37

37 2 0
                                    

[ AFTER 1 YEAR ]

1ST DEATH ANNIVERSARY Ni iORi

"Ice! Ice! Tara na ligo na, pupunta tayo ngayon kay Daddy." abala si Ice maglaro ng kanyang mga laruan. Pero agad din naman siyang tumayo ng marinig niyang aalis kami. Lumaking bibo si Ice. Mabilis siyang nakapagsalita kahit na may mga ibang words siyang di pa ganon kadiretso pero naiintindihan pa rin naman.

"Pupunta tayo work niya? Dun langit work daddy diba?" nagtatanong ang kanyang mukha. Natawa ako sa tinuran ni Ice kaya naman ginulo ko ang buhok niya sabay halik sa kanyang pisngi.

"Nope baby, hindi nagwowork si daddy sa langit. Kasama na niya si Papa Jesus dun. Pero mamaya, makakasama din natin siya yun nga lang hindi mo siya makikita." paliwanag ko. Hindi ko kasi alam kung paano ko ipapaliwanag ng maayos sa kanya. Basta ang alam ko, kailangan kong ihubog sa kanya na wala na siyang makakagisnang ama.

"Ay! Bakit di natin kita Daddy??!... Kasi??....." malungkot ang kanyang mukha na nakatingin sa akin. Sa sobrang bilis niyang natutong magsalita, kung anu-ano na ang nacoconstruct niyang mga tanong sa kanyang isipan na hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ng maayos na talagang mauunawaan niya. Kapag magulang ka na talaga kailangan ng mahabang pasensiya at mahabang pang-unawa sa  mga anak.

"Kasi po, patay na daddy!"

"Bakit siya patay?... Kasi?" tanong na naman niya.

"Kasi po, naaksidente siya. Hindi niya kinaya yung mga sugat niya sa kanyang katawan kaya ayun. Kaya ikaw anak, kapag medyo lumaki laki ka pa, huwag kang parati sa kalsada ah para hindi ka maaaksidente."

"Opo Mommy!" yumuko siya na malungkot ang mukha. Nangilid tuloy ang luha sa aking mga mata. Sa murang isipan niya kailangan kong sabihin na sa kanya ang katotohanan.

"Tara na nga ligo na tayo." sabay na kaming tumayo at nagpunta na sa banyo.

Makalipas ang isang oras, bihis na kaming dalawa.

"Pogi naman bebe namin. Halika nga muna dito! Saan kayo pupunta?" sabi ni Mama. Lumapit naman si Ice sa kanya at nagpakandong.

"Dun Daddy!" maikling sagot niya.

"O sige, huwag ka magpapasaway kay mommy ah at huwag kang masyadong malikot dun ha ice!"

"OooHhhhhhpoooooo!" mahabang sagot niya na may pagalaw galaw pa ng kanyang ilong kaya naman nagkatawanan pa kami bago kami tuluyang umalis.

@ CEMETERY

"San daddy?" palinga-linga siya sa paligid. Nasa harapan na kami ngayon ng puntod ni Iori. Nagsindi ako ng kandila at naglagay ako ng mga bulaklak.

"Andyan si Daddy! Alam kong hindi mo pa talaga lubos na muunawaan ang lahat nak. Dyan kasi nilalagay yung mga namatay na. Kapag medyo malaki ka na, maiintindihan mo din ang lahat-lahat." muli kong paliwanag sa kanya. Lumapit siya at sinilip ang puntod. Kita ko ang kanyang pagtataka pero buti na lang hindi na niya nakuha pang magtanong. Naaawa ako kay Ice pero wala naman akong magagawa eh. Yun ang aming kapalaran. Ang maaga siyang maulila sa ama at ako naman ay sa asawa.

Taimtim akong nagdasal at saglit ko ding kinausap si iOri bago kami tuluyan ng lumisan. Hindi rin kasi kami pwedeng magtagal at medyo nagbabadya ng ulan ang kalangitan. Bigla kasing dumilim kaya kailangan na naming makauwi agad. Nakikisimpatya rin siguro ang langit sa amin. O di kaya'y tulad ko, malungkot si Iori habang nakamasid sa aming mag-ina.

Pag-uwi sa bahay, dahan dahan kong inilapag sa kama si Ice. Nakatulog kasi siya sa daan. Tahimik lang akong nakamasid sa kanya ng biglang tumunog ang cp ko.


Anicka : Hi sis, ztah? 1 year na si Iori now diba? Nagpunta ka na ba sa kanya?

Me : Yup! kakauwi lan nmen ni Ice.

Anicka : ic. wala lan, tinext lan kita to say i miss you sis. Pag off ko, pasyal tayo ng inaanak ko. My treat! it's time for you to  enjoy life hindi yung puro ka na lang pagmumukmok jan sa bahay nyo.

Me : Enjoy nman ako with my son. Kontento n q sa kanya. Kaw tlaga sis.

Anicka : I know! iba nman ung gusto kong iparating sa yo nuh! Your still young sis. Lam mo na!

Me : Asus, nagsalita ang may bf na! Nakamatayan na nga ni Iori hanggang ngayon wala ka pa ding bf! Tss. hahaha.

Anicka. Wala pa kasi si Mr. Right eh! Kahit anong alis ko like gimmicks, hindi ko man lang siya makabungguan. Lam mu yung, kapag nagtama pa lan ung mga tingin nyo sa isa't isa. May spark! Then ska q massabi na siya na un! Hahaha.

Me : So sau na mismo nangggaling, kahit anong alis mo hindi mo pa din nakikita sa Mr. Right. So i don't need to go out and have some fun just to search him. Diba nga, hindi naman talaga sila hinahanap... Kusa na lang silang dumarating :)

Anicka : Ou na! You win. Newai, taz na break ko sa work. Text text na lan later. Love you!

Me : Love you too!

Tatawa tawa na lang ako sa conversation namin ni Anicka. Hindi ko naman isinasara ang puso kong muling magmahal. Pero kung magmamahal akong muli, hindi pwedeng ako lang ang mahal niya. Kailangang tanggap niya si Ice at hindi niya ito ituturing na iba. Naka pagckage deal na kasi ang pag-ibig ko :) o di naman naka buy 1 take ako :D

MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon