27

81 2 0
                                    

Habang naglalakad ako hindi ko maiwasang hindi mag alala sa mararamdaman ni Iori. Ewan ko ba kung bakit kailangan ko pang kabahan. Nakita ko siyang nakatungkod ang mga siko sa kanyang mga tuhod habang nakasalikop ang kanyang dalawang kamay.  Tila malalim ang kanyang iniisip at malayo ang kanyang tingin. Nararamdaman kong may bumabagabag sa kanya. Medyo napakunot tuloy ang noo ko. Papalapit na ako sa kanya ng ibahin ko ang expression ng aking mukha.


"Hi! Hindi mo man lang ako tinext na pupunta ka pala?" masiglang sabi ko. Ayokong iparamdam sa kanya ang pag aalala ko sa sitwasyon namin ngayon.

Napalingon siya sa akin at seryoso ang kanyang tingin. "Bakit hindi mo man lang ako tinext  na may bisita ka pala?" huminto siya saglet at bumuntong hininga ng malalim. "Eh di sana hindi na lang muna ako nagpunta?" bumalik muli ang tingin niya sa malayo.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa kanyang tabi. "Pasensya na nakalimutan ko lang. Di bale hindi na mauulit. Sa susunod lahat ng galaw ko ipapaalam ko sa iyo." ngumiti ako at pinakalma ang sarili.


Medyo nainis ako sa tono ng pananalita niya. Pero nagsawalang kibo na lang ako. Ayokong pagtalunan pa namin ang isang bagay na hindi naman dapat. Sabagay hindi ko maiaalis sa kanya na may kakaibang maramdaman. Siyempre ex ko si Kentrix at alam niyang mahal na mahal ko ito. Hindi ko siya masisisi kung ano man ang nararamdaman niya ngayon..


Muli akong ngumiti at hinawakan ang kanyang kamay. Mahina ko siyang siniko. "Huwag ka ng magselos okey?!" ngumiti ako sa kanya ng pagkatamis tamis. "Tara sa loob kain na tayo." Hinila ko ang mga kamay niya at sinisikap ko siyang itayo.

Nakita kong sumingkit ang kanyang mga mata kasabay ng kanyang matamis na ngiti. Hindi naman ako nahirapang hilahin siya. Sadyang nagpalambing lang siya sa akin. Pagkatayo niya, sabay na naming binagtas ang daan papunta sa kusina. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit. Gusto ko sanang umiwas kasi naiilang ako dahil andyan si Kentrix pero naisip ko din baka may iba siyang isipin kapag umiwas ako.


"Iori tara na kain na tayo." wika ni Papa.


Sinenyasan siya ni Papa na umupo sa upuang malapit sa uupuan ko. Buti na lang pala at bakante ang upuan na iyon. Hehe. Nakakahiya naman paalisin kung sino man ang umupo dun. Buti at naisipan nila Anicka at Kentrix na magtabi. Eh kung sakaling tumabi sa akin si Anicka? Malamang sila Kentrix at Iori ang magkatabi ngayon. Juskopo!!! Hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko. Past and present? Wew.


Umupo na ako at sumunod na umupo si Iori sa tabi ko. Hindi nga sila magkatabi pero magkatapat naman. Hayst !! Hamu na, ganoon talaga eh. Pagkaupo niya ay napatingin siya sa gawi ni Kentrix. Nagbatian sila sa pamamagitan ng pagtaas ng kani-kanilang ulo.


"Pwede na ba tayong mag-umpisa?" Tanong ni Mama.

"Sige na, mag lead ka na ng prayer Leeana?" si Papa naman ang nagsalita.


Nag sign of the cross ako at pumikit. Nag-umpisa na akong magdasal. Pagkatapos kong magdasal, ay nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang ang mesa. Ni wala atang gustong magsalita. Tahimik lang ako habang sumasandok ng pagkain. May mga pagkakataon na tinatanong ko si Iori kung gusto niya ba ng ganito ? ng ganyan ? Tanging iling lang ang sinasagot niya sa akin. Sa wakas nagsalita si Papa.


"Magkakilala na ba kayo?!" Tumingin muna si Papa kay Iori bago kay Kentrix.

"Opo!" magkasabay pa silang sumagot.


Tumango tango lang si Papa at bumalik na ulit sa pagkain. Muling tumahimik. Hays! Sana matapos na agad ang pagkain namin para hindi ako ganitong hindi alam kung anong gagawin. Madalas kong makita ang pagsulyap ni Anicka sa akin. Maging siya na super daldal ay biglang natameme. Siguro dahil sa naiilang din itong magsalita at baka may masabi siyang hindi maganda sa pandinig ng dalawa. Minabuti na lang niyang manahimik para safe :)


"Siyangapala, may naisip na ba kayong name ni bebe?" tanong ni Mama


Napatingin ako kay Mama at nakita ko sa kanyang mga mata na ayos lang ang kanyang itinanong. Kainis naman! Sa dinami dami ng itatanong ni Mama bakit yun pa? Ayoko sana kasing pag-usapan muna ang tungkol sa bebe ko o sa kahit anong tungkol sa aming dalawa ni Iori. Siyempre no nakakailang pa din. Kahit na sinabi na sa akin ni Kentrix na totoong masaya siya para sa amin, hindi ko pa din lubos maisip na bakit kailangan pang pag-usapan ang tungkol sa amin na kaharap siya. No choice kaya sumagot na lang ako.


"Actually Ma, wala pa po kaming napag uusapan ni Iori tungkol sa magiging pangalan ni bebe. Wala pa po kasi kaming idea eh." tanging yun lang ang naisagot ko. Sapat na siguro yun.

"Ah ganun ba! Pag-isipan nyo na hanggat maaga para hindi kayo malito sa spelling ng pangalan ng bata kapag andyan na siya. Madalas kasing nagkakaroon ng mali sa mga spell ng pangalan eh lalo kapag hindi napaghandaan." wika ni Mama.

"Sige po, pag-uusapan na lang namin ni Iori." Lumingon ako sa kanya at ngumiti.


Ilang minuto pa at natapos na din kaming kumain. Nakahinga ako ng maluwag ng magpaalam na sila Anicka at Kentrix. Hinatid lang namin sila ni Iori sa gate.


"Pre una na kami!" nakipagshake hands si Kentrix kay Iori.

"Sige tol! Salamat sa pagdalaw." inabot naman ni Iori ang kamay ni Kentrix at tinap niya ang likod nito.

"Sissy, Kentrix ingat kayo. Salamat ulit sa pasalubong." ngumiti ako at inangkla ko ang kamay ko sa bewang ni Iori. Umakbay naman sa akin si Kumag :)


Kumaway pa muli ang dalawa bago sila tuluyan ng tumalikod sa amin at ng makalayo na sila sinara na namin ang gate at naglakad na ulit kami pabalik.


Habang naglalakad kami, aalisin ko na sana ang pagkaka angkla ko sa bewang niya pero pinigilan niya ito.


"Oh bakit mo na tatanggalin, dahil wala na sila?" naniningkit ang kanyang mga mata.

"Hindi naman sa ganon, ikaw lahat na lang ng galaw ko binibigyan mo ng issue." napasimangot tuloi ako.

"Galit ka na niyan?" tanong niya.

"Eh kasi ikaw eh!" inismidan ko siya at mabilis akong naglakad.

Hinabol niya ako at ginulo niya ang buhok ko. "Eto naman! Siyempre, nahahalata ka eh." Tumawa siya ng medyo malakas.


Huminto ako kaya napahinto din siya. Hinawakan ko ang kanyang dalawang pisngi na parang kinukurot ito. "Huwag ka na ngang mag-isip ng kung anu-ano dyan! Simula nung araw na sumama ako sa iyo, isinama ko na din itong puso ko. Though, pinag-aaralan ko pa lang na mahalin ka, sinabi ko pa din sa sarili ko na ikaw na ang pagtutuunan ko ng pagmamahal simula ngayon. Kaya pwede ba, huwag ka na ngang umakting na parang bata! Ay naku hindi bagay sa iyo." ngumiti ako at mahina ko siyang sinampal. 


At dahil sa kanyang narinig, nakita ko ang kanyang masiglang ngiti. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. "Maraming maraming salamat Leeana. Hinding hindi ka magsisisi na pag-ukulan ako ng pagmamahal. Saka nag-eemote lang ako, tinitignan ko lang naman kung ano ang reaksyon mo ngayong nagkaharap na kami ni Kentrix." Pagkatapos niya akong yakapin ay hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na kaming muli.


Parehas kaming nakangiti at wagas kung maka HHWW. (holding hands while walking)

MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon