We're all excited sa paglabas ni baby. Almost two weeks na lang kasi due date ko na. Pwedeng mapaaga ang panganganak ko or pwedeng after ng due date ko. Inimpake ko na ang mga dadalhin namin sa hospital para anytime na sumakit ang tyan ko eh ready na kami. Hindi kung kelan andyan na saka pa lang ako kikilos.
About naman sa parents ni Iori, nagkakilala kami thru net. Hindi pa daw sila makakauwi kasi may mga trabaho pa silang dapat asikasuhin. Parehas kasing nagwowork abroad ang parents niya. Pero nangako naman sila sa akin na gagawa sila ng paraan na makauwi sa araw ng kasal namin.
Speaking of kasal. Na surpresa ako sa set up ng pagpopropose nya sa akin. Wala kasi akong idea na magpopropose na pala siya.
[ FLASHBACK ]
"Yenoh, samahan mo naman ako sa bahay, may kukunin lang ako. Okey lang ba?" tanong niya sa akin.
"Eh wala sila Mama at Papa eh may pinuntahan. Ikaw na lang kaya? Saka wala akong samud umalis ngayon ng bahay." sagot ko naman sa kanya habang nakatutok ang mga mata ko sa t.v.
"Please?!" pagmamakaawa niya. Luluhod na naman sana kaya lang pinigilan ko.
"Yan ka na naman. Alam na alam mong mapapapayag mo ako kapag umaarte ka na ng ganyan eh." sumimangot akong saglet pero ngumiti din naman kaagad.
Matamis na ngiti lang ang ibinalik niya sa akin. Agad din siyang tumayo at umupo sa tabi ko.
"Ngayon na ba?!" tanong ko
"Oo sana eh!" napakamot siya sa ulo habang nakangiti.
"Okey sige mag-aayos na ako. Itext mo pala muna sila Mama na aalis tayo. Baka kasi hindi nila nadala ang susi nila." tumayo na ako at dumiretso na sa kuwarto.
After 1 hour, Lumabas na ako sa kuwartong nakagayak na.
"Tara na? Ano nga palang sabi ni Mama?" pag-uusisa ko.
"Ou daw. Buti na lang daw at nadala nila yung susi. Akala ko nakatulog ka na eh?!" sagot niya sa akin at todo ang ngiti. Tumayo na din siya at ibinulsa niya ang cp niya. Pinatay ko na ang tv at sabay na kaming naglakad patungo sa pintuan. Dinobol check ko pa muna ang pintuan kung nailock ko.
Paglabas namin ng gate, may dumaan na taxi kaya pinara niya ito. 45 minutes din ang lalakbayin namin patungo sa kanila. Hawak niya ang kamay ko at tahimik lang kaming nakamasid sa daan. Ewan ko ba bakit parang kinakabahan ako. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang kumabog ang dibdib ko. Pupunta lang naman kami sa kanila. Pero sa huli, binalewala ko ang kabang yun at nilibang ko ang aking sarili sa mga nagkikislapang ilaw sa labas.
"Dito na lang po kuya!" para niya. Medyo napa-abante pa ng kaunti ang taxi kaya hindi kami mismo sa tapat ng gate nila nakababa. Sinilip niya ang metro ng taxi at dumukot sa wallet niya ng pera. Nauna siyang bumaba at nagmamadaling naglakad patungo sa kabilang side para pagbuksan ako. Pagbukas niya ng pinto ng taxi agad niyang inilahad ang kamay niya para tulungan akong makababa.
Habang naglalakad kami, yung isang kamay niya nakahawak sa kamay ko at ang isang kamay niya ay abalang pumipindot sa keypad ng cp niya. Binalewala ko yun at diretso lang ang tingin ko sa daan.
Madilim sa buong kabahayan at ineexpect ko na yun kasi wala namang tao. Pagkabukas ng gate at saktong paghakbang ko, may narinig akong kumakanta. Medyo malayo ang dinig ko kaya iniisip kong baka sa kapitbahay niya lang yun na nagvivideoke.
"Hindi mo man lang ba bubuksan yung ilaw?!" tanong ko.
"Saglet at pupuntahan ko na muna ang main switch." Iniwan niya akong nakatayo. Habang tumatagal, palapit ng palapit ang boses ng kumakanta. Naalala ko bigla, paboritong kanta yun ni Iori ah. Sinabayan ko pa yung kumakanta.
BINABASA MO ANG
MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]
Teen FictionSana dalawa ang puso noh , para hindi lang isa ang pwedeng mahalin .. :) Para sa iyo , sino ba ang pipiliin mo yung taong mahal mo pa din pero minsan ka na niyang nasaktan ng hindi mo alam ang dahilan O yung taong mahal ka pero nag-aalangan ka nama...