Pagkatapos kong magtext, naihilamos ko ang kamay ko sa aking mukha. F*ck, ano ba ang naitext ko? Pero hindi ko na pwede pang bawiin yun, nareceive na niya ang text ko at kung hawak niya ang cp niya sa mga oras na ito, malamang nabasa niya na ang text ko. Nanlambot ang mga tuhod ko at napaupo ako. Gusto kong umiyak, Gusto kong sumigaw.
Maya-maya lang, nakareceive ako ng text mula sa kanya.
SiGE iF THAT'S WHAT YOU WANT, i LET YOU TO THiNK FiRST.. LALAYO NA MUNA AKO KUNG YUN ANG MAKAKABUTi PARA SA ATiNG DALAWA. HiHiNTAYiN KO HANGGANG SA MAKAPAGDESiSYON KA PARA SA ATiN. i LOVE YOU SO MUCH LEEANA AND iM READY TO FiGHT FOR YOU AND TO FACE ALL THE OBSTACLES THAT WiLL COME iN OUR WAY.
Kinabukasan, pakiramdam ko nanghihina ako. Ayoko sanang pumasok kaya lang hindi naman ako pwedeng magdahilan dahil mabibigyan ako ng memo kapag nagkataon. Mahigpit na patakaran sa store na bawal mag-absent pagkatapos ng restday depende na lang kung talagang may sakit ka at may maipapakita kang katibayan. Lumang isitilo na daw kasi ng mga crew na kunwari may sakit pero gusto lang pala sulitin ang restday hanggang kinabukasan.
Matamlay ang mga kilos ko kaya napansin ako ni Anicka.
"Anyare? Restday mo kahapon diba? Siguro may gumugulo na naman dyan sa isip mo no?"
Tumango ako kaya lang wala pa akong lakas ng loob na magkuwento. Lalo na kapag nalaman niyang tama siya ng hinala. Katakot takot na naman na pang-aalaska ang maririnig ko sa kanya. Atsaka gusto ko pa din kasing i-confirm kung totoo nga ba talaga itong nararamdaman ko para kay Iori.
Natapos na ang duty ko. Ngayong araw pa naman ang schedule ng pagsundo niya sa akin. Usually kasi 3 to 4 times niya akong kung sunduin. Paglabas ko ng store,Tumingin ako sa paligid pero walang nakangiting Iori ang bumungad sa akin. Malungkot tuloy akong umuwi sa bahay.
Lumipas ang isang Linggo, wala pa ding Iori na nagpaparamdam! Miss ko na siya ah. Ako kaya namimiss din niya? Siya ang laging laman ng isip ko kaya ng hindi na ako makatiis, tinext ko siya.
"Hi!!" Hindi siya kaagad nagreply kaya nalungkot akong bigla. Dati rati kay bilis niyang sumagot sa mga texts ko. Nahiga na ako at patulog na sana ng marinig kong may tumatawag. Inabot ko ang cp ko at sinagot ko ang agad ang tawag niya. Dahan-dahan kong inaangat ang ulo ko sa headboard para mas maging komportable ako sa pakikipag usap sa kanya.
"Namiss mo na ako noh?!" bungad niyang tanong niya sa akin.
"Ewan sayo! Kung sasabihin ko ba na Oo, sasabihin mo din kayang namimiss mo na ako?" napangiti ako sa tinuran ko.
"Kapag sinabi ko bang namimiss na kita, aaminin mo na bang mahal mo na rin ako?"
Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. Natahimik ako sa kabilang linya at sunod sunod na paglunok ang ginawa ko. Hindi ko pa din kayang sagutin ang itinatanong niya. Patuloy ko pa ding inaarok kung ano na ba ang lagay niya sa akin. Kaya lang, wala pa din akong mahagilap sa kaloob looban ng puso ko. Basta ang alam ko lang sa ngayon, GUSTO KO SiYA AT NAMiMiSS KO SiYA. Napansin niya siguro ang pananahimik ko kaya siya na muli ang nagsalita.
"Alam mo, kahit hindi mo pa itanong sa akin na kung miss na kita? sasabihin ko din naman na miss na miss na talaga kita. Isang linggo na din ang nakakalipas buhat nung sabihin mong lumayo na muna ako sa iyo. Araw-araw mo kayang ginugulo ang isip ko. Gabi-gabi mo kaya akong hindi pinapatulog ng maayos. Gustong gusto na talaga kitang makita't makausap pero iginalang ko ang pasya mo. Ayokong makadagdag pa sa mga iniisip mo. Kaya kahit na hindi ko kayang malayo sa iyo ay tiniis ko dahil MAHAL KiTA at handa akong MAGHiNTAY."
May konting kilig akong naramdaman sa lahat ng mga sinabi niya yun nga lang hindi kasing kilig nung umamin sa akin noon si Kentrix.
Again, back to abnormal!! Sinusundo niya na ulit ako. Kung dati na 3 to 4 times niya ako kung sunduin, ngayon ay halos araw-araw na. Nagsimula na siyang manligaw sa akin. Kapag restday ko, kumakain kami sa labas, namamasyal, nanunuod ng sine at naging regular ang pagbisita niya sa bahay. Baka sakali mabaling na ang tingin ko sa kanya. Sa mata ng mga nakakakita at maging kela Mama at Papa, masasabing masaya kami sa piling ng isa't isa.
Isang araw, nagkaroon kami ng pagkakataon ni Anicka na makapag-usap ng matagal dahil hindi ako masusundo ni Iori nung araw na yon. Nagkataon pa na nagkasabay din kami ng schedule sa trabaho. Nung mga nakaraan kasi, magkasalungat ang sched namin kaya hindi kami nagkakaroon ng time para magbonding at magkausap.
"Anyare na??" tanong niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa madalas naming tinatambayan.
Uminom na muna ako ng softdrinks bago ako nagsimulang magkuwento. Ikinuwento ko ang lahat-lahat. Walang labis walang kulang. Kaya nga natawa siya sa unang part ng kuwento ko dahil tumama pala ang hula niya na may nararamdaman sa akin si Iori. Pero napasimangot siya dun sa huling kuwento ko.
"So sissy, until now hindi mo pa din alam ang real score mo para sa kanya? Ang hirap niyan kasi binibigyan mo siya ng pagkakataon na gawin ang lahat ng gusto niya. Binibigyan mo siya ng pagkakataong isipin na kayo na dahil hindi ka nakibo. Diba nga sabi nila, ACTiON SPEAKS LOUDER THAN WORDS!!!. Then, what's next?? Kapag lumalim na ng lumalim ang pagmamahal niya sa iyo tsaka mo naman siya itutulak palayo? May gadd! Ang hirap niyang pinapasok mo sissy." namimilog ang mga mata niya habang nagsasalita.
Nagbingi-bingihan ako sa mga sinabi niya. Sukol na ako eh, alam kong may tama siya sa lahat ng mga sinasabi niya. Sana lang huwag siyang magsadilang-demonyo. Tumawa lang ako.
Lumipas ang isang linggo, nagdesisyon akong sagutin na si Iori. Nagdesisyon ako dahil naisip ko din na panahon na siguro para tantanan ko na si Kentrix. Sana sa pagsagot ko sa kanya ang siya ng simula para tuluyan ko ng ibaon siya sa limot.
Naging masaya ako sa takbo ng aming relasyon. Okey na sana eh pero pagkalipas ng isang buwan...
BINABASA MO ANG
MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]
Teen FictionSana dalawa ang puso noh , para hindi lang isa ang pwedeng mahalin .. :) Para sa iyo , sino ba ang pipiliin mo yung taong mahal mo pa din pero minsan ka na niyang nasaktan ng hindi mo alam ang dahilan O yung taong mahal ka pero nag-aalangan ka nama...