero maaari nating sabihing para sa kanya at sa ibang tao, hindi iyon makabubuti. Unang punto ko, nalalapit nang mapagpasyahan ng asawa ko kung ipagkakasundo siya sa kung sinong tituladong hipokritang anak ng kung sinong mayaman diyan sa tabi-tabi. Naku, ayoko namang mangyari iyon sa mga anak ko. Gusto ko, pagtanda nila, may pera man sila o wala, mapuno ng pagmamahal ang mga puso nila."

Hindi ko siya masundan kung bakit niya ito sinasabi sa akin pero nang mapansin niya ang aking pag-aalangan sa pakikinig sa kanya, tila shinort-cut na niya ang pagkukwento.

"In short, para maiwasan ang arranged marriage, mas mamabutihin ko na lamang na alamin ngayon kung bakla ang anak ko kaysa naman sa itulak siya ng magaling niyang ama sa entitled hypocrites na aali-aligid lang diyan."

It took me all my strength to hold my laughter in my mouth. I like her.

"Kung mapatunayan namang hindi siya bakla, edi ipaglalaban ko siya sa ama niya. Pero may chances talagang bakla ang anak ko eh," pamimilit nito.

"Bakit naman po ninyo nasasabi 'yan?"

"Kasi ang sabi sa akin ng mga pinsan niya noong nasa New York pa siya kasama nila, kapag nalalasing siya, lagi siyang may binabanggit na pangalan ng lalaki. It's like he was asking for the boy to come back to him. Minsan naman, nagmamakaawa siyang huwag siyang iiwan. They couldn't tell me the name but it doesn't matter."

There was a meaningful silence between us for a moment.

When the designer finally entertained Ma'am Charlotte in person, I was surprised with what he gave her. It was a pair of combat shoes. I looked up at her and she noticed the alarm on my face. Natawa ito.

"What do you think am I doing for a living? Palamunin sa asawa?" she then held out a card to me and said, "Think about it, Ren. In exchange, you can call me for anything. Just call me and I'll fly to you right away."

Tahimik akong bumyahe pauwi. Tumanggi na ako sa alok niyang tanghaliang muntik pang hindi ko matakasan, mabuti na lamang at may mahalagang itinawag sa kanya. Tinitigan ko nang maigi ang card sa aking palad.

LtC Charlotte Yyoni Tiu-Romualdez.

Damn, she's hot.

Nakasalubong ko si Lolo sa labas ng bahay at meron siyang bitbit na backpack. "Saan ka pupunta, Lo?"

That Boystown Girl [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon