22

79 5 0
                                    

After 30 minutes, narinig ko na lang na may nag dodoorbell na.

"Sila Tita na yon!" wika ko. Sabay pa kaming tumayo ni Iori. Siya nakatayo sa tapat ng inuupuan niya kanina at ako naman ay tinungo na ang daan palabas ng bahay.

Binuksan ko ang gate.

"Asan siya?" agad na sinabi ni Tita.

"Asa loob po!" sambit ko.

Pumasok na kami. Nakita ko siyang nakayuko pero agad ding ibinaling ang kanyang ulo sa amin.

"Magandang umaga po!" bati niya.

"Maupo ka na ulit hijo." sabi naman ni Tito.

Umupo na siya at bumalik na ako sa kanyang tabi. Umupo na din sila na di kalayuan sa amin.

"Anong plano mo?" direktang tanong ni Tita kay Iori na hindi na nagpaliguy ligoy pa.

"Plano ko ho na isama na siya pag-uwi ko. Mahal na mahal ko ho ang inyong pamangkin at hindi ko na po kakayaning muli na mawala siya sa aking paningin." walang kagatol gatol niyang sagot.

"Nagkausap na ba kayo ng mama ni Leeana?" tanong naman ni Tito.

"Opo!" Aniya

Nagulat ako sa isinagot niya. Bakit hindi niya nabanggit sa akin kanina na nagkausap na sila ni Mama. Sila Mama kaya ang nagsabi sa kanya kung nasaan ako?

"Anong sabi ni Chit?" tanong ulit ni Tito.

"Ahm, ano po, kung ano ang magiging desisyon ni Leeana ay kailangan kong tanggapin. Pumayag naman po ako na kung sakaling hindi na mabubuo ang pamilya ko ay hinding hindi na ako muling manggugulo. Kaya po pumayag na si Tita na magpunta po ako dito." paliwanag ni Iori. Ramdam ko ang kaba niya habang nakikipag usap kila Tita. Pero alam kong kailangan niyang lakasan ang kanyang loob na humarap sa kanila. Panay ang pagsalikop niya ng kanyang mga palad at halos di mapakali ang kanyang kanang hita sa paggalaw.

Bumaling ang tingin sa akin ni Tita. Nakangiti pero kita ko pa din ang mga katanungan sa kanyang mga mata.

 

"Sasama na po ako sa kanya. Buo na po ang desisyon ko, hindi pa naman po siguro huli. Wala naman po siyang pagkukulang sa akin. Naging duwag ako dahil hindi ko siya binigyan ng oras na pag-aralang mahalin. Nakahanda na po akong maging mabuting asawa at ina sa baby namin." Ngumiti ako habang ginagap ni Iori ang aking mga kamay.

Sumilay ang ngiti sa mga labi nila.

"Ngayong okey na ang lahat, payo lang namin sa inyo na mahalin nyo ang isa't isa. Kung may mga problema mang dumating sa pagsasama nyo, sikapin nyong maayos agad. Kalimutan ang lahat ng mapapait na alaala at itira lamang ang mga masasayang alaala ninyong dalawa." sabad ni Tito.

"Makakaasa po kayo na hinding hindi ko po pasasakitin ang ulo ni Leeana." tumawa siya ng mahina.

"Aba dapat lang nuh!" tinapik ko ang balikat niya at nahawa na din ako sa pagtawa niya.

Tinulungan niya akong mag-ayos ng mga natitirang gamit ko na hindi pa naaayos. Samantalang si Tita ay nagpunta na muna sa kusina para magluto ng tanghalian. Si Tito naman ay bumalik na sa tindahan para magbukas na ulit. Habang nag-aayos kami ng mga gamit ko, hindi ko mapigilang ngumiti habang nakatingin ako sa kanya na abala naman sa pagsasalansan ng mga gamit ko sa bag.

Hindi naman siya siguro mahirap mahalin! Dati ngang magbestfriend pa lang kami, alagang alaga na niya ako ngayon pa kaya na magiging asawa na niya ako at magkakasama na kami sa iisang bubong. Siguro naman hindi na niya magagawa pang mambabae dahil masasayang lang ang pagbalik ko sa kanya kung sakaling gawin niya sa akin ang mga ginagawa niya noon.

Huli na para lumingon ako sa iba dahil kitang kita niya akong tinititigan ko siya.

"May dumi ba ako sa mukha? Kung makatitig ka kasi eh! O baka naman akala mo matutunaw ako sa mga titig mo?" pangisi ngisi pa ang kolokoy.

"Sira ka talaga!!" nagpouty face ako at nahagilap ng mga mata ko ang unan kaya binato ko sa kanya ang isa.

Umakto siyang iiwas sa unan. "Aba! Teka! Gusto mo ng kulitan ah!" akmang tatayo siya pero agad ko siyang pinigilan.

"Teka ayoko ha, masakit ang balakang ko. Baka gusto mong mapaanak ako ng maaga eh." kunwaring pagsusungit ko.

"Oopss! Sorry naman. hehehe" tumatawa siya ng nakakaloko.

"Ewan ko sa iyo, dyan ka na nga muna at pupuntahan ko lang si Tita." nakangiwi ang bibig ko at nakahawak sa beywang ko ang isang kamay ko habang unti unti akong tumatayo. Ang hirap na talaga kumilos kilos kapag malaki na ang tiyan.

Agad akong dinaluhan ni Iori upang tulungang makatayo. At ng makatayo na ako ay umismid ako sa kanya at dire diretsong lumabas ng kuwarto. Habang naglalakad ako papuntang kusina ay hindi maalis alis ang ngiti sa aking labi.

Parang kelan lang takot akong magkita kaming muli. Takot akong malaman niya ang buong katotohanan. Pero ngayon, sa isang iglap lang biglang naglaho ang pader na nakapagitna sa aming dalawa noon. Ganun pala ang feeling kapag kusa mong tinanggap ang consenquence sa buhay mo. Lalo pa kung makakabuti naman ang gagawin ko para sa aming lahat.  Magaan sa pakiramdam dahil hindi ko na kailangan pang kumilos ng kunwari. Kailangang magpakatotoo at ganon naman talaga kami dati ni Iori eh. Walang oras na hindi kami nagbibiruan. Walang oras na hindi kami nagkakaasaran lalo pag magkasama kami. Kahit nga sa mga gm's eh, nagkukulitan pa din kami. Natural na sa amin ang ganon. Ang masaya sa piling ng isa't isa. Sadyang nakialam lang ang puso ko noon dahil gusto ko pa din sanang magkaayos kami ni Kentrix at siya pa din ang mahal ko noon sa kabila ng pagsagot ko noon sa kanya.

MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon