24

81 5 0
                                    

Pagkapasok ko ng kusina, nakatalikod siya at gumagawa ng dessert. Halo-halong prutas base na din sa mga nakikita kong pinagbalatan niya. Malamang lalagyan niya yun ng gatas at yelo :) .. Sarap ! Nagutom akong bigla at natatakam na kumain na agad ng dessert.

Fitted na damit ang suot niya kaya kitang kita ko ang pagka macho niya. Halos pumutok na ang damit niyang suot dahil sa naglalakihan niyang muscle. Para tuloy gusto kong tumakbo at yakapin siya kahit nakatalikod. Gusto kong maramdaman ang matipuno niyang pangangatawan. Kaya lang , nakakahiya ! hahaha . Eto na naman ako kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko. hehe.

"Ehem!!" tumikhim ako kaya bigla siyang napalingon sa pintuan. Ang ganda ng tingin niya sa akin pagkakita niya sa akin.

Ngumiti siya habang tinatapos niya ang kanyang ginagawa. "Andyan ka na pala. Ang aga mong nagising ah. Tulog ka pa kaya ulet!?" pang-aalaska niya sa akin.

Medyo nainis lang naman ako sa sinabi niya. Diba nga sabi nila, lokohin mo na ang lahat huwag lang ang bagong gising. hihi. So ang ginawa ko , inismiran ko siya at akmang tatalikod na ako ng patakbo siyang lumapit sa akin.

"Teka, Teka eto naman hindi na mabiro! Tara na at kumain ka na dito. Pinaghanda pa naman kita. Malamang gutom na gutom na din si bebe dahil hindi ka pa kumakain." hinimas himas pa niya ang aking tyan.

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa dahil talagang gutom na din ako. Di kaya ako nakapag hapunan at almusal.  At isa pa, natatakam talaga ako sa mga niluto niyang pagkain. Tinolang manok, pritong isda na may kamatis at mangga saka syempre yung dessert na ginawa niya.

"Ginawa mong lahat to?" tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi akalain na marunong pala siyang magluto. Madalas kasi na lutong ulam lang or umoorder kami sa mga foodchain na maibigan namin kapag andun ako sa kanilal Though simple lang ang mga inihain niya, ganun pa din yun siya pa din ang nagluto.

"Yup! Kanina pa akong umaga dito. Hindi na kita pinagising kasi gusto kong makapag pahinga kayong dalawa ni bebe ng maayos. Saka gusto kong pagsilbihan ka kaya naisipan kong magpunta ng maaga." Aniya.

Tama nga pinagsisilbihan niya ako ngayon. Siya ang nag-ayos ng mga gagamitin ko sa pagkain. Siya din ang naglagay ng mga pagkain sa plato ko. Todo asikaso siya sa akin. Nakakataba tuloy ng puso.

"Kung ganito ka palagi baka masanay ako ah."  pilyang ngiti ang sumilay sa aking labi.

"Okey lang sa akin kung ikaw naman at si bebe ang pagsisilbihan ko. Kahit makuba pa akong kakasilbi sa inyo walang problema. Ang mahalaga maiparamdam ko sa inyo kung gaano ko kayo kamahal." titig na titig siya sa akin at seryoso ang kanyang mukha.

"Ang drama mo no! Ano bang inalmusal mo kanina?" sumubo ako ng kanin at manok.

"Ikaw?" humalakhak siya ng ubod lakas.

Ang talim ng pagkakatingin ko sa kanya eh. Paano, gumana ang pagka greenminded ko. Halos lahat naman ata tayo greenminded eh. Yung iba kunwari walang alam pero meron naman. Yung iba pa conservative effect, kunwaring ayaw pag usapan o mapakinggan pero kung anu-ano naman agad ang nasa isip at yung karamihan tahasang pinaparamdam ang pagka greenminded niya. Kasi kung ano ang naiisip naten madalas yun din ang nasasabi naten. Tama ba ako? Hehe! Base na din siguro sa mga kakilala ko.

Naiisip ko nga pinagpapantasyahan niya ako. Haha! Kapal ko noh! Sa ichura kong ito, mapagpapantasyahan pa eh ang laki laki na kaya ng tiyan ko. Tapos nagmukha akong dambuhala dahil na din siguro sa maya't maya kong pagkain. Tapos medyo nangingitim pa ang kili-kili ko, ang batok ko at ang leeg ko. Ewan ko ba bakit ganito? Narinig ko noon, karamihan sa mga nagbubuntis na kapag babae ang anak ay blooming pero kapag lalaki ang anak eh pumapangit talaga. At may mga parte sa katawan ang nangingitim. Pero bumabalik din naman sa dati kapag nakapanganak na. Yung iba pa nga, halos tubuan na ng mukha ang tigyawat eh. Haha! Ay mali, halos mapuno na ng tigyawat ang mukha sa sobrang dami nito. Buti na nga lang konti lang ang tigyawat ko at buti na lang din hindi sa mukha ako tinadtad kundi sa likod. 

"Joke lang. Kung anu-ano na siguro ang naiisip mo dyan. Haha" mahinang usal niya.

"Ewan sa iyo. Tara sabayan mo na nga lang akong kumain." Pag-aaya ko.

Sumabay nga siya sa pagkain. Konti lang ang nakain niya. Siguro nakapag almusal na siya kanina. Masaya naman kami habang kumakain. Pagkatapos naming kumain ay nagpunta kami sa sala at nanuod ng tv. Tamang kwentuhan lang habang nanonood.

"Ay siyangapala, magpapacheck up ako bukas. Masasamahan mo ba ako?" tanong ko.

"Sure! Anong oras ba?" balik na tanong niya sa akin.

"Before 7am dito ka na ha! Marami kasi akong aasikasuhin gawa ng dun kasi ako nagpapacheck up noon kila Tita. Eh malayo naman kung dun pa ulet tayo pupunta kaya dito na lang malapit sa atin hanggang sa makapanganak na ako." paliwanag ko.

Nag thumbs siya sabay kumindat.

Halos buong araw siyang nasa amin. Sinusulit niya ang bawat minutong magkasama kami. Sabi nga niya kung pwede nga lang daw na huwag na siyang umuwi ay gugustuhin niya. Ang tagal din naming hindi nagkita. At halos ayaw niya akong mawala sa kanyang paningin. Kung tutuusin, dalawang araw pa lang kaming nagkakasama at sa dalawang araw na iyon, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya. Ramdam na ramdam ko ang pagpapahalaga niya sa amin ni bebe. Nakakahinayang nga at maraming araw ang nasayang sa aming dalawa. Tama nga si Anicka, kung pinagbigyan ko pa ng ilang buwan si Iori na maiparamdam sa akin ang pagmamahal niya, baka ngayon ay sobrang mahal na mahal ko na siya at hindi ko siguro kakayaning humiwalay na sa kanya. Siguro konting panahon na lang, at masasabi ko ng MAHAL NA KiTA iORi!

MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon