20

79 5 0
                                    

Hinatid ako ni Kentrix hanggang sa bahay. Nung una todo pa ang tanggi ko dahil ayokong malaman niya ang bahay nila Tita. Pero naalala ko bigla na alam na niya ang tinutuluyan ko dahil sa matabil na dila ni Anicka. At isa pa, kahit anong tanggi ko na huwag na niya akong ihatid eh sige pa din siya sa pangungulit sa akin. At siyempre ako naman itong nagpapakulit ay nakulitan na din kaya pumayag na ako. Wala na akong nagawa pa tutal sabi naman niya ay ihahatid lang niya talaga ako dahil medyo gabi na at nag-aalala siya sa kalagayan ko.

Habang daan ay tahimik lang kami.  Para ngang hindi kami magkakilala eh dahil wala ni isa man sa amin ang gustong magsalita.

Tok! Tok!

Maya-maya lang ay narinig ko na ang pag-ingit ng gate. Bumungad sa amin ni Kentrix ang tila nabigla at nagtatanong na mukha ni Tita. Siguro iniisip niyang si Iori ang kasama ko.

"Good Evening po! bati ni Kentrix. Yumuko ito tanda ng paggalang

Tumango lang si Tita at agad siyang bumaling ng tingin sa akin. Nakita ko ang mga mapanuring mata niya kaya agad kong ipinakilala si Kentrix.

"Tuloy ka na muna hijo!"

"Salamat po, hindi na din po ako magtatagal. Inihatid ko lang po talaga si Leeana." Aniya

"Ganun ba! O siya maiwan ko na muna kayo ha at may pinapanood kasi kami ng asawa ko."

"Sige po!" yumukong siya at tumango naman ako.

Tumalikod na si Tita at naiwan na kami sa gate. Konting kwentuhan pa at nagpaalam na din siya. Ngumiti ako habang tinatanaw ko siya papalayo sa akin. Napabuntong hininga pa muna ako bago tuluyan ng pumasok.

Pagkapasok ko sa bahay ay narinig ko ang pagtikhim ni Tito. Napahinto tuloy ako sa tapat nila.

"Sino si Kentrix?!" Tanong niya na hindi man lang ako nililingon. Nakatutok siya sa t.v habang katabi niya si Tita na hawak hawak naman ang celphone niya.

Hindi ko na kailangan pang ilihim sa kanila na si Kentrix ang nakaraan ko. Sabay silang napatingin sa akin at sabay pa nilang itinanong kung bakit ko ito kasama?

Ikinuwento ko sa kanila na hindi sinasadyang magkrus ang landas namin sa mall. Sinabi ko na din sa kanila ang mga napag-usapan namin kanina.

Sumang-ayon si Tito sa sinabi ni Kentrix. Bakit daw hindi ko subukang mahalin ang Ama ng anak ko. Mas mahirap naman daw siguro ang sitwasyon kung ako ang naghahabol sa kanya dahil naanakan niya ako. Mukha naman daw na mahal ako ni Iori base na din sa mga kwento ni Mama sa kanila.

Tango na lang ang naisagot ko. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil lahat naman ng mga sinasabi nila ay para rin sa aming mag-Ina.

Hindi na rin ako nagtagal sa pakikipagkuwentuhan sa kanila dahil hapong hapo na talaga ako. Ramdam ko na ang pangangalay ng aking balakang dahil napagod akong kakalakad kanina sa mall. Malaki na kasi ang tiyan ko kaya ramdam ko na ang bigat nito.

"Sige na anak, magpahinga ka na." sambit ni Tita.

Tumayo ako at nagpaalam na din sa kanila.

Pagkapasok ko sa kuwarto ay agad kong inilapat ang katawan ko sa kama. Pumikit na ako para sana matulog na pero gisng na gising pa din ang diwa ko. Muli akong dumilat at tinignan ko ang supot na inabot sa akin ni Kentrix bago siya umuwi. Plain white na mga baru-baruan ang binili niya.. Kasama ng mga sapin sa paa at kamay. May mga ilang pang-alis din ng bata akong nakita na sa tingin ko ay matagal pa itong magagamit ni bebe. Sabagay, mas maganda na rin ang malalaking damit. Minsan kasing nasabi ni Mama na kung sakaling bibili daw ako ng mga damit, mas maganda daw ang malalaki kesa sa sakto lang. Mabilis daw kasing lumaki ang mga bata. Sayang naman daw kung saglit lang itong magagamit at agad na makakaliitan.

Masaya na ako sa isiping hindi man kami nagkatuluyan ni Kentrix, alam kong nandiyan lang siya para sa akin.

Nakapagdesisyon na din ako na isa sa mga araw na ito ay bibisita kaming dalawa ni bebe sa kanyang Ama. Nakatulog ako ng hindi ko man lang namamalayan ang oras.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Tulog pa sila Tita kaya ako na ang nagluto ng almusal namin. Pagkatapos kung magluto ay ginising ko na sila. Habang kumakain kami, sinabi ko sa kanila na uuwi na ako sa bahay. Sinabi kong nakapag desisyon na akong ipaalam kay Iori ang lahat. Ayoko pa sanang iwan sila kaya lang panahon na din siguro na sabihin kay Iori ang lahat-lahat. Ilang buwan na lang din manganganak na ako. Pumayag naman ang mag-asawa sa nagawa kong desisyon. Ramdam ko ang lungkot sa kanilang mga mata lalong lalo na si Tita kaya lang kailangan ko na silang iwan. Sinabi ko naman sa kanila na dadalaw dalawin ko sila kapag maayos na ang kalagayan naming mag-ina. Nag-iyakan pa tuloy kami ni Tita umagang umaga.

"Sige anak, hihintayin ka na lang namin kasama si bebe."

Maagang umalis sila Tita dahil magbubukas pa sila ng tindahan. Naiwan akong mag-isa sa bahay kaya nagpasya akong ayusin na ang mga gamit ko para anytime na handa na akong umuwi sa amin ay ayos na ang lahat. Pakanta kanta pa ako habang nagliligpit ng mga gamit ng bigla akong napahinto sa tunog ng doorbell? May nakalimutan kaya sila Tikaya napalik? Dahan dahan pa akong tumayo sa kama ko habang hawak-hawak ko ang beywang ko. Pagbukas ko ng pinto?












o_0 ???

MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon