[ AFTER 1 YEAR ]
Nagdecide kami ni Iori na pagsabayin ang birthday at binyag ni babhieyoh. 1 year na ang bebe namin at madami ang natutuwa sa kanya. At his age, maaga siyang natutong maglakad at marami na din siyang mga words na nabibigkas. Tuwang tuwa ang Lolo't Lola niya sa kanya. Si bebe ang stress reliever ng dalawang matanda.
Sa side naman ni Iori, thru net pa lang nila nakikita ang apo nila. Giliw na giliw sila sa bata at gustong-gusto na nila itong makita at makasama kahit na saglit lang. Kaya nga lang, naipalam na nila sa mga boss nila na uuwi sila sa aming kasal kaya hanggnag net na lang muna nila nakikita ang aming anak. Madami na silang naiipon na mga damit at laruan sa kanilang nag-iisang apo.
After ng birthday at binyag niya, magpe-prepare naman kami para sa aming kasal. Isang taon na din buhat nung nagpropose siya sa akin. At isang taon na din akong masaya sa piling niya. Kuntentong kuntento na ako sa aking mag-ama. Silang dalawa ang buhay ko.
Sinabihan ko na ang magiging ninang at ninong ng bata. Si Anicka, si Kentrix at iba pang malalapit na kaibigan ko sa store. Mga ibang ka clanmates namin na naging saksi ng aming pag-iibigan at siyempre mga pinsan namin ni Iori. 12 sa girls at 12 din sa boys.
[ ARAW NG BINYAG AT 1st BIRTHDAY ]
Abala kaming lahat sa preparation ng 1st birthday ni bebe. Luto doon, Luto dito. Ayos doon, ayos dito. Dumating na din ang mga ninong at ninang niya.
Huling dumating si Kentrix. Ngayon na lang ulit kami nagkita. Ang huling kita namin ay nung dumalaw sila ni Anicka. After nun wala na akong balita sa kanya. Cute pa din siya at halos wala pa ding pinagbago. Sa tikas at porma, ganon pa din. Napag-alaman kong wala pa din pala siyang nililigawan. Nalungkot ako sa nalaman ko. Bakit kaya hanggang ngayon ay hindi pa din siya umiibig sa iba? Hindi kaya ako pa din ang nilalaman ng puso niya? Natawa na lang ako at pinagalitan ko ang aking sarili. Nakakataba lang ng puso ang naiisip ko pero hindi ko din naman tiyak kung dahil nga sa akin kung bakit wala pa din siyang pinopormahan.
Tahimik lang siya at halos hindi kumikibo. Lagi lang siyang nagpapatianod sa mga ikinikilos ng mga bisita namin. Madalas siyang nakabuntot kay Anicka. Though yung ibang mga bisita ay kilala din naman niya. Hindi ko na lang pinansin yun baka kaku, nangingilag siya sa ibang ka crew namin noon at tanging kay Anicka lang siya malapit.
After ng binyag ni bebe diretso ang lahat sa bahay para naman icelebrate ang birthday niya.
"Start na tayo sa pagblow ng candle?!" tanong ko kay Iori habang karga karga niya ang bata. Nilalaro niya ito kasama ang mga pamangkin niya.
"Okey sige, para makapagsimula na din kami?!" ngumiti siya at nagpouty lips.
"Yenoh, hinay-hinay lang sa pag-inom ah!" wika ko at pinandilatan ko siya.
"Opo! I love you." ngumuso siya at akmang hahalik sa akin. Pero umiwas ako dahil bigla kong naramdaman ang pagkailang. Napansin ko kasi si Kentrix na nakatingin sa amin.
"Mamaya na lang." ngumiti ako.
Hindi naman pinansin ni Iori ang pag-iwas ko dahil siguro wala naman siyang ibang iniisip. Sapat na sa kanya na magpapakasal na kami kaya siguro hindi man lang siya mababakasan ng anumang selos dahil andyan ngayon si Kentrix.
"HAPPY BiTHDAY TO YOU! HAPPY BiTHDAY TO YOU! HAPPY BiRTHDAY, HAPPY BiRTHDAY, HAPPY BiRTHDAY TO YOU!" nagkakantahan ang mga bata habang nakapalibot sa mag-ama ko. Ako naman ay nasa sulok lang at kinukuhaan ko sila ng pictures.
Si Iori ang nagblow ng candle para kay bebe. Karga karga niya ito at parang masyadong na-aamaze sa mga nakikita niya.
"Yehey! Kainan na!" Sabi ng mga bata. Nagkatawanan lang ang lahat ng nandun.
BINABASA MO ANG
MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]
Teen FictionSana dalawa ang puso noh , para hindi lang isa ang pwedeng mahalin .. :) Para sa iyo , sino ba ang pipiliin mo yung taong mahal mo pa din pero minsan ka na niyang nasaktan ng hindi mo alam ang dahilan O yung taong mahal ka pero nag-aalangan ka nama...