Ang aga kong umalis ng bahay para mag-aaply sa isang kilalang fastfood chain. Hindi ko kabisado ang lugar kaya malamang magtatanong tanong na lang ako.
"Excuse me! Dito ba yung....." Lumingon sa akin yung lalaking nakatalikod
Nanlaki ang mata niya. "Ikaw?"
Kung nagulat siya mas nagulat ako sa kanya. 0___0
Of all people, bakit siya pa ang nakita ko.
Bumilis ang pintig ng aking puso at halos mabingi ako sa lakas ng pagtibok nito. Nasisilaw ako sa mga mata niyang nakatitig sa akin. Gusto kong tumalikod pero halos di ko maigalaw ang mga paa ko.
Ngumiti siya. "Hi!"
Aba at may gana pa siyang ngumiti sa akin.
Naiines ako sa sarili ko dahil heto na naman ako, napapatanga sa kanya.
Hindi ko tuloy alam kung ngingiti ba ako sa kanya o yuyuko na lang.
Sa huli, nakapag desisyon akong ngumiti na lang din baka isipin niyang hindi pa din ako maka get-over sa kanya kahit yun naman ang totoo.
Isang pilit na ngiti.
Masama ang loob ko sa kanya. Pero alam ko sa sarili ko na mahal ko pa din siya.
"Hello." Bati ko sa kanya. Lumingon ako sa iba para hindi niya makita ang pamumula ng aking pisngi.
SHiT! Bakit ganito ang nararamdaman ko. Yumuko akong bigla dahil tila may gustong bumagsak sa mga mata ko. At ayaw kong mangyari yun sa harapan niya.
"Okey ka lang?" habang hinahawi niya ang mahaba kong buhok na tumabing sa aking mukha.
Iniangat ko ang ulo ko at bumaling muli ang tingin ko sa kanya. "Okey lang ako! Don't mind it!" sabi ko.
Tumango-tango siya. "Mag-aapply ka din?"
Inayos ko ang buhok ko at ikinawit sa tenga ang ilang hiblang kumawala.
"Yup!" maikling sagot ko.
"Tara na, magpasa na tayo ng resume." Aniya
Hahawakan niya sana ang kamay ko pero agad ko itong iniwas. Ayaw kong magdamping muli ang aming mga balat dahil baka hindi ako makapagpigil at mayakap ko siya.
Nagpatiuna akong maglakad. Malalaking hakbang ang ginawa ko para hindi niya ako masabayan.
Huminto ako sa tapat ni manong guard at iniabot ko ang resume ko.
Sinabi ni manong na hintayin ko na lang na matawag ang pangalan ko. Maya maya lang din naman daw ay magtatawag na siya. Nag aboutface na ako at naglakad ulit pabalik. Hindi ko siya nililingon kahit na naririnig ko ang mahina niyang pagtawag sa akin.
"Leeana, Hintayin mo naman ako." pasigaw niyang sinabi.
Siguro naisip niyang baka hindi ko naririnig ang mahina niyang boses. Ako pa, namiss ko ang boses na iyon at kahit pabulong pa niyang tawagin ang pangalan ko ay maririnig ko pa din yon.
Sa sulok ng mata ko, napansin ko pang nagulat ang ilan sa mga kasama naming nag-aapply.
Taeng yun. Parang wala lang ah. Kung makatawag siya akala niya pag-aari pa din niya ako. Napasimangot tuloi ako habang naglalakad.
Sa totoo lang, gusto kong makasabay siya at makasama ng matagal kaya lang sa isang sulok ng isip ko, bumalik sa ala-ala ko ang lahat. Kung paano niya ako binalewala. Kung papaano niya ako pinahiya. Galit na galit ako sa kanya dahil pinagmukha niya akong tanga.
Saglit akong lumingon sa gawi niya para lamang irapan siya. Tapos lalo kong nilakihan ang mga hakbang ko para hindi na niya ako maabutan sa paglalakad.
Pasalampak akong naupo sa isang di kalakihang bato. Mula dun alam kong maririnig ko pa din ang boses ni manong guard.
Kinuha ko ang phone ko at kunwaring may tinetext dahil naramdaman kong nakatayo na siya sa tapat ko.
Umupo siya sa tabi ko na tila hindi mapakali. Panay kasi ang galaw ng kanang hita niya.
"Kamusta ka na?" Tinukod niya ang mga kamay niya sa kanyang hita at sinilip niya ako. Titig na titig siya sa akin.
Kung nakamamatay lang ang mga titig niyang iyon, malamang bumagsak na ako sa kinauupuan ko.
.
"Eto ganun pa din. Wala pa ding nagbago." Ngumisi ako at ibinalik ko ding muli ang mga mata ko sa phone.
Marami akong gustong sabihin sa kanya pero iniwasan ko na lang na magsalita. Ayoko ng umiyak sa harapan niya at muling mag makaawa. Punong-puno ng galit ang puso ko at ayokong kaawaan kong muli ang sarili ko
Pinakalma ko ang aking sarili at pinaramdam kong masaya na ako sa kabila ng pag-iwan niya sa akin.
Nagsalita siyang muli. "May gusto sana akong sabihin kaya lang hindi ko alam kung paano ko sisimulan. S-so...." Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil biglang tumunog ang cp ko.
"Saglet lang ah!" Tumayo ako dun lang din malapit sa kanya.
"Hi Yenoh!"
.
.
"Yup."
.
.
.
"Dito pa din, di pa nga nag-iistart eh. Kumain ka na ba?"
.
.
.
"Okey, mamaya na lang. Cge, ou mamaya didiretso ako dyan. Bye! I Love You."
Pinindot ko ang END sa phone at bumalik na ako sa batong inuupuan naming dalawa.
"Ano ulit iyon?" Tanong ko sa kanya. Gustong kong malaman kung ano ang gusto niyang sabihin sa akin pero hindi na niya yon tinuloy. Nanghinayang ako dun pero ayoko namang pilitin siyang magsalita.
Umayos siya ng upo at nagde kuwatro. "Bf mo yung tumawag?" pag-iiba nya ng topic.
"Yup! Hindi ba halata?" iritable kong sagot
Sa isip-isip ko, bakit pa kaya niya tinatanong eh narinig naman niya sigurong nag iLOVEYOU ako sa kausap ko.
"Wala naman naitanong ko lang." Aniya
Hindi na kami muling nagkibuan hanggang sa isa-isa na kaming tinawag ni manong guard.
BINABASA MO ANG
MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]
Teen FictionSana dalawa ang puso noh , para hindi lang isa ang pwedeng mahalin .. :) Para sa iyo , sino ba ang pipiliin mo yung taong mahal mo pa din pero minsan ka na niyang nasaktan ng hindi mo alam ang dahilan O yung taong mahal ka pero nag-aalangan ka nama...