PASAKALYE

299 8 4
                                    

xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx

PASAKALYE

xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx





Nasaktan ako dahil nagmahal ako.


Isang taon na ang nakakalipas pero bigo pa din ako. Bigo akong kalimutan siya.





"Sorry pero hindi na kita Mahal! Tigilan na natin to." tumalikod siya kahit na alam niyang nakaluhod ako sa harap niya't umiiyak. Hindi man lang naawa. T.T




"Nasaan na ang mga pangako mo??. Mahal na mahal kita at alam mong ikaw ang buhay ko." pasigaw kong binibigkas ang mga katagang ito habang nakikita kong papalayo na siya sa akin.




Siya si Kentrix Sandoval. Ang highschool sweetheart ko. Almost 5 years din kami naging mag-on. Akala ko nga noon siya na ang lalaki para sa akin. Masaya naman kami sa itinatakbo ng aming pagsasama pero siyempre wala namang perpektong relasyon diba? May mga alitan din kami paminsan-minsan na kaagad din namang naaayos. Punong-puno kami ng mga pangarap. Pangarap na unti-unting nagiba. Wala akong maisip na dahilan para talikuran niya ako. Basta ang alam ko sinira niya ang mga pangako niya sa akin.

Sobrang sakit! Mahal na mahal ko siya at hindi ko siya kayang mawala. Sinikap ko pang sagipin ang nalulunod naming pag-ibig pero hiniling niyang iwan ko na siya dahil nanlalamig na talaga siya sa aming relasyon. Hinayaan ko siyang makawala sa akin kaya hinanda ko na din ang sarili ko na palayain siya kahit gaano pa kasakit sa akin ang lahat. Ibinigay ko ang kalayaan niya at ang tanging pakiusap ko lang sa kanya ay huwag niya akong kakalimutan.

Pero isang taon na nga ang nakalipas, ni anino man lang niya ay hindi ko nasilayan.

Mahirap sa isang relasyon kung ikaw na lang ang nagmamahal. Mahirap ipakitang masaya ka sa kabila ng iyong pagdurusa. Mahirap magbingi-bingihan para lang tanggapin ang lahat ng kanyang ninanais. Masakit pero kailangan mong i let go ang taong ayaw na sa iyo.

Dahil dun, hindi ako makatakas sa sakit na idinulot ng pagkawala niya dahil sa bawat araw na lumilipas, ramdam ko pa rin na mahal ko siya at umaasang magbabalik siya. Naghintay ako sa kanya.

Naghintay lang ako sa wala.

Malinaw pa din sa akin ang bawat pagkibot ng kanyang bibig habang sinasabi niyang hindi na niya ako mahal.

Hindi pala ganun kadaling makalimot? Lalo pa kung, halos ibinigay mo na sa kanya ang lahat-lahat.

Sabi nila , Lilipas din iyan.

Pero kelan? Hanggang kelan ba ako magdurusa sa mga ala-ala niya at palayain ang puso kong maghanap ng iba.

MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon