Pagkapasok namen sa bahay ay may inabot siya sa akin. Mga vitamins namin ni bebe. Sakto at paubos na ang mga iniinom ko.
"Salamat ha!" ngumiti ako sa kanya habang inaalalayan niya akong makaupo.
Ngumiti lang siya sa akin. "Wanna go for a date?!" namumungay ang kanyang mga mata at naka pouty lips siya.
Tumingin ako sa taas at kunwaring nag-iisip. Kunwari din akong sumimangot.
"Please!!!" umaakto pa na luluhod siya.
Kaagad ko siyang itinayo. "Okey! Para naman makabawi ako sa iyo." Kumindat ako sa kanya at nag approve sign.
Para siyang bata na halos magtatatalon sa tuwa.
"Tumigil ka na nga dyan. Mamaya madatnan ka nila Mama eh! Mukha ka pa namang ogag dyan." natatawa ako sa mga inaasal niya.
Umupo siya sa tabi ko. "Para kasing tumama ako sa lotto eh. Hahaha!!" tamang haplos siya sa aking tyan.
Inilapit niya ang tenga niya sa tyan ko. "Be, can't w8 to see you! Sino kaya sa amin ng Mommy mo ang kamukha mo?! Bukas papasyal tayo nila Mommy. Bibilhan kita ng mga gamit mo para paglabas mo, ready na ang lahat." Aniya
Sumipa si bebe kaya napa ngiwi ako.
"Leeana naramdaman mo ang pagsipa ni bebe, masaya siya kasi bibili tayo ng gamit niya bukas." kitang kita ko ang excited sa mata ni Iori.
"Oo nga eh, lakas nga ng sipa eh, ang sakit kaya!" mahina akong tumawa.
"Basta bukas wait mo na lang ako mga after lunch." inilayo na niya ang kanyang tenga sa tiyan ko.
"Sige! hihintayin na lang kita bukas."
Ilang saglit pa ay nagpaalam na din siya. Medyo gabi na din kaya kailangan na niyang umuwi. Nagpaalam na siya kila Mama at inihatid ko siya hanggang sa gate. Nag flying kiss pa ang kumag bago tuluyang naglakad. Ngingiti ngiti akong pumasok sa bahay. Uminom na muna ako ng vitamins bago ko naisipang pumasok sa kuwarto.
[ KiNABUKASAN ]
Maaga akong nagising. Hindi naman sa excited ako sa alis namin mamaya pero parang ganon na nga din. Nagluto ako ng almusal at sabay sabay kaming kumain nila Mama. After naming kumain ay nag tingin tingin ako ng damit na isusuot ko mamaya. Maaga din akong naligo para hindi ako gaanong gahulin sa oras. Nakahiga lang ako habang hinihintay ko ang pagdating niya.
[ LUNCH ]
Nakatulog pala ako kakahintay sa kanya. Ginising lang ako ni Mama dahil andyan na nga si Iori. Nag-ayos na muna ako ng aking sarili bago ako lumabas sa kuwarto.
"ready?!" nakangiti niyang bungad sa akin.
"Yes i"m ready!!" ngumiti ako sa kanya.
Nagpaalam na kami kay Mama at sinabing magpupunta lang sa mall. Alam ni Iori na hindi pa ako kumakain kaya sinabi niyang sa mall na lang kami kakain. Habang nasa daan ay tahimik lang kami. Sapat na sa amin ang magkatabi kami ngayon sa upuan habang naka akbay siya sa akin. Medyo nabitin ako sa tulog kaya napapahikab ako habang nakatanaw sa labas ng sinasakyan namin. Ramdam ko ang excitement pero sadyang wala pa akong samud kaya medyo matamlay ako.
"Hindi ka ba masaya na ako ang kasama mo ngayon?!" seryoso niyang tanong. Sa labas din nakatanaw ang kanyang mga mata.
Kinuha ko ang kamay niya at pinisil-pisil ito. "Yan ka na naman, kung anu-ano na naman yang iniisip mo. Nabitin lang ako sa tulog kaya medyo matamlay ako. Huwag ka na ngang mag-isip pa ng kung anu-ano. Walang gamot sa insecure. Joke. " nawala tuloy ang antok ko dahil natawa ako sa sinabi ko.
Sa sulok ng mata ko nakita kong ngumiti siya. Buong higpit niyang hinawakan ang along kamay. "Tell me, mahal mo na ba ako?"
Nabigla ako sa itinanong niya kaya hindi kaagad ako nakapagsalita. Mahal ko na nga ba siya? Masaya ako kapag kasama ko siya. Masaya ako kapag nakikita kong masaya siya. Sapat na ba ang saya kong nadarama para sabihing mahal ko na siya?!
"Hindi ka agad makasagot dahil ba hanggang ngayon ay pinag-aaralan mo pa din akong mahalin?!" hinawakan niya ang baba ko at ibinaling sa kanya. Seryoso niya akong tinitigan. Nakakasilaw ang pagtitig niyang iyon. Parang gusto kong umiwas pero kapag ginawa ko yun baka iba na naman ang isipin niya.
"Kapag masaya ba ako ibig ba sabihin nun mahal na kita???" tanong ko.
"Sa tingin mo?!" balik niyang tanong sa akin. Hindi pa din niya inaalis ang pagtitig niya sa akin. Gusto niya sigurong maramdaman kung gaano ako kaseryoso sa isasagot ko.
Napabuntong hininga ako. Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang mga kamay. "Siguro nga MAHAL NA KiTA. Dun din naman ang tungo nitong damdamin ko para sa iyo eh. Basta sa ngayon ang alam ko, masaya ako kapag kasama kita. Masaya ako dahil alam kong may isang iORi na hindi nagsasaswang mahalin ako. May isang iORi na nagtiyaga sa akin para hanapin ako. May isang iORi na gagawin ang lahat para mapatunayan lang na totoo ang pagmamahal niya sa akin. At dahil dun, sapat na sa akin ang lahat para suklian ko naman ang lahat ng kabutihan mong ginagawa."
Magsasalita pa sana siya ng biglang nagsalita ang driver ng taksi na sinasakyan namin.
"Dito na po tayo sir/mam." nakangiti ang driver sa amin.
Ngumiti ako samantalang napailing naman si Iori. "Wrong timing naman, magdadrama pa sana ako eh."
Napuno ng tawanan ang loob ng taksi.
Nag-abot ng pera si Iori sa driver. "Keep the change na lang po." at inalalayan na niya akong bumaba sa taksi.
"Gusto mo ba munang kumain or maglibot-libot?" tanong niya sa akin.
"Ikaw na ang bahala." nahihiya ko naman sinabi.
Nakaakbay siya sa akin habang pumapasok kami sa glass door ng mall. Inaya niya muna akong kumain dahil hindi pa nga daw ako nakakapag lunch. Kahit busog pa ako, sinikap ko na ding kumain. Natitiyak kong gutom na si bebe.
Pagkatapos naming kumain, nagpunta kami sa infant section. Binilhan niya si bebe ng mga damit. Sabi ko nga, huwag na muna masyado sa damit kasi makakalakihan lang ni bebe. May ilang binili na din naman kasi sila Tita, Mama at Iori na baru-baruan para kay bebe. Bumili na lang kami ng crib at ibang gamit ng bata. Parehas kaming masaya pagkatapos naming makapamili. Muli kaming kumain bago kami nagpasyang umuwi.
Pagdating sa bahay, sobrang pagod na pagod kami kaya halos sabay pa kaming sumalampak sa upuan. Iniabot naman namin kay Mama ang pasalubong namin sa kanila.
"Salamat! Nag-abala pa kayo na dalhan kami ng pasalubong" sabi ni Mama na napagawi ang tingin niya sa mga pinamili namin. "Ang dami nyo namang pinamili. Handang handa na talaga kayo sa paglabas ni bebe ah!"
"Excited na po kami Tita. Siyempre po 1st baby kaya kailangan naming paghandaan talaga." sagot naman ni Iori.
"Eh teka nga pala, san nyo ba balak na tumira? Eh kung dito na kaya muna kayo? Mahirap na at wala pa naman kayong idea sa buhay na may baby na." sabi ni Mama habang iniisa isa niya ang mga pinamili namin.
Lumuwang ang ngiti ni Iori.
"Okey lang po ba na dumito na po muna ako?" curious niyang tanong.
"Okey lang naman sa amin ng Tito mo. Pasasaan din ba at magiging legal na din naman kayong mag-asawa. Naikuwento kasi sa akin ng Tita mo Leeana na magpapakasal din naman kayo at hinihintay lang ni Iori na sabihin mong mahal mo na siya." ngumiti sa akin si Mama.
Napayuko naman ako dahil sa tahasang pagkasabi ni Mama sa salitang hinihintay lang naman ni Iori na sabihin ko sa kanya na Mahal ko na siya. At ngayong nasabi ko na kay Iori na mahal ko na siya, aayain na kaya niya akong magpakasal sa kanya?!? Sumilay sa labi ko ang isang matamis na ngiti.
BINABASA MO ANG
MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]
Teen FictionSana dalawa ang puso noh , para hindi lang isa ang pwedeng mahalin .. :) Para sa iyo , sino ba ang pipiliin mo yung taong mahal mo pa din pero minsan ka na niyang nasaktan ng hindi mo alam ang dahilan O yung taong mahal ka pero nag-aalangan ka nama...