36

33 1 0
                                    

Walang humpay ang dating ng mga bisita. Yung iba nga hindi ko na kilala pero kailangan ko pa din silang pakiharapan. Lalo na ngayong huling lamay, dagsaan talaga ang mga taong nakikiramay sa amin. Dumating din sa huling lamay ung taong kasama nyang naaksidente. Nung una galit na galit ako sa kanya lalu na nung malaman ko na dahil sa kapabayaan niya kaya sila napahamak pero nung malaman ko ang buong kwento at nilakihan ko ang pang unawa ko, napag-aralan ko ding intindihin ang sitwasyon. Atsaka alam kong hindi naman talaga niya ginustong mangyari yun at ilagay din niya sa alanganin ang kanyang buhay. Hindi rin naman siya nagtagal at nagpaalam na din.  Hindi pa din kasi gumagaling ang mga sugat niyang natamo sa aksidente bukod pa sa nawalan siya ng isang braso dulot ng pagkakaipit nito sa halos nayupi nyang sasakyan.


Sa huling lamay na din dumating si Anicka. Busy siyang masyado sa work kaya naiintindihan ko kung bakit ngayon lang siya nakapunta. Sa unang pagkakataon, sinilip ko si Iori na kasama si Anicka. Duon muling pumatak ang aking mga luha. Ang bigat ng damdamin ko habang tinititigan ko siya. Hanggang nung mga oras kasi na yun ayokong maramdaman na talagang iniwan na niya kami. Habang si Anicka naman ay  panay ang hagod sa aking likod. Naninikip ang aking dibdib at nanginginig ang aking mga kamay habang hinihipo ko ang salamin ng kanyang kabaong. Tingin ko hindi ganun kaaliwalas ang kanyang mukha. Siguro maging siya ay hindi niya kinayang tanggapin ang mabilis na pangyayari sa kanyang buhay. Umikot ako paharap kay Anicka at buong higpit ko siyang niyakap. Sa kanyang mga balikat ako umiyak ng umiyak.

"Sissy, bukas tuluyan na niya kaming iiwan ni Ice. Paano ako magpapaalam sa kanya gayong hindi ko pa kayang tanggapin ang lahat."

"Sissy, it's time for you to give up. There's a reason for everything. Someday, malalaman mo din ang dahilan kung bakit siya nawala sa'yo.

" I know sissy, hindi ko lang kasi kayang intindihin or maybe, guilty lang siguro ako dahil hindi ako naging vocal masyado sa damdamin ko para sa kanya. If only i could turn back the hands of time, araw araw kong sasabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal.  Pero wala na siya at hindi na niya mararamdam pa ang pagmamahal ko."

"Sissy, magpakatatag ka ayt!? We will always be here for you because we love you. Alam mo yan. "


Dahil dun nabuhayan ako ng loob sa mga sinabi niya. Kailangan ko na talaga siyang palayain. Tanging ang kanyang mga alaala na lang ang mananatiling buhay sa aking isipan. Ang mga masasayang araw naming dalawa ang siyang magiging lakas at gabay ko kay Ice.


" Thanks sis, pasensya na nabasa ko yung damit mo ha!" humiwalay na ako sa kanya at inaya ko siyang maupo malapit lang din kay Iori.

"Nuh ka ba okey lang noh, may extra shirt naman akong dala. And I'm very thankful kasi di ko man masolusyunan ang pagkamiss mo kay Iori atleast kahit papaano napagaan ko ng kaunti ang nararamdaman mo." tinapik niya ang aking balikat at tumango. Ngumiti ako sa kanya at ipinilig ko ang aking ulo sa kanyang balikat.

KiNABUKASAN

Ayos na ang lahat at hinihintay na lang ang mag oorganize ng libing. Kabilaan na ang naririnig kong umiiyak samantalang heto na naman ako at nakatulala lang sa kanila habang bitbit bitbit ko si Ice.  Tahimik lang akong nakamasid sa kawalan.


Saglit lang ang lumipas dumating na din ang mga taong mag aasikaso sa kanya. Lahat kami ay lumabas na ng bahay para simulan na ang mga seremonyas. Pagdungaw ng kabaong niya sa pintuan ay ang siyang pagpatak ng aking mga luha. Walang humpay ang paglandas nito sa aking mga pisngi. Tila binabayo ang aking dibdib sa sobrang sakit ng nararamdaman ko nung mga oras na yon. Ang hirap tanggapin sa kalooban ang lahat lahat pero I need to give up at ang pagmamahal ko sa kanya ay mananatili dito sa aking puso.

It's time for me to say goodbye to the man who taught me to be happy once again. I loved you more yenoh. Bumuntong hininga ako ng malalim bago ako tuluyang nakianod sa mga taong piniling maglakad sa halip na sumakay sa mga inarkilang sasakyan.


MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN
MiNSAN LANG KiTANG MAMAHALiN
ANG PAGMAMAHAL SAYO'Y WALANG HANGGANAN DAHiL ANG MiNSAN AY MAGPAKAiLANMAN

Lalo tuloy lumakas ang hagulgol ko habang pinatutugtog nila ang kantang minsan na din niyang kinanta sa akin nung magpropose siya ng kasal. Tila isang mabagal na eksena nung gabing magpropose siya ang pilit na pumapasok sa aking isipan. Walang kapantay na kasiyahan ang idinulot nun sa akin at hindi ko lubos maisip na kung sino pa yung iniwasan ko nuon ay ang siya palang makakasama ko SANA HABANGBUHAY. Kaya lang sa isang iglap naglaho ang lahat-lahat.  Lalo lang tuloy naparalisa ang puso ko sa munting alaalang hatid sa akin ng kanta. Isang kirot sa aking puso na hindi ko pa alam kung hanggang kailan ko ba ito madadala. Nanghihina ako pero pinipilit kong maglakad. Alam kong lilipas din ang kalungkutan kong ito. I know it's not going to be easy pero kakayanin ko alang alang sa aming anak.

Bago ibaba ang kanyang kabaong sa ilalim ng lupa ay tuluyan na akong nagpaalam sa kanya. Masakit.. Nakakapanghina.. Nakakagiba ng puso.. Pero that's life and we need to accept the plan that GOD gave to us. 

MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon